WEBVTT

01:51.215 --> 01:54.802
Wow, mas matapang ka sa inaakala ko.

01:55.719 --> 01:58.055
Kaya pala
patay na patay sa 'yo si Legoshi.

01:58.139 --> 01:59.598
Teka, si Legoshi?

02:00.516 --> 02:01.392
Tingnan mo.

02:01.475 --> 02:04.019
Magkapareho kami ng mata, di ba?

02:04.103 --> 02:06.063
Wag mong sabihing…

02:06.147 --> 02:08.816
Oo, lolo ako ni Legoshi.

02:10.192 --> 02:12.361
Pero bayawak ka!

02:15.364 --> 02:20.286
ANG DEMONYONG HARI NG MGA HAYOP

02:23.998 --> 02:25.958
Pasensiya na po talaga.

02:26.041 --> 02:28.711
Di ko alam na bayawak ang lolo ni Legoshi.

02:28.794 --> 02:30.629
Ayos lang.

02:30.713 --> 02:33.382
Hindi niya siguro sinabi sa 'yo.

02:33.966 --> 02:37.428
Ganoon talaga si Legoshi, ano po?

02:37.511 --> 02:40.181
Pagdating sa mga bagay na
dapat nasabi na agad,

02:40.264 --> 02:42.308
lagi siyang, "Oo nga, 'no…"

02:43.267 --> 02:45.644
Nanay po ba ito ni Legoshi?

02:46.687 --> 02:47.897
Oo.

02:48.564 --> 02:50.065
Kamukha ng asawa ko, di ba?

02:50.149 --> 02:51.901
Oo nga.

02:51.984 --> 02:54.445
Sana man lang may juice ako o ano man.

02:54.528 --> 02:58.073
Ayos lang po. Tsaa rin ang ibinibigay
ni Legoshi pag dumadalaw ako.

02:58.157 --> 02:59.366
Talaga ba?

03:04.038 --> 03:04.872
Ha?

03:07.416 --> 03:09.501
Okay, malinis na.

03:09.585 --> 03:11.086
Para saan po 'yon?

03:11.170 --> 03:14.173
Mapanganib ang kamandag ng Komodo dragon.

03:14.256 --> 03:17.092
Puwede mong ikamatay ang basta paghawak.

03:17.927 --> 03:18.928
Kamandag…

03:19.428 --> 03:22.640
Kaya maganda 'yong napili mong
stun gun kanina.

03:22.723 --> 03:25.017
Makakaatake ka nang di humahawak.

03:25.643 --> 03:29.063
Pasensiya na po talaga
at nakuryente ko kayo.

03:29.146 --> 03:32.650
Pasensiya na rin.
Di ko sinasadyang gulatin ka.

03:32.733 --> 03:34.777
Medyo nasabik lang ako.

03:34.860 --> 03:39.031
Natuwa kasi ako nang sabihin ni Legoshi
na protektahan ko ang mahalaga sa kanya.

03:39.114 --> 03:42.243
Sana kinausap muna kita nang ayos.

03:42.326 --> 03:47.081
Wag po kayong mag-sorry. Alam ni Legoshi
na pag sinabi niya sa akin, maiinis ako.

03:47.164 --> 03:50.709
Siguradong nag-aalala lang siya
na baka maatake ako.

03:50.793 --> 03:54.588
Di ka naman nagdududa kay Legoshi, di ba?

03:54.672 --> 03:57.258
Di ka ba takot sa kaniya?

03:57.341 --> 04:01.428
Nanganganib kang malapa,
bayawak ang lolo niya,

04:01.512 --> 04:03.389
at isa siyang lobo.

04:03.472 --> 04:06.433
Hindi po ako natatakot.

04:06.517 --> 04:09.061
Dati, takot ako sa kaniya.

04:09.144 --> 04:13.399
Pero isa akong kunehong umibig ng lobo.
Kaya marami na kaming nalampasan.

04:14.191 --> 04:18.779
Isa pa, di lang siya lobo sa akin.
Siya si Legoshi.

04:18.862 --> 04:20.906
Ganoon ba?

04:20.990 --> 04:22.658
Ganoon din si Toki.

04:23.284 --> 04:25.119
Toki? Siya po ang asawa n'yo?

04:25.202 --> 04:26.245
Oo.

04:26.745 --> 04:29.456
Ganiyan din ang sinabi niya sa akin.

04:29.540 --> 04:34.378
Na mamahalin niya ako ano man ako,
kahit pa Komodo dragon.

04:36.338 --> 04:39.717
<i>Teenager pa lang kami
noong una kaming magkakilala.</i>

04:40.342 --> 04:42.219
<i>Love at first sight kaming dalawa.</i>

04:42.303 --> 04:45.139
<i>Di namin pinansin
ang mga kumontra at naging kami.</i>

04:46.473 --> 04:51.979
<i>Noon, mababa ang tingin
sa mga interspecies couple.</i>

04:52.062 --> 04:53.772
<i>Pero masaya kami.</i>

04:53.856 --> 04:56.317
<i>At himala, nagkaanak kami.</i>

04:56.400 --> 04:58.319
Halikan mo ako, mahal.

04:58.402 --> 05:00.654
Ano'ng meron? Grabe, ang cute mo.

05:01.780 --> 05:02.614
Tsup.

05:05.743 --> 05:08.120
<i>Ginamit n'yo rin 'yan sa asawa n'yo?</i>

05:08.704 --> 05:11.123
<i>Lagi niya nga 'yong inirereklamo.</i>

05:11.206 --> 05:13.500
<i>Sabi niya, hindi raw romantic.</i>

05:14.960 --> 05:18.130
<i>Parang panaginip ang bawat araw.</i>

05:18.213 --> 05:20.966
<i>Ang ganda ng asawa ko, sa loob at labas.</i>

05:21.050 --> 05:25.346
<i>Bumuo siya ng pamilya kasama ang
makamandag na halimaw na gaya ko.</i>

05:25.429 --> 05:28.724
<i>Duda akong halimaw ang tingin niya sa 'yo.</i>

05:28.807 --> 05:29.933
<i>Tama ka.</i>

05:30.434 --> 05:32.811
<i>Ayaw niyang mahadlangan kami ng kamandag</i>

05:32.895 --> 05:36.482
<i>at hiniling niyang
wag ko na 'yong alalahanin.</i>

05:37.733 --> 05:39.943
<i>Kaya tumigil din ako.</i>

05:40.652 --> 05:44.907
<i>Noon, ang iniisip ko lang,
magpakalunod sa pag-iibigan namin.</i>

05:46.742 --> 05:48.827
Happy birthday, Toki.

05:50.579 --> 05:51.705
Salamat.

05:53.123 --> 05:54.541
Iniisip ko lang.

05:55.250 --> 05:59.922
Dahil sa 'yo, ako na
ang pinakamasayang babae sa mundo.

06:04.510 --> 06:06.261
Toki! Ano'ng ginagawa mo?

06:06.345 --> 06:10.307
Linis, linis… Teka, nasaan ang spray ko?

06:10.390 --> 06:11.809
Saan 'yon napunta?

06:11.892 --> 06:14.311
Gusto kong malaman mo.

06:14.394 --> 06:18.440
Ang kaligayahan ng malalim na pag-ibig
na hindi natatakot.

06:23.320 --> 06:27.324
Kaya ipinalimot ko sa 'yo
ang mga alalahaning dinadala mo.

06:30.577 --> 06:33.664
<i>Doon ko naunawaan.</i>

06:34.414 --> 06:37.918
Ang tanging dahilan
kaya nahulog ako nang labis kay Toki

06:38.001 --> 06:41.213
ay dahil sa pagiging maalalahanin niya.

06:41.922 --> 06:44.299
Kung napansin ko kaagad,

06:44.383 --> 06:47.469
baka hindi siya nawala sa akin.

06:48.220 --> 06:50.889
Masaya akong mahal mo si Legoshi.

06:51.515 --> 06:56.562
Kaya nga umaasa ako
na magiging masaya kayo sa hinaharap.

06:56.645 --> 06:59.648
Kayong dalawa, magpakailanman.

07:00.649 --> 07:01.859
Magiging maayos po kami.

07:02.442 --> 07:05.487
Matapos ko kayong
makilala ngayon at makausap,

07:05.571 --> 07:08.699
gusto ko pang matutunan
ang mga tungkol kay Legoshi.

07:09.199 --> 07:11.493
At siya sa mga tungkol sa akin.

07:11.577 --> 07:14.746
Para magawa 'yon,
dapat manatili akong buhay.

07:15.247 --> 07:16.582
Tama ka.

07:17.416 --> 07:21.962
Minahal po talaga kayo ni Ms. Toki, ano?

07:22.045 --> 07:23.380
Oo.

07:25.424 --> 07:28.260
Namimiss ko na siya.

07:37.102 --> 07:38.520
Ano ba ang inaarte mo riyan?

07:38.604 --> 07:41.565
Sa lakas ng amoy,
mahapdi na sa mga mata ko.

07:50.324 --> 07:51.533
Sariwang hangin…

07:51.617 --> 07:53.327
Sorry na, Mama!

07:54.578 --> 07:56.663
May ninakaw na naman ang batang 'yon?

07:56.747 --> 07:59.333
Kahit bilang magulang,
ang lupit naman no'n.

07:59.416 --> 08:01.502
Hindi naman siya ang nanay.

08:01.585 --> 08:03.086
Pero "Mama" ang tawag.

08:03.170 --> 08:05.088
Foster parent siya.

08:05.172 --> 08:07.799
- Di mo dapat 'yon ginagawa!
- Ampon ba siya?

08:07.883 --> 08:10.677
Pinalaki ang batang 'yon ng lolo niya,

08:10.761 --> 08:13.472
na may nakaalitan sa mainstream society.

08:14.139 --> 08:16.934
Hindi siya nakatakas
at nahuli siya ni Yahya.

08:17.017 --> 08:18.727
Kilala mo si Yahya, di ba?

08:18.810 --> 08:19.645
Oo.

08:20.354 --> 08:24.358
Kapag nadampot ka ni Yahya, wala ka na.

08:25.651 --> 08:27.444
<i>Carrot fertilizer…</i>

08:28.028 --> 08:31.073
Maraming batang gaya niya
sa Black Market at sinisiguro

08:31.156 --> 08:33.575
ng maaasahang nanay na 'yon
na nakakakain sila.

08:35.285 --> 08:36.620
- Ma?
- Ano?

08:36.703 --> 08:38.163
Uy, Degoshi.

08:38.830 --> 08:42.709
Mas wala bang puso
ang mga nasa loob o nasa labas?

08:50.008 --> 08:53.053
Isang linggong pagkain,
isang dalahan lang!

08:53.136 --> 08:54.304
Ayos, Degoshi!

08:54.388 --> 08:57.140
Sa manual labor lang naman ako magaling.

09:07.359 --> 09:10.112
Magiging kasinlakas ni Bean si Kyuu!

09:10.195 --> 09:12.948
Si Kyuu? 'Yong kunehong 'yon?

09:13.031 --> 09:18.954
Oo. Kahit na maliit siyang herbivore,
siya ang tagadala ng pera sa fight club!

09:19.037 --> 09:20.998
Napakalakas niya!

09:21.081 --> 09:23.500
Isang role model
para sa mga batang Black Market.

09:23.584 --> 09:25.335
Wow.

09:25.419 --> 09:26.628
Siya ang pangarap natin.

09:27.129 --> 09:28.046
Pangarap?

09:28.630 --> 09:31.216
Dahil sa kaniya, puwede kaming mangarap.

09:31.300 --> 09:33.927
Para siyang bituing maningning
sa aming kalangitan.

09:34.011 --> 09:36.763
Iyong puwede naming gayahin.
Nagbibigay ng pag-asa.

09:36.847 --> 09:41.560
Pag may iniidolo, nagkakaroon sila
ng kumpiyansang mangarap nang malaki.

09:41.643 --> 09:43.645
Pero di naman mahalaga kung sino.

09:44.354 --> 09:47.566
Mahalaga na may tinitingalang gano'n.

09:48.150 --> 09:50.861
Pag sa baba tumingin, matatapakan kami.

09:50.944 --> 09:53.780
Pag sa gilid, magpapatayan lang kami.

09:54.406 --> 09:59.369
Pero kung tumitingala kami na sama-sama,
matitigil saglit ang mga hidwaan.

09:59.453 --> 10:01.496
Ganoon din sa mainstream society, di ba?

10:02.831 --> 10:06.752
<i>Kung titingala kami nang sama-sama
at sabay na mangangarap,</i>

10:07.544 --> 10:11.923
<i>baka magkasundo ang nasa Black Market
at nasa mainstream society.</i>

10:12.841 --> 10:15.052
<i>Ang mga carnivore at herbivore.</i>

10:22.601 --> 10:23.769
<i>Ano ang gagawin ko?</i>

10:24.394 --> 10:25.854
<i>Makakatakas ba ako?</i>

10:25.937 --> 10:29.983
<i>Walang magagawa ang pagtakas.</i>

10:30.067 --> 10:31.068
Louis, dear.

10:31.151 --> 10:33.737
Magpakatatag ka, Louis. Harapin mo ito.

10:33.820 --> 10:35.614
Tapos na akong maligo.

10:37.115 --> 10:38.784
Ang bilis no'n.

10:38.867 --> 10:40.869
Sabihin mo na!

10:40.952 --> 10:44.247
<i>Aminin mong di mo na kayang
makipag-sex sa mga herbivore.</i>

10:44.331 --> 10:46.124
Masaya ako.

10:46.208 --> 10:49.336
Noong imbitahin kita,
akala ko, tatanggihan mo ako.

10:49.419 --> 10:53.715
<i>May dahilan ba't sumama ako rito
para makapag-usap kami.</i>

10:53.799 --> 10:55.717
<i>Gusto ko nang umamin!</i>

10:57.302 --> 11:00.055
<i>Teka. Para saan pa kung aaminin ko pa?</i>

11:00.138 --> 11:01.598
<i>Final na ang engagement namin.</i>

11:01.682 --> 11:05.560
<i>Kaya, paano ako…</i>

11:05.644 --> 11:07.729
Magpa-room service ba ako?

11:08.313 --> 11:09.898
Di ka pa naghahapunan, di ba?

11:10.399 --> 11:12.317
Ang room service dito ay…

11:14.611 --> 11:17.489
Kahit mahiga ka lang.

11:17.572 --> 11:18.782
Ako na ang bahala.

11:18.865 --> 11:20.450
Tama na!

11:25.956 --> 11:29.418
- Kasi…
- Sinusubukan ko naman.

11:30.210 --> 11:32.462
Gusto kong maging maayos 'to.

11:32.546 --> 11:35.006
Alam ko naman. Pasensiya na.

11:35.090 --> 11:37.801
Ginagawa natin 'to
para sa mga pamilya natin.

11:37.884 --> 11:39.928
Hindi ba talaga ako kagusto-gusto?

11:40.011 --> 11:41.096
Hindi sa…

11:41.179 --> 11:45.016
E, bakit ayaw mo akong halikan?
Dito, ngayon na.

11:45.100 --> 11:47.727
Kasi…

11:50.355 --> 11:52.065
Wala kang kasalanan.

11:52.607 --> 11:54.609
Ako ang problema rito.

11:54.693 --> 11:58.071
Sa mga herbivore, parang…

11:59.072 --> 12:00.407
Parang…

12:01.116 --> 12:04.411
Gustong-gusto ko talaga ang mga carnivore.

12:04.911 --> 12:06.538
Kaya sa 'yo, di ko kayang…

12:06.621 --> 12:09.624
Pero malaking problema 'to.

12:09.708 --> 12:14.629
Para sa tatay ko, umiiral lang ako
para maging tatay ng magmamana ng Horns.

12:14.713 --> 12:17.174
Sa ganitong paraan lang ako makakabawi.

12:17.257 --> 12:19.551
Pero di ko magawa.

12:20.802 --> 12:25.307
Naiintindihan ko lahat ng ito,
pero di ko mapigilan ang nadarama ko.

12:26.433 --> 12:29.519
Kalmado ako pag kasama ko
ang mga carnivore.

12:30.061 --> 12:32.397
Pag nababalot ng amoy na 'yon…

12:33.398 --> 12:36.151
Naiintindihan ko
kung gusto mong makipaghiwalay.

12:36.234 --> 12:40.363
Baka hindi kita masipingan kahit kailan.

12:40.447 --> 12:45.660
Ang layunin ng pagpapakasal natin,
magkaroon ng tagapagmana, pero ako…

12:48.413 --> 12:49.456
Naiintindihan ko.

12:49.956 --> 12:51.958
Alam ko na ngayon.

12:52.042 --> 12:55.504
Kung ganoon pala,
hindi natin kailangang magsiping.

12:56.004 --> 13:02.052
Louis, ang layunin ay pag-ugnayin
ang ating mga pamilya.

13:02.135 --> 13:05.555
Oo, kailangan natin ng mga anak,
pero maraming paraan para doon.

13:06.973 --> 13:11.895
Inaamin ko, gusto kong magkaroon tayo
ng romantikong ugnayan.

13:11.978 --> 13:15.982
Pero nagbabago ang mga layunin
at kailangang umangkop.

13:16.066 --> 13:18.652
Mahalagang taktika rin ito sa negosyo.

13:18.735 --> 13:20.487
Azuki…

13:20.570 --> 13:22.489
Baguhin natin ang goal natin.

13:22.572 --> 13:27.452
Hindi na nating kailangang magmahalan
o sumiping sa isa't isa.

13:27.536 --> 13:29.079
Sandali lang.

13:29.162 --> 13:33.208
Puwes, hindi na tayo maghihiwalay?
Gusto mo pa ring magpakasal?

13:33.291 --> 13:35.168
Oo, gaya ng plano.

13:35.252 --> 13:36.836
- Hindi maaari.
- Bakit?

13:36.920 --> 13:39.923
Ayokong magdusa ka
dahil sa di masayang pagsasama.

13:40.006 --> 13:41.258
Isa pa…

13:41.883 --> 13:42.926
Louis.

13:43.510 --> 13:45.512
Di mo ako naiintindihan.

13:46.555 --> 13:50.392
Pagpapakasal ang mismong layunin ko.

13:52.394 --> 13:55.188
Kaya pakiusap, wag mo akong alalahanin.

13:55.981 --> 14:01.069
At kahit hindi tayo lovers,
puwede pa rin tayong maging partners.

14:01.152 --> 14:02.612
Business partners.

14:03.363 --> 14:06.157
Ayos lang 'yon sa 'yo?

14:06.241 --> 14:07.617
Oo.

14:07.701 --> 14:13.164
Mamanahin ko ang kompanya ni Papa
at interesado akong palaguin 'yon.

14:13.248 --> 14:17.794
Ang kasalang 'to ang magpapatatag
sa kalagayan ng Ogura Foods

14:17.877 --> 14:22.132
at mag-aalis ng mga alalahanin
sa mangyayari sa Horns Conglomerate.

14:29.014 --> 14:32.559
LEON

14:32.642 --> 14:35.061
Gagawin mo talaga ito?

14:35.145 --> 14:35.979
Oo.

14:36.646 --> 14:40.817
Kailangan natin ng lider para makasali
sa turf war sa Meat Appreciation Day.

14:40.901 --> 14:44.070
Para lang malinaw,
di pa rin ikaw ang boss.

14:44.154 --> 14:45.655
Alam ko 'yon.

14:45.739 --> 14:47.574
Ngayon lang.

14:47.657 --> 14:50.160
Pag di tayo nakasali,
maghihintay pa tayo sa susunod.

14:50.243 --> 14:53.413
Aagawin ng Doku-Gumi, Madara-Gumi,
at Inari-Gumi ang teritoryo

14:53.496 --> 14:57.542
at di ko masisikmurang tingnan
ang pagmumukha nila buong taon.

14:58.251 --> 15:04.049
"Pinuno: Agata"… Hayan.

15:05.258 --> 15:06.927
PINUNO
AGATA

15:07.010 --> 15:08.470
Ayos!

15:08.553 --> 15:11.348
Sige! Irerehistro ko na.

15:11.431 --> 15:12.807
Sandali.

15:12.891 --> 15:15.769
Sama-sama tayong pumunta
para ipadama ang presensiya natin.

15:15.852 --> 15:18.855
Kahit pansamantala,
ang lider ay lider pa rin.

15:18.939 --> 15:20.106
Talaga?

15:31.952 --> 15:32.911
Boss?

15:38.083 --> 15:42.379
Nandito lahat ang gang, 'no?
Kasabik-sabik na pag-welcome.

15:51.888 --> 15:53.848
Ano ito?

15:53.932 --> 15:54.933
SHISHI-GUMI

15:55.016 --> 15:57.477
Sasali kami sa turf war.

15:59.771 --> 16:03.316
Sa Meat Appreciation Day? Sakto pala.

16:03.858 --> 16:07.362
May napalagpas akong isang babaeng kuneho

16:07.946 --> 16:10.323
at iniisip ko kung kailan siya kakainin.

16:10.907 --> 16:13.576
Isang araw na ipagdiriwang ang karne?

16:13.660 --> 16:15.453
Doon ko na lang siya kakainin.

16:20.792 --> 16:23.795
"Pinuno: Agata"?

16:27.340 --> 16:30.677
May nagmamayabang 'ata.

16:31.302 --> 16:32.595
Ano ba kayo?

16:33.096 --> 16:36.433
Di n'yo naman ako pinapatalsik, di ba?

16:36.516 --> 16:38.059
Hindi.

16:38.143 --> 16:40.687
Pero wala ka rito.

16:40.770 --> 16:43.815
Kaya ako muna ang papalit…

16:49.738 --> 16:51.072
Ikaw?

16:51.573 --> 16:53.783
Papalit sa akin?

16:57.537 --> 17:00.331
Pagkatapos ng pilat na ibinigay ko sa 'yo,

17:00.415 --> 17:03.293
di ka pa rin pala natuto.

17:07.130 --> 17:10.383
Maaaring mapalitan mo ang boss mo,

17:10.467 --> 17:12.761
pero di mo ako mapapalitan.

17:12.844 --> 17:17.849
Walang sinuman sa planetang ito
ang makakapalit sa akin.

17:20.351 --> 17:22.937
<i>Halatang-halata naman 'yon,</i>

17:23.521 --> 17:26.274
<i>pero kahit nanay ko, di 'yon naintindihan.</i>

17:30.361 --> 17:34.282
<i>Sabi niya, mahal niya raw ako.</i>

17:34.365 --> 17:39.537
<i>Pero sa lahat ng pagkakataon,
tatay ko ang hinahanap niya. Sa loob ko.</i>

17:40.955 --> 17:46.920
<i>Di ako ang hinahanap niya,
kundi ang mahina at duwag na herbivore.</i>

17:47.545 --> 17:50.298
<i>Kaya tinuruan ko siya ng leksiyon.</i>

17:53.134 --> 17:56.304
<i>Di ako katulad ng tatay ko.</i>

17:56.387 --> 17:58.515
<i>Wala akong katulad.</i>

17:59.015 --> 18:00.975
<i>Ako'y ako lamang.</i>

18:01.476 --> 18:03.812
<i>Walang makakapalit sa akin.</i>

18:10.735 --> 18:13.613
Ano'ng karapatan mong palitan ako?

18:13.696 --> 18:17.075
Kayang akuin ng kapalit ko
ang ganiyang sakit para sa 'yo?

18:17.158 --> 18:19.369
Hindi, sa 'yo lahat 'yan.

18:20.995 --> 18:23.456
- Uy…
- At ikaw ay ikaw.

18:23.540 --> 18:25.583
Kung gusto mong lumaban, sige.

18:25.667 --> 18:29.671
Kung gusto mong maging boss,
talunin mo ako at kunin mo ang trono.

18:29.754 --> 18:32.966
Kung ayaw mo sa isang bagay, durugin mo.

18:33.049 --> 18:35.718
Umukit ka ng daan gamit ang mga kuko mo.

18:35.802 --> 18:38.555
Ganoon ang ginagawa rito.

18:39.639 --> 18:42.851
Sinabi n'yo na dati.

18:43.518 --> 18:48.982
Maging leon na karapat-dapat sa iyong
balahibo, o kung ano-ano pa.

18:50.108 --> 18:51.818
Ano ang criteria?

18:51.901 --> 18:54.028
Paano nagiging karapat-dapat?

18:55.321 --> 18:56.781
Pagiging makapangyarihan.

19:00.577 --> 19:02.036
Sang-ayon ako.

19:02.704 --> 19:06.207
Pag makapangyarihan ka, may kalayaan ka.

19:06.291 --> 19:08.459
Pinapahina tayo ng mga tanikala.

19:08.543 --> 19:11.796
Dapat kainin natin ang gusto natin
at gawin ang gusto natin.

19:12.297 --> 19:13.298
Sabihin mo nga.

19:14.007 --> 19:16.759
Ano'ng mali sa pamumuhay nang malaya?

19:16.843 --> 19:19.637
Di ba kaya nga may Black Market?

19:21.097 --> 19:24.601
<i>Si Melon ay isang demonyo
na nabibilang sa Black Market.</i>

19:25.977 --> 19:28.730
<i>Teka, naiintindihan ko na.</i>

19:29.647 --> 19:35.278
<i>Ang lalaking ito ay pinagsamang
carnivore at herbivore para makagawa…</i>

19:35.361 --> 19:37.447
<i>ng tunay na hari ng mga hayop!</i>

19:46.915 --> 19:49.792
Susunod ako sa 'yo, Boss.

19:50.335 --> 19:51.711
Agata…

19:52.795 --> 19:55.673
Talagang sira-ulo ka.

19:55.757 --> 20:00.428
Pero kami lang ang may kayang sumunod
sa boss na kasinlupit mo.

20:00.511 --> 20:03.514
Iaalay ko sa 'yo ang aking paa, balahibo,
kung ano pa.

20:03.598 --> 20:09.145
Sa pamumuno mo,
mas lalakas ang Shishi-Gumi! Mas sasama!

20:11.898 --> 20:13.399
Oo, sang-ayon ako.

20:13.483 --> 20:15.360
Wala nang mas baliw pa sa 'yo.

20:15.985 --> 20:19.656
Di ba? 'Yon lang ang paraan
para maging masaya 'to.

20:19.739 --> 20:23.576
Heto na. Ito ang sunod n'yong trabaho.

20:26.746 --> 20:27.914
Melda?

20:27.997 --> 20:31.084
Di n'yo pa napaglalaruan 'yan, di ba?

20:31.167 --> 20:33.544
Ibang klase silang mabuhay.

20:33.628 --> 20:37.465
Kaya ipakita natin sa kanila
kung paano talaga mabuhay!

20:37.548 --> 20:40.385
Palalimin n'yo pa ang kadiliman n'yo!

20:40.468 --> 20:45.223
Maging madidilim na hari ng mga hayop
at pamahalaan ang Black Market!

20:45.306 --> 20:46.557
Shishi-Gumi!

20:47.433 --> 20:48.643
Oo…

20:49.185 --> 20:50.353
Tama.

21:02.532 --> 21:06.786
KALIGTASAN MUNA

21:06.869 --> 21:11.332
Ang taunang event natin para malaman
ang mga teritoryo sa Black Market!

21:11.416 --> 21:15.211
Ang mga kasali ngayong taon
sa Meat Appreciation Day ay…

21:16.004 --> 21:17.547
Inari-Gumi!

21:18.131 --> 21:19.882
Madara-Gumi!

21:20.675 --> 21:22.635
Doku-Gumi!

21:23.219 --> 21:24.304
Walang Shishi-Gumi?

21:24.387 --> 21:26.055
Heto na!

21:26.139 --> 21:27.265
Tabi kayo diyan!

21:27.348 --> 21:28.808
Tumabi kayo! Padaanin kami!

21:28.891 --> 21:29.892
Tabi nga, lintik!

21:29.976 --> 21:30.810
Alis!

21:30.893 --> 21:32.353
Sabing magpadaan, e!

21:44.365 --> 21:45.783
MELON

21:46.451 --> 21:48.369
Siya ang boss ng Shishi-Gumi?

21:48.453 --> 21:49.579
Mix?

21:49.662 --> 21:51.122
Di ko pa siya nakita dati.

21:51.205 --> 21:52.248
Siya…

21:58.379 --> 22:02.342
Nakita mo na siya dati?

22:02.425 --> 22:03.801
Isang gazelle?

22:03.885 --> 22:04.969
Isa siyang mix…

22:05.053 --> 22:08.181
Uy, Degoshi! Nahanap na namin si Melon!

22:09.766 --> 22:10.892
Nasaan?

23:37.603 --> 23:41.941
Nagsalin ng Subtitle: R Seb
