WEBVTT

01:42.039 --> 01:46.961
DUGO SA DISCO BALL

01:47.044 --> 01:51.257
<i>Sampung araw nang pinaghahanap
ng mga pulis si Legoshi, ang lobong gray.</i>

01:51.340 --> 01:53.926
<i>Bakit kaya hindi pa siya nahahanap?</i>

01:54.009 --> 01:55.469
<i>Mga tamad kasi sila!</i>

01:55.553 --> 01:58.722
<i>Kung natatagalan sila sa paghahanap,</i>

01:58.806 --> 02:01.809
<i>baka nagtatago siya sa alam-mo-na, sa—</i>

02:01.892 --> 02:04.520
<i>Oo, baka…</i>

02:04.603 --> 02:08.232
<i>Baka may nahanap siyang lugar
na di mapupuntahan ng mga pulis.</i>

02:08.315 --> 02:10.860
<i>Kaya siguro inanunsiyo ng mga pulis ngayon</i>

02:10.943 --> 02:15.239
<i>na may sampung milyong pabuya
sa makapagbibigay-alam.</i>

02:15.322 --> 02:17.366
<i>'Yon na ang pinakamalaking pabuya!</i>

02:17.449 --> 02:21.537
<i>Pero siya ang pinakamasahol na kriminal
na nasa likod ng lagpas 20 krimen…</i>

02:21.620 --> 02:25.583
Anim na araw siya rito kada linggo.
Imposibleng naka-20 krimen siya.

02:25.666 --> 02:27.793
<i>At abala mag-promote
ng Zoolympics ang mayor</i>

02:27.877 --> 02:32.256
<i>imbes na atupagin ang kaligtasan
ng mga mamamayan niya!</i>

02:32.339 --> 02:35.759
<i>May ganito ring mga opinyon
na gumagawa ng ingay online…</i>

02:35.843 --> 02:36.844
Ako ito.

02:37.469 --> 02:42.141
Lalaban ang gray na lobo
sa Black Market turf war bukas.

02:42.224 --> 02:44.143
Dakipin, ano man ang mangyari.

02:45.186 --> 02:48.355
Oo, buhay man o patay.

02:49.690 --> 02:50.774
Sobrang tiwali!

02:53.068 --> 02:57.615
Para sa akin, kalmado si Papa
na tanging sa numero lang nakatuon.

02:57.698 --> 03:01.619
Di ko naisip na manunuhol siya
para sa kasikatan at yaman.

03:01.702 --> 03:05.080
Sobrang baluktot,
parang mga sungay niya. Nakakagalit!

03:05.164 --> 03:06.457
Master Louis…

03:06.540 --> 03:08.709
Gusto mo ring manahimik ako?

03:08.792 --> 03:10.377
Di sa ganoon…

03:15.549 --> 03:16.383
Hello?

03:16.467 --> 03:20.262
<i>Nahanap ko na ang hinihiling mo.
Pero kasi—</i>

03:20.346 --> 03:21.597
Salamat.

03:21.680 --> 03:24.516
Bibisitahin kita bukas.
Saka mo na lang idetalye.

03:25.476 --> 03:28.520
<i>Parehong-pareho kayo ng tatay mo.
Pinapagod n'yo ako.</i>

03:29.396 --> 03:30.606
May ipinagawa siya?

03:30.689 --> 03:31.941
<i>Bukas na lang!</i>

03:39.239 --> 03:42.159
Pasensiya na kung natakot kita.

03:42.243 --> 03:46.664
Master Louis,
di ito ang totoong motibo ng tatay mo.

03:46.747 --> 03:48.582
Pinagbabantaan siya ng mayor.

03:49.250 --> 03:50.668
Paano?

03:50.751 --> 03:55.631
Inimbestigahan ng mayor
ang relasyon n'yong mag-ama,

03:55.714 --> 03:58.384
at mukhang may hawak siyang
mga ebidensiya.

03:59.134 --> 04:03.013
<i>Ang live bait catalog?
Sabi niya, ididispatsa niya na 'yon!</i>

04:03.639 --> 04:06.558
Intindihin mo sana ang kalagayan niya.

04:06.642 --> 04:09.270
Di ito ang gusto ng ama mo.

04:10.187 --> 04:11.605
Naniniwala ako roon.

04:11.689 --> 04:14.191
Kung lalabas 'yon,
manganganib ang kompanya.

04:14.275 --> 04:16.193
Hindi 'yon ang dahilan.

04:16.277 --> 04:20.030
Master Louis,
nag-aalala sa 'yo ang ama mo.

04:20.114 --> 04:21.615
Nag-aalala sa akin?

04:21.699 --> 04:26.870
Oo, ayaw niyang may makasira
sa kinabukasan mo.

04:28.122 --> 04:30.374
<i>Totoo ba 'yon?</i>

04:49.393 --> 04:51.478
Ang sarap ng itsura nitong karne.

04:52.146 --> 04:53.605
Gusto ko…

04:54.982 --> 04:57.151
Hindi ko na kaya!

04:57.234 --> 04:58.485
Sandali!

05:00.195 --> 05:02.740
Heto, nguyain mo ang sungay ni Louis.

05:11.457 --> 05:14.335
Pasensiya na at natagalan.

05:14.418 --> 05:18.088
Siguro nahuli ka
kasi lagi kang sumasakay sa basurang 'yan.

05:18.172 --> 05:20.507
Maayos pa naman.

05:21.133 --> 05:23.302
Sabihin mo na ang gusto mo.

05:23.385 --> 05:26.055
Madalian siguro
para tawagan mo ako nang ganito.

05:26.138 --> 05:28.557
Sa apo mo, ano?

05:29.391 --> 05:31.101
Walang nakakalusot sa 'yo, 'no?

05:32.019 --> 05:34.396
Ipinadala 'to ni Legoshi.

05:34.480 --> 05:35.814
Pero…

05:35.898 --> 05:37.191
SA MAHAL KONG LOLO

05:37.816 --> 05:39.485
"Sana maayos ang lagay mo."

05:39.568 --> 05:43.989
"Gusto kitang makausap nang personal,
pero hindi na posible."

05:44.073 --> 05:47.493
"Patuloy mo sanang bantayan si Haru."

05:47.576 --> 05:51.371
"Manatili kang malusog at masaya.
Mula kay Legoshi."

05:51.455 --> 05:54.124
Ibinigay 'to ng 500 Cornered Rats.

05:54.208 --> 05:56.168
Mga kaibigan mo sila, di ba?

05:56.251 --> 05:57.920
May alam ka ba?

05:58.003 --> 06:01.048
Ano ito, suicide note?

06:02.883 --> 06:07.012
Baka may binabalak
ang tarantadong Legoshi na 'yon.

06:07.096 --> 06:10.307
Pag kumilos siya,
mahuhulog siya sa bitag namin.

06:11.266 --> 06:13.018
Ano ang gagawin n'yo kay Legoshi?

06:13.102 --> 06:14.812
Wanted siyang kriminal.

06:14.895 --> 06:15.896
Huhulihin ko siya.

06:15.979 --> 06:19.900
- Salamat sa info.
- Sandali! Tingin mo, may sala si Legoshi?

06:19.983 --> 06:22.402
- Sagutin mo ako. Yahya…
- Hello? Corne?

06:22.486 --> 06:24.071
Kumikilos na siya.

06:24.154 --> 06:27.157
Kumpirmado sa Black Market. Maghanda na.

06:27.241 --> 06:30.828
Aalis na ako rito.
Ang tanga ko para pagkatiwalaan ka!

06:39.419 --> 06:43.465
<i>Gaya ka pa rin ng dati, Gosha.
Ganoon pa rin.</i>

07:33.932 --> 07:38.270
<i>Nangingibabaw na ang pagiging leopard ko
sa pagiging gazelle ko.</i>

07:40.063 --> 07:43.317
Melon, malungkot ka ba?

07:44.443 --> 07:46.487
<i>Para makatakas sa lipunan,</i>

07:46.570 --> 07:51.074
<i>namuhay ako sa kakaibang fairy tale
na ginawa ng nanay ko.</i>

07:52.075 --> 07:54.703
<i>Kaming dalawa lang, sa pekeng mundo namin.</i>

07:55.579 --> 07:56.914
Melon.

07:56.997 --> 08:00.292
<i>Gusto ko pag tinatawag ako ni Mama.</i>

08:00.792 --> 08:05.172
<i>Di ako "mix" o "carnivore"
o isang "herbivore."</i>

08:05.255 --> 08:08.675
<i>Naramdaman kong ako talaga ito.
Na ako si Melon.</i>

08:09.301 --> 08:14.431
Gusto ko 'yang natatakot mong ekspresiyon
at mahinang katawan.

08:14.515 --> 08:20.270
Naaalala ko ang gazelle mong tatay
na mahal na mahal ko…

08:23.857 --> 08:28.779
<i>O, Ma. Nakakatakot at maganda,
siya ang buong mundo ko.</i>

08:29.738 --> 08:32.449
<i>At ngayon, nawawala na
ang pagka-gazelle ko.</i>

08:37.538 --> 08:39.748
Maganda 'tong space na ibinigay sa 'yo.

08:39.831 --> 08:41.291
May smoking room ka pa.

08:41.375 --> 08:42.876
Oo, maganda nga.

08:43.460 --> 08:46.171
Ano'ng mayroon sa inyo ng tatay ko?

08:46.255 --> 08:47.339
Kasi…

08:48.048 --> 08:50.842
Tungkol ba sa artificial na karne?

08:50.926 --> 08:53.637
Alam mo 'yon?

08:53.720 --> 08:55.305
Ang hirap no'n.

08:55.389 --> 08:57.182
Noong ini-report ko ang analysis,

08:57.266 --> 09:00.811
sabi niya, "Di 'to katanggap-tanggap,
ipapakita ko sa media!"

09:00.894 --> 09:02.646
Sobra 'yong galit niya.

09:03.855 --> 09:05.399
<i>Ano ang sinasabi niya?</i>

09:05.482 --> 09:07.901
E, ano'ng sinabi mo sa kaniya?

09:07.985 --> 09:09.319
Ang totoo.

09:09.403 --> 09:13.740
Na hindi talaga artificial ang karne.

09:13.824 --> 09:16.577
Galing pala sa mga di-naipanganak
na animal embryo.

09:16.660 --> 09:18.453
<i>Galing saan?</i>

09:18.537 --> 09:23.375
Pero noong sumunod na araw,
sinabihan niya akong wag ipagsasabi.

09:23.458 --> 09:24.668
Kakaiba.

09:24.751 --> 09:28.755
Oo. Parang may nagpatahimik sa kaniya.

09:28.839 --> 09:31.091
Mukhang sobra siyang nagalit tungkol doon.

09:31.174 --> 09:34.595
<i>Master Louis,
di ito ang totoong motibo ng ama mo.</i>

09:34.678 --> 09:37.014
<i>Pinagbabantaan siya ng mayor.</i>

09:37.639 --> 09:41.935
'Nga pala, 'yong gamot na kailangan mo.

09:42.019 --> 09:44.479
'Yong makaka-control ng blood clotting.

09:44.563 --> 09:45.397
O?

09:45.480 --> 09:48.025
Dalawang araw pa bago makuha.

09:48.108 --> 09:50.319
Ano? Pero bakit?

09:50.402 --> 09:53.864
Kailangan muna 'yong maaprubahan
bago pa may makakuha roon.

09:53.947 --> 09:55.115
May loophole ba?

09:55.198 --> 09:56.617
Kailangan na ngayong gabi.

09:56.700 --> 09:57.576
Ngayong gabi?

09:57.659 --> 09:59.995
Lalaban para sa buhay niya
ang kaibigan ko.

10:00.078 --> 10:04.374
Ano namang kinalaman ng labang ito
sa blood clotting?

10:04.458 --> 10:08.879
Ang kalaban n'ya ay ang kriminal
sa likod ng mga pagpatay sa interspecies.

10:08.962 --> 10:10.255
Ano?

10:10.339 --> 10:12.382
Nakakatakot siyang mix.

10:12.466 --> 10:17.596
Kahinaan niya ang amoy ng pinagsamang
dugo ng carnivore at herbivore.

10:17.679 --> 10:21.475
Nakakalikha nga ng clotting ang paghahalo
ng dugo ng magkaibang specie.

10:22.267 --> 10:23.226
Ganoon ba?

10:23.310 --> 10:25.395
Gusto kong tumulong, pero—

10:25.479 --> 10:27.022
Nangako ako.

10:27.105 --> 10:28.440
Na lalaban din ako.

10:28.523 --> 10:29.816
Lalaban ka rin?

10:29.900 --> 10:32.819
Dahil ang pasakit niya ay pasakit ko rin.

10:33.612 --> 10:36.156
Lagi siyang lumalaban nang mag-isa.

10:37.199 --> 10:42.037
Lumalaban para sa mahalaga sa kaniya,
kahit pa masaktan siya.

10:42.120 --> 10:46.500
Mag-aalangan sa una, pero sa huli,
lalaban siya nang harapan na may dangal.

10:47.250 --> 10:53.799
Ako naman, nanonood lang
habang nasasaktan ang mga mahal ko.

10:54.424 --> 10:57.052
Kaya gusto mo siyang tulungan?

10:57.135 --> 10:58.762
Alam kong parang karuwagan.

10:58.845 --> 11:02.391
Ang paggamit ng dugo
nang di niya nalalaman para humina siya…

11:02.474 --> 11:05.519
Di laging gumagana
ang direktang pag-atake sa harap.

11:05.602 --> 11:07.729
Tama ang naiisip mo.

11:07.813 --> 11:09.106
<i>"Tama"?</i>

11:11.483 --> 11:12.943
<i>"Tama" ba ito?</i>

11:13.819 --> 11:17.823
<i>Naku. Labag sa prinsipyo niya
ang gagawin ko.</i>

11:17.906 --> 11:21.451
<i>Ano ba 'tong iniisip ko?</i>

11:21.535 --> 11:25.789
Gusto kong lumaban nang taas-noo
tulad niya.

11:27.040 --> 11:28.500
Ako…

11:28.583 --> 11:33.588
<i>Siyempre. Dapat labanan ko
ang sarili kong kaaway.</i>

11:33.672 --> 11:35.882
<i>Di ba, Legoshi?</i>

11:37.551 --> 11:38.844
Salamat.

11:38.927 --> 11:42.722
Gagawin ko iyong ako ang may magagawa.

11:42.806 --> 11:46.101
Ano? Uy… Sandali lang!

11:50.397 --> 11:54.276
Para sa isang herbivore,
ang bilis kumulo ng dugo niya.

11:54.901 --> 11:57.487
GIANT PANDA

11:57.571 --> 11:59.114
Salamat.

11:59.197 --> 12:02.909
Ikaw lang ang naisip kong gagawa nito
para sa akin, Mr. Gohin.

12:02.993 --> 12:04.411
Nababaliw ka na.

12:04.953 --> 12:08.331
Dalawang beses ka nang muntik mamatay,
di ka pa rin natututo?

12:08.415 --> 12:10.792
Nakaligtas naman ako sa mga 'yon, di ba?

12:10.876 --> 12:15.755
Sa mga digmaan, kailangan ng baluti
at mga armas.

12:15.839 --> 12:22.512
Pero tatanggalin mo ang pangil mo't
magbabawas ng dugo bago ang laban? Baliw.

12:22.596 --> 12:26.057
Itong mga bagay na mayroon ako
pagkapanganak ko bilang carnivore,

12:26.141 --> 12:29.811
hindi ko 'yon magiging mga armas.

12:29.895 --> 12:33.273
Higit sa katawang lobo ko,
sa mga kuko ko, sa mga pangil ko,

12:33.356 --> 12:37.444
ang tumutulong sa aking magpatuloy
ay ang mga nakita ko at nadama.

12:39.196 --> 12:41.448
Sapat na ba 'yon
para maprotektahan mo sila?

12:41.531 --> 12:43.158
Gagawin ko ang lahat.

12:43.241 --> 12:46.369
Pag tiningnan ko ang repleksiyon ko
sa mga mata ni Haru,

12:46.453 --> 12:49.039
<i>ang gusto kong makita
ay kagalang-galang na lobo.</i>

12:50.582 --> 12:53.251
At para mangyari 'yon,
dapat akong lumaban.

12:53.335 --> 12:56.963
Baliw ka pa rin talaga tulad ng dati.

12:58.632 --> 13:00.175
Salamat sa ginawa mo.

13:01.051 --> 13:02.344
Wag kang mamamatay.

13:02.427 --> 13:05.055
May utang ka pa sa 'kin
do'n sa pustiso mo.

13:11.478 --> 13:14.814
Tawagain natin ang mga koponang lalaban!

13:15.565 --> 13:18.443
May takong na singtaas ng kumpiyansa nila,

13:18.527 --> 13:21.446
ang mga diyosa ng Black Market,
ang Inari-Gumi!

13:21.530 --> 13:23.073
Mahal kita, Ten.

13:23.156 --> 13:25.909
Ang magagarbong lalaki
na may kaakit-akit na istilo,

13:25.992 --> 13:28.954
ang patas at madamaying Madara-Gumi!

13:29.871 --> 13:32.582
Kasintibay ng kaliskis nila
ang kanilang samahan.

13:32.666 --> 13:36.127
Ang nagtatago sa mga anino, ang Doku-Gumi!

13:36.211 --> 13:41.007
Sunod, ang panalo noong nakaraan!
Maipagtatanggol kaya nila ang trono nila?

13:41.091 --> 13:44.928
Ang mga hari ng mga hayop,
ang Shishi-Gumi!

13:47.556 --> 13:51.268
Pero di lang sila! Ang una nating
bagong-dating nitong nakalipas na 30 taon!

13:51.351 --> 13:55.730
Si Legoshi, ang gray na lobo!

13:55.814 --> 13:58.817
Uy, di ba siya 'yong wanted?

13:58.900 --> 14:00.402
'Yong may pataw na 10 milyon?

14:00.485 --> 14:01.444
Dakpin natin siya!

14:02.988 --> 14:04.364
Simple ang patakaran!

14:04.447 --> 14:06.366
Susunugin ng mga kalahok ang dugo nila.

14:06.449 --> 14:11.955
Huhusgahan ang liwanag ng apoy, hugis,
at amoy para malaman ang kampeon!

14:12.038 --> 14:16.793
Ang mananalo ay magkakaroon ng awtoridad
sa Black Market sa loob ng isang taon

14:16.876 --> 14:21.464
at makakakuha nitong
malaking tipak ng karne!

14:22.048 --> 14:26.052
Naku po! Ang sarap niyan!

14:32.559 --> 14:34.394
Handa na ba ang lahat?

14:34.477 --> 14:37.230
Wala nang patumpik-tumpik pa, simulan na!

14:51.661 --> 14:52.829
Ang Inari-Gumi.

14:52.913 --> 14:54.039
Hindi, Madara-Gumi.

14:54.122 --> 14:55.248
Doku-Gumi talaga!

14:55.332 --> 14:58.001
Ang hina ng amoy ng Shishi-Gumi.

14:59.586 --> 15:05.425
Lamang kayo dati
dahil sa usa na sinusunod n'yo noon,

15:05.508 --> 15:08.136
pero ngayon, parang humina kayo.

15:08.219 --> 15:11.014
Tingin ko, di pa tayo nagkakakilala.

15:11.097 --> 15:16.227
Ako si Melon,
at ako ang bagong boss ng Shishi-Gumi.

15:16.311 --> 15:17.604
Masayang makilala ka.

15:18.188 --> 15:20.732
Mula sa mataas, bumagsak ang Shishi-Gumi.

15:20.815 --> 15:22.525
Hindi na katulad ng dati.

15:22.609 --> 15:24.444
Ano 'ka mo?

15:24.527 --> 15:28.531
Binibini, tingin ko,
iwasan mo ang pangmamaliit sa amin.

15:28.615 --> 15:31.076
Di ko 'yan palalagpasin.

15:32.535 --> 15:34.329
O 'yon ang gusto kong sabihin.

15:34.955 --> 15:39.334
Totoo. Ang hina na ng amoy ng Shishi-Gumi.

15:39.417 --> 15:40.627
Haynaku.

15:41.294 --> 15:42.921
Dapat dagdagan pa ang amoy.

15:45.590 --> 15:47.509
- Ano ito?
- Hindi!

15:47.592 --> 15:49.844
Agata!

15:49.928 --> 15:51.596
Tarantado ka!

15:51.680 --> 15:53.431
Sumusobra ka na!

15:55.600 --> 15:56.935
Boss…

15:57.560 --> 16:01.147
Maibabalik tayo nito sa tuktok, di ba?

16:01.231 --> 16:02.065
Shishi-Gumi!

16:02.148 --> 16:03.608
Oo.

16:06.444 --> 16:09.656
Ano ang ginagawa mo?
Labag 'yan sa patakaran!

16:10.865 --> 16:14.828
Walang katuturan itong mga napakahihigpit
na patakaran sa turf war!

16:14.911 --> 16:18.957
Kailangan ng mas maraming dugo!
Higit pang karne! Magpakasaya tayo!

16:19.040 --> 16:23.294
Aminin n'yo, gusto n'yo ng karne!

16:23.378 --> 16:26.006
Naiibsan ba ang gutom n'yo ng amoy lang?

16:26.089 --> 16:28.842
Buksan n'yo ang mga mata n'yo!

16:28.925 --> 16:29.759
Tama siya!

16:29.843 --> 16:31.886
Meat Appreciation Day, di ba?

16:31.970 --> 16:35.807
Gusto n'yo ng karne, di ba?

16:35.890 --> 16:38.601
Di ba kaya nga kayo pumupunta
sa Black Market?

16:38.685 --> 16:41.730
- Oo naman! Mga carnivore tayo!
- Go, Shishi-Gumi!

16:41.813 --> 16:45.191
Kung di yayakapin ang likas,
anong klaseng mga hayop kayo?

16:45.859 --> 16:50.196
Manood kayo, Black Market.
Ito ang pag-ibig!

16:50.280 --> 16:53.450
Labag 'yan sa mga patakaran! Dakpin sila!

17:04.544 --> 17:07.255
Sige. Wala nang bata-batas, ano?

17:07.338 --> 17:10.467
Magwala ba tayo, kahit ngayon lang?

17:10.550 --> 17:12.761
Paigtingin ang dugo!

17:12.844 --> 17:17.223
Legoshi. Ito na ang huling gabi mo.

17:17.307 --> 17:20.101
Magpasabog tayo sa lugar na 'to!

17:24.647 --> 17:27.692
Di ba mas maraming dinosaur
noong nakaraan?

17:27.776 --> 17:29.360
'Yong itinayo ng Cherryton.

17:29.444 --> 17:32.697
Balita ko, maraming nangyayari
sa paaralang 'yon ngayon…

17:32.781 --> 17:34.699
WANTED
LEGOSHI

17:35.283 --> 17:37.911
Ito ang una kong on-land festival.

17:37.994 --> 17:42.165
Kahit si Legoshi hindi pupunta rito, ano?

17:42.248 --> 17:44.709
Pero nangako siya.

17:44.793 --> 17:47.796
Magsisindi kami ng kandila
sa Fiesta ng Bulalakaw.

17:47.879 --> 17:50.924
Mukha naman siyang tumutupad ng pangako.

17:51.007 --> 17:53.134
Saan galing ang hangin?

17:53.218 --> 17:54.636
Lap, lap.

17:54.719 --> 17:55.762
Snuff, snuff.

17:57.097 --> 17:58.640
Galing sa dagat.

17:59.349 --> 18:00.725
Do'n ako sa may hangin?

18:00.809 --> 18:03.561
Pagdating ni Legoshi,
gusto kong maamoy niya ako.

18:04.521 --> 18:07.357
Pareho silang padalos-dalos.

18:07.440 --> 18:11.611
Binti ang gamit ng mga land creature.

18:11.694 --> 18:14.280
Naihahayag ng paglakad ang laman ng puso.

18:14.364 --> 18:16.699
Sa gano'n ko sila nakikita.

18:17.325 --> 18:18.952
Ang damdamin ng babaeng 'yon.

18:20.286 --> 18:22.705
Pagpalitin ito at ito.

18:22.789 --> 18:24.374
Aayusin ko na.

18:24.457 --> 18:29.337
<i>Okay, mga kaibigan! Oras na para
sa pinakahihintay na Fiesta ng Bulalakaw!</i>

18:29.420 --> 18:32.590
<i>Di maganda ang panahon,
pero may balita tungkol sa Zoolympics…</i>

18:32.674 --> 18:34.926
SORPRESANG ANUNSIYO (FOOD PRODUCT)

18:35.009 --> 18:36.386
<i>…kaya abangan!</i>

18:36.469 --> 18:40.515
<i>Gusto niya pa ring ipakita
ang artificial na karne rito?</i>

18:41.391 --> 18:45.937
Alam mo na ang gagawin.
Tiwala ako sa 'yo, Louis.

18:46.020 --> 18:47.689
Ako na ang bahala.

18:50.400 --> 18:51.985
Nagsisimula na.

18:52.068 --> 18:54.070
Di ka pa tapos?

18:54.154 --> 18:56.739
Iangat mo pa!

18:58.575 --> 19:00.243
Kaunti pa!

19:01.244 --> 19:03.079
Ayos na!

19:03.163 --> 19:04.414
Ibaba na.

19:07.083 --> 19:09.752
Ayos, guys.

19:09.836 --> 19:11.504
Sanu!

19:11.588 --> 19:13.464
May iba pang ihahanda?

19:13.548 --> 19:15.008
Natingnan ang mga ilaw?

19:15.091 --> 19:16.217
Ako na sa breaker.

19:16.301 --> 19:18.052
- Makeup?
- Magsisimula na tayo!

19:18.136 --> 19:20.096
Ako na. Naroon ba ang set up?

19:20.180 --> 19:21.848
Oo, naroon.

19:22.432 --> 19:23.516
Uy…

19:23.600 --> 19:25.602
Nasaan si Fina?

19:25.685 --> 19:28.771
May mga kalandian mula sa ibang paaralan?

19:29.856 --> 19:34.152
Ano ba, pare! Nahuli tayo
kasi natagalan ka sa tainga mo.

19:34.235 --> 19:37.280
Dapat maganda ang balahibo!
May mga taga-ibang paaralan.

19:37.363 --> 19:39.741
E, ang pagkain? May listahan ako.

19:39.824 --> 19:41.367
PARFAIT - DONUT - MOCHI
SHAKE

19:41.451 --> 19:42.493
Lahat 'yan?

19:42.577 --> 19:43.870
Sabik na ako.

19:43.953 --> 19:46.706
'Yong na-cover kong banda,
tutugtog ngayon.

19:46.789 --> 19:50.126
Ayos! Mukhang masaya! Jack…

19:50.210 --> 19:54.839
WANTED
LEGOSHI - PAGPATAY

19:58.259 --> 19:59.844
Ang gulo.

20:02.430 --> 20:04.724
Di ka makakatakas!

20:06.434 --> 20:07.852
Lolo…

20:08.519 --> 20:11.856
<i>Sinong lolo?</i>

20:14.359 --> 20:17.820
Di gumagana sa 'yo
ang kamandag ng bayawak?

20:18.571 --> 20:21.824
Okay, bata. Sa kamao tayo.

20:22.867 --> 20:24.077
Ang ganda…

20:25.203 --> 20:29.374
<i>Naginhawaan ako,
para akong nasa bisig ni Lolo.</i>

20:37.507 --> 20:40.760
Nagsimula na ang laban, bata!

20:50.395 --> 20:51.396
Naku po!

20:51.479 --> 20:52.313
Ano 'yan?

20:52.397 --> 20:53.273
Takbo!

21:01.948 --> 21:03.157
Umalis na tayo rito!

21:03.241 --> 21:04.492
Nasa panganib ka rin!

21:05.118 --> 21:07.203
Wag mag-alala!

21:08.997 --> 21:12.083
Bawat digmaan, may biktima!

21:12.166 --> 21:16.421
Lumalaban, nagdurugo,
at patuloy na nagdurugo!

21:19.674 --> 21:25.513
Kapag mas maraming sugat ang isa,
mas gumaganda ito.

21:30.310 --> 21:35.064
Uy, tingin ko, baka magkapareho tayo
ng mga pinapahalagahan.

21:36.941 --> 21:38.609
Maling-mali ka.

21:38.693 --> 21:42.238
Di mo pa nasisilayan
kahit katiting ng tibay ng isip namin.

21:42.322 --> 21:43.156
Kunin mo ito.

21:45.033 --> 21:46.701
Wow, gumagalaw pa.

21:46.784 --> 21:49.746
Dala pa ng bagong hiwa
ang layunin ng pinagmulan.

21:49.829 --> 21:53.541
Mensahe 'yan mula sa Doku-Gumi.

21:54.500 --> 21:55.960
Mensahe?

21:56.044 --> 22:00.631
Wag kang pakakampante
sa mga hayop dito sa Black Market.

22:00.715 --> 22:01.841
Ano?

23:37.645 --> 23:41.983
Nagsalin ng Subtitle: R Seb
