WEBVTT

00:11.574 --> 00:16.454
‎Muli na namang nabasag ng boses
‎ni Hayato ang sound barrier.

00:17.079 --> 00:20.958
<i>‎Kakaiba ang ikinikilos ni Yota
‎mula pa noong sports festival.</i>

00:21.042 --> 00:22.043
‎SPORTS FESTIVAL

00:22.126 --> 00:23.711
<i>‎At napakasaya pa niya noon.</i>

00:23.794 --> 00:25.129
‎TULALA - KARAOKE

00:25.212 --> 00:26.714
<i>‎Parang malayo ang isip niya.</i>

00:26.797 --> 00:28.132
‎LUMALAYO - ANG HALLWAY

00:28.215 --> 00:30.217
<i>‎At mukhang iniiwasan din siya ni Miki.</i>

00:31.010 --> 00:34.472
<i>‎May nangyari ba sa pagitan nila
‎noong araw na 'yon pagkatapos ng klase?</i>

00:35.306 --> 00:36.307
‎TUSOK TUSOK

00:36.390 --> 00:37.475
‎-Miki.
‎-Ano?

00:37.558 --> 00:38.601
‎TIGILAN MO 'YAN

00:38.684 --> 00:40.227
‎-Kumusta ka?
‎-Ha?

00:40.311 --> 00:41.312
‎CRINGE

00:41.395 --> 00:42.396
‎Bakit mo naman natanong?

00:42.480 --> 00:43.481
<i>‎Hindi siya magaling dito.</i>

00:43.564 --> 00:46.859
‎Para lang alam mo,
‎hindi ako "hindi okay," ha?

00:46.942 --> 00:48.861
‎Inaantok lang ako nang kaunti.

00:49.570 --> 00:50.488
‎EEK

00:51.989 --> 00:53.866
‎A, gano'n ba? Mabuti naman.

00:58.454 --> 01:02.625
<i>‎Kakaiba rin ang ikinikilos ni Miki
‎mula pa noong sports festival.</i>

01:02.708 --> 01:05.586
<i>‎At napakasaya pa niya noon.</i>

01:06.212 --> 01:07.213
<i>‎Ano kaya ang nangyari?</i>

01:08.839 --> 01:10.925
<i>‎Ayan na naman ang malungkot niyang mukha.</i>

01:13.260 --> 01:16.555
<i>‎May nangyari ba sa kanila ni Yota
‎noong magkasama sila sa clean-up duty?</i>

01:18.849 --> 01:19.892
‎Yota.

01:19.975 --> 01:20.976
‎DUMAUSDOS

01:21.060 --> 01:22.478
‎Koyun? Ano'ng meron?

01:23.354 --> 01:24.855
‎E…

01:25.898 --> 01:27.024
‎Kumusta ka?

01:27.608 --> 01:29.151
‎(SINUSUBUKANG) NGUMITI

01:31.362 --> 01:33.030
‎PFFT - HA?

01:33.113 --> 01:34.365
<i>‎Hindi siya magaling dito.</i>

01:35.908 --> 01:37.785
‎Labas muna tayo?

01:40.496 --> 01:41.872
‎Nalaman ni Miki.

01:42.748 --> 01:45.668
‎Ano? Ibig mo bang sabihin…

01:45.751 --> 01:47.753
‎Sinabi mo sa kanya?

01:47.837 --> 01:52.675
‎Hindi, parang nahalata niya lang
‎dahil sa kilos ko.

01:52.758 --> 01:57.054
‎Kung nakapagpigil lang sana ako,
‎hindi niya malalaman.

01:57.138 --> 01:59.765
‎Wala naman siyang ipinakitang senyales
‎na napansin niya.

02:01.100 --> 02:06.188
‎Sa isang sandali, umasa pa nga
‎akong mahahalata na lang niya.

02:08.691 --> 02:11.235
‎Sabi ko okay na ako
‎sa kung ano ang meron ngayon.

02:11.318 --> 02:13.320
‎Kailangan ko talagang
‎matutong manindigan, ano?

02:14.238 --> 02:17.575
‎Pero mataas ang tingin sa 'yo ni Miki.

02:18.242 --> 02:21.996
‎Kung alam na niyang gusto mo siya, baka
‎magsimula rin siyang magkagusto sa 'yo.

02:22.621 --> 02:23.956
‎Sa tingin ko hindi.

02:25.082 --> 02:29.545
‎Kaibigan lang talaga ang tingin ni Miki
‎sa 'kin. Mula pa noong middle school.

02:29.628 --> 02:31.338
‎Sa pinakamabuti, matalik niyang kaibigan.

02:32.506 --> 02:34.091
‎Sana nga.

02:35.926 --> 02:41.098
‎At sa totoo lang, okay na ako roon.

02:41.182 --> 02:44.768
‎O kahit papa'no, akala ko okay na ako.

02:49.899 --> 02:53.152
‎Alam na niya ngayon
‎ang nararamdaman mo para sa kanya,

02:53.235 --> 02:57.364
‎pero hindi ibig sabihin no'n na bigla ka
‎na niyang kamumuhian o lalayuan.

02:57.948 --> 03:01.493
‎Malamang hindi lang niya alam
‎kung paano ito haharapin sa ngayon.

03:01.577 --> 03:04.830
‎Mahalaga kay Miki ang mga taong
‎nasa paligid niya.

03:05.706 --> 03:07.958
‎Hindi siya gagawa
‎ng anumang padalus-dalos.

03:10.711 --> 03:12.004
‎Tama ka.

03:12.087 --> 03:16.550
‎Kaya nga hindi ko yata kayang
‎hayaang manatiling malabo ang lahat.

03:18.886 --> 03:20.763
‎Koyun. A…

03:21.931 --> 03:23.682
‎Tatapusin ko na 'to.

03:26.518 --> 03:30.940
‎EPISODE 14
‎PASABOG

03:31.565 --> 03:34.735
<i>‎Sa tingin ko gusto ako ni Yota…</i>

03:34.818 --> 03:39.365
<i>‎Hindi ko naman ito basta-bastang
‎maikukuwento kay Minato, o kahit kanino.</i>

03:39.448 --> 03:41.492
<i>‎Kahit nasa isip ko lang ang lahat,</i>

03:41.575 --> 03:44.036
<i>‎o kahit totoo nga ang lahat…</i>

03:44.119 --> 03:47.414
<i>‎Kapag sinabi ko ito sa iba,
‎masasaktan lang si Yota.</i>

03:48.832 --> 03:50.918
<i>‎At pa'no naman si Koyun?</i>

03:51.001 --> 03:53.796
<i>‎Kung gusto ni Koyun si Yota, kung gano'n…</i>

03:54.463 --> 03:58.092
<i>‎Dalawang tao ang masasaktan ko!</i>

03:59.176 --> 04:00.469
‎Magbabayad na po.

04:00.552 --> 04:02.805
‎Opo! Papunta na!

04:03.514 --> 04:04.848
‎SARADO

04:06.725 --> 04:09.520
‎Uy, Miki.
‎May nangyari na naman ba sa school?

04:10.312 --> 04:12.690
‎Buong araw kang mukhang problemado.

04:12.773 --> 04:15.234
‎Napansin n'yo pala? Pasensya na.

04:15.317 --> 04:16.735
‎Sige na.

04:16.819 --> 04:18.362
‎Pakinggan natin ang mga hinaing mo.

04:18.445 --> 04:20.739
‎Hindi, wala naman akong reklamo.

04:22.408 --> 04:26.620
<i>‎Pero baka mas madali itong ikuwento
‎sa kanila kaysa sa mga kaklase ko.</i>

04:27.997 --> 04:29.123
‎E…

04:31.125 --> 04:35.796
‎Nalaman ko kasi
‎na may isang taong akala ko kaibigan lang

04:35.879 --> 04:39.383
‎pero may tunay palang nararamdaman
‎para sa 'kin.

04:39.967 --> 04:41.969
‎Ano sa tingin n'yo ang dapat kong gawin?

04:43.971 --> 04:47.391
‎Magpanggap na lang ba akong wala
‎akong napansin at kumilos gaya ng dati?

04:47.891 --> 04:50.519
‎O baka dapat ko siyang iwasan…

04:51.020 --> 04:52.896
‎Hindi ko alam ang gagawin ko.

04:52.980 --> 04:53.981
‎WASAK

04:54.064 --> 04:55.649
<i>‎-Puppy love.
‎-Puppy love.</i>

04:56.692 --> 05:00.779
‎Malamang matutuwa ako,
‎basta't hindi ko kinamumuhian ang tao.

05:01.947 --> 05:04.700
‎Sa katunayan, kung malaman kong
‎may babaeng may gusto sa 'kin,

05:04.783 --> 05:07.995
‎baka ako pa mismo ang magyaya sa kanya
‎na makipag-date.

05:08.078 --> 05:09.079
‎Talaga?

05:09.163 --> 05:11.874
‎Pero pa'no kung pumalpak?

05:11.957 --> 05:14.418
‎Kung gano'n, nawalan ka na nga
‎ng karelasyon, nawalan ka pa ng kaibigan.

05:15.044 --> 05:19.089
‎Oo, pero kasundo ko pa rin ang mga ex ko.
‎Kumakain kami na parang walang nangyari.

05:19.173 --> 05:21.675
‎Grabe, parang hindi ko kaya 'yon.

05:21.759 --> 05:25.179
‎Habang tumatanda ka, mas dumarami
‎ang mga relasyong mahirap ilarawan.

05:25.262 --> 05:26.430
‎Ikaw lang 'yon.

05:27.056 --> 05:29.600
‎Lalaki ba o babae ang kaibigan mong 'yan?

05:29.683 --> 05:30.893
‎Lalaki.

05:30.976 --> 05:32.811
‎Kung gano'n, hindi ako sigurado.

05:32.895 --> 05:38.400
‎Kapag one-sided ang pag-ibig mula sa taong
‎hindi mo kayang talunin sa one-on-one,

05:38.484 --> 05:40.903
‎mas mabuting putulin agad 'yan
‎habang maaga pa.

05:40.986 --> 05:45.199
‎Base sa karanasan ko sa pakikipaglaban sa
‎mga lalaki, dapat may dala kang sandata.

05:45.282 --> 05:46.700
‎Sino bang nanakit sa 'yo?

05:46.784 --> 05:47.785
‎NAGMAMAKTOL

05:47.868 --> 05:52.873
‎Magkaibang-magkaiba ang babaeng nabigo sa
‎pag-ibig at lalaking nabigo sa pag-ibig.

05:53.499 --> 05:57.586
‎Hindi naman siya yong tipong magwawala sa
‎galit, kaya ligtas ako sa aspetong 'yon.

05:58.420 --> 06:02.966
‎Mas magiging madali ang lahat
‎kung magkakagusto ka rin sa kanya.

06:04.176 --> 06:05.886
<i>‎Magkakagusto rin sa kanya…</i>

06:09.848 --> 06:12.476
<i>‎Kapag kasama ko si Yota…</i>

06:13.060 --> 06:16.438
<i>‎Pakiramdam ko nagiging totoo ako
‎sa sarili ko, at lagi kaming masaya.</i>

06:16.522 --> 06:19.817
<i>‎Sigurado akong gano'n din
‎ang nararamdaman ni Yota.</i>

06:20.317 --> 06:23.821
<i>‎Para kaming tahanan ng init
‎at ginhawa para sa isat isa.</i>

06:23.904 --> 06:25.489
<i>‎Magkaibigang magkapantay.</i>

06:26.573 --> 06:28.909
<i>‎Sana gano'n lang kasimple…</i>

06:30.452 --> 06:32.871
‎CAMERA ROLL

06:37.960 --> 06:41.213
<i>‎Pa'no kung hindi ako babae?</i>

06:41.296 --> 06:43.590
<i>‎Paano kung hindi ako posibleng
‎maging karelasyon?</i>

06:44.675 --> 06:47.719
<i>‎Magiging gano'n pa rin kaya kami
‎kalapit sa isa't isa?</i>

06:47.803 --> 06:49.721
<i>‎Magiging gano'n pa rin kaya kabait
‎ang trato niya sa 'kin?</i>

06:50.848 --> 06:52.975
<i>‎Gusto kong tingnan ako ni Yota</i>

06:53.976 --> 06:57.062
<i>‎hindi bilang babae,
‎hindi bilang posibleng karelasyon,</i>

06:57.896 --> 07:01.608
<i>‎kundi bilang isang taong
‎karapat-dapat na maging kaibigan.</i>

07:07.739 --> 07:08.740
‎PAPARATING NA TAWAG - NINE AUDIO

07:08.824 --> 07:09.825
‎Minato?

07:11.160 --> 07:12.411
‎Hello?

07:12.494 --> 07:14.830
<i>‎Hello. Puwede ka bang makausap?</i>

07:14.913 --> 07:17.166
‎Oo. Nasa labas ka ba ngayon?

07:17.249 --> 07:19.751
‎Oo. Naglalakad kami ni Ponta.

07:19.835 --> 07:21.503
<i>‎Munting Raccoon-sky?</i>

07:21.587 --> 07:23.589
‎Sinabi ko na ngang Ponta
‎ang pangalan niya.

07:23.672 --> 07:24.715
<i>‎Ano'ng meron?</i>

07:24.798 --> 07:26.133
‎Wala naman.

07:26.633 --> 07:31.180
‎Naglalakad lang ako nang bigla kong
‎maisip na gusto kong may makausap.

07:32.306 --> 07:33.640
‎Ano ba 'yan?

07:33.724 --> 07:36.894
<i>‎Oo, wala naman talagang
‎malalim na dahilan kung bakit ako tumawag.</i>

07:37.394 --> 07:40.397
<i>‎Pero minsan gusto lang talaga ng tao
‎na may makausap.</i>

07:40.481 --> 07:42.065
‎Oo. Gets ko yan.

07:42.149 --> 07:45.277
‎Pero sigurado ka bang ako talaga
‎ang gusto mong kausap?

07:45.360 --> 07:46.361
<i>‎Bakit naman?</i>

07:46.445 --> 07:48.614
‎Di ba may mga babae…

07:48.697 --> 07:49.698
‎ALAALA NG MIDDLE SCHOOL

07:49.781 --> 07:51.325
‎…na gustong makipag-usap sa 'yo
‎sa telepono?

07:51.408 --> 07:53.035
<i>‎Gano'n ba ang tingin mo sa 'kin?</i>

07:53.660 --> 07:55.621
‎Walang gano'n sa 'kin.

07:55.704 --> 07:59.583
‎At kahit meron man, tatawagan ko sila nang
‎may paksa na akong gustong pag-usapan.

07:59.666 --> 08:01.084
<i>‎At hindi mo gagawin 'yon para sa 'kin?</i>

08:01.168 --> 08:04.087
‎Bakit ko naman gagawin?
‎Hindi naman gano'n ang samahan natin.

08:06.673 --> 08:09.343
<i>‎Ano'ng ibig sabihin ng paghinto mo?
‎Nadismaya ka ba?</i>

08:09.426 --> 08:10.802
‎Hindi, 'no!

08:10.886 --> 08:12.638
<i>‎Pasensya na kung napalungkot kita.</i>

08:12.721 --> 08:13.847
‎Tumigil ka nga!

08:13.931 --> 08:15.098
<i>‎Nagbibiro lang ako.</i>

08:15.182 --> 08:17.184
‎Naku naman.

08:17.267 --> 08:19.937
‎Nasa labas din ako,
‎at pinagmumukha mo akong weirdo

08:20.020 --> 08:21.939
‎na sumisigaw sa parkingan ng bisikleta.

08:22.022 --> 08:24.107
<i>‎Pauwi ka pa lang ba? Medyo gabi na, a?</i>

08:24.191 --> 08:25.400
‎Oo. Galing ako sa trabaho.

08:25.484 --> 08:26.985
‎Sasakay na ako sa bisikleta ko.

08:27.069 --> 08:30.197
‎Pauwi na rin ako. Pagod na si Munting Pon
‎at ayaw nang gumalaw.

08:30.280 --> 08:31.865
‎-<i>‎Pon-pooped.</i>
‎-Ponta nga sabi.

08:31.949 --> 08:33.283
<i>‎Usap tayo ulit sa susunod.</i>

08:33.367 --> 08:34.701
<i>‎Nakatulong ba akong magpalipas ng oras?</i>

08:34.785 --> 08:35.911
‎Oo. Salamat.

08:36.411 --> 08:39.373
‎At wag kang mag-atubiling tawagan ako
‎kung gusto mo ng makakausap.

08:40.374 --> 08:42.876
‎-Sige.
<i>‎-Kita tayo bukas sa wrap party.</i>

08:42.960 --> 08:45.254
‎Para sa cheer squad! Yakiniku!

08:45.337 --> 08:47.631
<i>‎Nakalimutan mo ba?
‎Siguraduhin mong pupunta ka, ha?</i>

08:49.007 --> 08:50.551
‎Oo. Salamat.

08:50.634 --> 08:51.718
<i>‎Good night.</i>

08:58.141 --> 09:03.480
<i>‎Ano kaya talaga ang nararamdaman
‎ni Miki para kay Yota ngayon?</i>

09:04.022 --> 09:07.901
<i>‎Kaibigan lang ba ang tingin niya rito,
‎gaya ng kay Amamiya?</i>

09:07.985 --> 09:10.237
‎Gaano na kayo katagal
‎magkakilala ni Minato?

09:10.320 --> 09:11.613
‎Sumama ka sa 'kin.

09:11.697 --> 09:14.741
‎Koyun, "magkaiba" ba para sa 'yo
‎sina Yota at Minato?

09:15.367 --> 09:17.327
<i>‎Gano'n kaya?</i>

09:17.411 --> 09:18.495
<i>‎Sandali…</i>

09:19.162 --> 09:21.456
<i>‎Paano ba tinitingnan ni Miki si Amamiya,</i>

09:21.540 --> 09:23.792
<i>‎at paano naman tinitingnan
‎ni Amamiya si Miki?</i>

09:24.293 --> 09:26.503
<i>‎Bilang magkaibigan?
‎Matalik na magkaibigan?</i>

09:27.004 --> 09:29.673
<i>‎O higit pa?</i>

09:30.340 --> 09:34.761
<i>‎Ano kaya ang tingin sa 'kin ni Amamiya…</i>

09:34.845 --> 09:37.764
<i>‎Sandali, bakit ko iniisip ang sarili ko?</i>

09:38.807 --> 09:42.019
<i>‎Anuman ang mangyari,
‎sana bumalik na sila sa dati</i>

09:42.102 --> 09:45.022
<i>‎sa cheer squad wrap party bukas.</i>

09:46.356 --> 09:48.150
‎YAKINIKU - EAT ALL YOU CAN
‎KARNE - NICE MEAT YOU!

09:48.233 --> 09:50.110
‎Magaling tayong lahat sa sports festival!

09:51.737 --> 09:54.239
‎Uy, Miki. Bagay sa 'yo ang maikling buhok.

09:54.323 --> 09:56.658
‎Wag asin. Dapat laging marinade.

09:56.742 --> 09:57.993
‎Siguro dapat magpagupit din ako
‎nang maikli?

09:58.827 --> 10:00.495
<i>‎Hindi nga.</i>

10:01.538 --> 10:06.209
<i>‎Karaniwan, sumasama si Miki
‎sa mga kaklase naming lalaki,</i>

10:06.293 --> 10:08.920
<i>‎pero ngayon, wala siyang tigil
‎sa pakikipagkuwentuhan sa seniors.</i>

10:09.004 --> 10:11.214
<i>‎Dahil ba espesyal na okasyon 'to?</i>

10:12.007 --> 10:13.425
<i>‎O masyado ko lang itong iniisip?</i>

10:14.009 --> 10:18.055
<i>‎At di man lang gumalaw si Yota
‎mula sa kinauupuan niya.</i>

10:18.138 --> 10:19.514
‎TITIG
‎WALANG KARAPATANG MAGSALITA

10:19.598 --> 10:21.808
‎Koyuki. Masusunog na 'yan.

10:27.397 --> 10:29.775
‎-Tama ka nga.
<i>‎-Amamiya.</i>

10:29.858 --> 10:32.611
<i>‎Ang cute mo ngayon.</i>

10:32.694 --> 10:33.820
<i>‎Nakasalamin ka kasi.</i>

10:34.946 --> 10:39.576
‎Uy, sa tingin n'yo ba magkapareho ang
‎estilo ng suot nina Amamiya at Momoka?

10:39.660 --> 10:40.827
‎-Ha?
‎-Ha?

10:40.911 --> 10:42.621
‎Magtabi kayo.

10:42.704 --> 10:43.705
‎HA?

10:44.373 --> 10:46.875
‎Wow, bagay na bagay kayo!
‎Para kayong mag-jowa.

10:47.376 --> 10:49.670
‎-Salamat po!
‎-Malandi.

10:49.753 --> 10:51.296
‎BARF

10:51.380 --> 10:52.923
‎Gano'n talaga siyang klase ng tao…

10:53.507 --> 10:56.218
‎Grabe, nakakahiya naman 'to.

10:57.678 --> 11:00.806
‎Mas lalo ka nilang aasarin
‎kapag ipinakita mong nahihiya ka.

11:00.889 --> 11:02.933
‎Mawawalan sila ng interes
‎kung sasakyan mo lang ang biro.

11:05.727 --> 11:07.020
‎Amamiya…

11:08.021 --> 11:10.357
‎-Tuso ka talaga.
‎-Talaga ba?

11:10.440 --> 11:11.441
‎NAGTATANGA-TANGAHAN

11:17.614 --> 11:18.698
<i>‎Koyun.</i>

11:18.782 --> 11:20.700
‎KATAHIMIKAN

11:21.410 --> 11:23.328
‎Uy, Koyuki.

11:23.870 --> 11:26.206
‎Naisip ko lang…

11:26.915 --> 11:30.085
‎Wala ka ba talagang gusto kay Amamiya?

11:31.294 --> 11:33.130
‎Ano? Bakit mo naman nasabi 'yan?

11:33.213 --> 11:36.716
‎Ewan, parang gano'n kasi ang dating…

11:36.800 --> 11:39.261
‎Hindi. Hindi talaga. Hindi totoo 'yan.

11:39.344 --> 11:40.595
‎Talaga. Hindi talaga!

11:41.179 --> 11:43.473
<i>‎Mas lalo tuloy akong kahina-hinala.</i>

11:44.266 --> 11:46.268
‎Gano'n ba talaga ang dating ko?

11:46.351 --> 11:49.938
‎Well, hindi naman "hindi" gano'n?

11:50.439 --> 11:52.315
‎Ayokong gano'n.

11:52.399 --> 11:53.859
‎Kailangan kong pag-isipan ulit
‎ang mga bagay-bagay.

11:53.942 --> 11:56.445
‎Hindi, hindi mo kailangang pilitin
‎ang sarili mo.

11:57.863 --> 11:59.322
‎Puwede bang umupo rito?

12:00.031 --> 12:01.324
‎Momoka!

12:01.408 --> 12:05.287
‎Grabe, ang init ng mukha ko.
‎Nakakahiya talaga.

12:05.370 --> 12:07.205
‎Nakakainis talaga kapag sumosobra sila.

12:07.289 --> 12:08.707
‎Okay lang.

12:08.790 --> 12:12.419
‎Kasi gusto ko naman talaga si Amamiya.

12:13.753 --> 12:15.922
‎Nakakagulat ba talaga 'yon?

12:16.006 --> 12:18.800
‎Ibig mong sabihin, bilang karelasyon?

12:18.884 --> 12:20.552
‎Oo. Tama ka.

12:20.635 --> 12:24.055
‎Kaya sobrang saya ko
‎nang sabihin nilang bagay kami.

12:24.639 --> 12:26.975
‎Ang saya naman…

12:27.058 --> 12:28.810
<i>‎Pero gusto ni Amamiya si…</i>

12:29.394 --> 12:31.563
‎Ano sa tingin mo, Koyun?

12:31.646 --> 12:33.982
‎Ha? Ano'ng tingin ko?

12:34.065 --> 12:37.277
‎Sa tingin mo ba dapat kong subukan?

12:37.360 --> 12:40.822
‎Ikaw ang dapat magdesisyon niyan.

12:41.531 --> 12:44.451
‎Sino ba naman ako para sabihan ka
‎kung ano ang dapat mong gawin?

12:44.534 --> 12:46.036
‎Masaya akong marinig 'yan.

12:46.119 --> 12:50.832
‎Akala ko kasi kung tutol ka, Koyun,
‎wala na akong magagawa.

12:52.042 --> 12:53.460
‎Bakit naman ako?

12:53.543 --> 12:56.671
‎Ibig kong sabihin,
‎kung pareho naman kayo ng nararamdaman,

12:56.755 --> 12:59.466
‎wala naman akong laban sa 'yo, di ba?

12:59.549 --> 13:02.093
‎Pareho ng nararamdaman?

13:02.177 --> 13:03.470
‎-Kanino?
<i>‎-Naku po!</i>

13:03.553 --> 13:06.723
‎Naku naman. Nagpapakipot ka ba?

13:07.682 --> 13:09.226
<i>‎Hindi, hindi, hindi!</i>

13:10.435 --> 13:12.979
‎Alam naman nating lahat
‎kung sino ang gusto ni Amamiya.

13:13.563 --> 13:16.107
‎Ikaw 'yon.

13:18.985 --> 13:20.237
<i>‎Tapos na…</i>

13:23.156 --> 13:25.700
‎Alam naman nating lahat
‎kung sino ang gusto ni Amamiya.

13:26.284 --> 13:28.828
‎Ikaw 'yon.

13:31.414 --> 13:32.415
‎Ano?

13:32.916 --> 13:36.962
‎Gusto ako ni Amamiya?

13:39.256 --> 13:40.340
‎Nagkukunwari ka lang.

13:40.423 --> 13:43.343
‎Sa reaksyon mong 'yan?
‎Halatang nagkukunwari ka.

13:43.927 --> 13:46.596
‎Sigurado akong alam mo, Koyun.

13:46.680 --> 13:48.598
‎Alam mo kung ano ang nararamdaman
‎ni Amamiya para sa 'yo.

13:48.682 --> 13:55.105
‎Hindi mo ba talaga napapansin
‎kapag may gusto sa 'yo ang isang tao?

13:56.231 --> 14:00.777
‎Mabait lang si Amamiya sa lahat.

14:00.860 --> 14:03.405
‎Hindi naman ako espesyal.

14:03.905 --> 14:07.534
<i>‎Hindi. Kung magiging tapat ako,
‎may ilang bagay na pumapasok sa isip ko.</i>

14:08.118 --> 14:11.538
<i>‎Pero kailangan kong sabihin sa sarili kong
‎hindi ako espesyal.</i>

14:11.621 --> 14:13.498
<i>‎Hindi lang naman ako.</i>

14:13.582 --> 14:15.667
<i>‎Gagawin niya rin 'yon sa kahit na sino.</i>

14:15.750 --> 14:17.377
<i>‎Kailangan kong paniwalaan 'yon.</i>

14:18.128 --> 14:20.880
<i>‎Nagpapanggap akong hindi ko nakikita,
‎at lumilingon ako sa kabilang direksyon…</i>

14:20.964 --> 14:22.048
‎PA'NO KUNG MALI AKO?
‎PA'NO KUNG HINDI?

14:22.132 --> 14:23.633
‎MAGBABAGO BA ANG RELASYON NAMIN?
‎SA IKABUBUTI? SA IKASASAMA?

14:23.717 --> 14:25.594
<i>‎Tinatakbuhan ko ito
‎para protektahan ang sarili ko.</i>

14:25.677 --> 14:27.929
<i>‎Baka sa kaibuturan ng isip ko,</i>

14:28.430 --> 14:31.266
<i>‎itinatanong ko rin talaga, "Paano kung?"</i>

14:32.225 --> 14:33.393
<i>‎Pero…</i>

14:33.476 --> 14:36.813
<i>‎Sana hindi siya ang dahilan
‎kung bakit ko na-realize ang lahat ng 'to.</i>

14:36.897 --> 14:40.525
‎Masaya akong marinig 'yan. Sobrang gumaan
‎ang loob ko nang marinig ko 'yan sa 'yo.

14:41.109 --> 14:44.529
‎Gagawin ko ang lahat
‎para magustuhan niya rin ako.

14:44.613 --> 14:45.614
‎WALANG KOMENTO

14:45.697 --> 14:48.158
<i>‎Nakakatakot…</i>

14:48.241 --> 14:49.951
<i>‎Nakakatakot ang mga paraan niya.</i>

14:50.994 --> 14:53.914
‎Sa mga gustong magpatuloy pa ang
‎kasiyahan, lilipat tayo sa tabing-ilog.

14:53.997 --> 14:55.916
‎-Yehey!
‎-Tingnan nga natin…

14:55.999 --> 14:57.876
‎-Fireworks!
‎-Nasaan na ang sapatos ko?

15:01.087 --> 15:02.297
‎Mukhang magkapitbahay pala tayo.

15:02.380 --> 15:03.632
‎Oo nga.

15:05.634 --> 15:08.303
‎Sandali… Koyun?

15:11.973 --> 15:13.350
‎At pareho pa tayo ng relo.

15:14.142 --> 15:16.144
‎NANIGAS - WHOA

15:16.227 --> 15:19.189
<i>‎Naku… Magkakaroon siya ng maling ideya.</i>

15:19.272 --> 15:20.982
<i>‎Kailangan kong makaisip ng isasagot…</i>

15:22.359 --> 15:23.360
‎BULONG

15:23.443 --> 15:25.654
‎Mura lang 'to, di ba?

15:29.199 --> 15:32.410
‎Oo. Pero mukhang mamahalin.

15:32.911 --> 15:34.579
‎'Yon din ang naisip ko.

15:34.663 --> 15:38.500
‎Kung wala kang sasabihin,
‎wala rin akong sasabihin. Deal?

15:38.583 --> 15:40.585
‎Mura lang din ang salamin ko.

15:41.795 --> 15:42.963
‎Gano'n ba?

15:43.922 --> 15:45.006
<i>‎Ano'ng gagawin ko?</i>

15:45.507 --> 15:47.926
‎Hindi rin ako magsasalita,
‎kung hindi mabubuking din ako.

15:49.135 --> 15:51.721
<i>‎Ang saya nito.</i>

15:55.517 --> 16:01.940
<i>‎Sana manatili na lang kami
‎sa ganitong samahan magpakailanman.</i>

16:04.859 --> 16:06.152
‎Muntik na 'yon!

16:06.236 --> 16:08.697
‎Akala ko nawala ko na ang susi
‎ng shoe locker ko.

16:08.780 --> 16:10.949
‎Azumi. Wag kang lumapit.

16:11.032 --> 16:12.993
‎Ha? Hoy, bakit?

16:13.076 --> 16:15.036
‎Manonood ka ba ng fireworks
‎pagkatapos nito?

16:15.120 --> 16:17.831
‎Oo. Pupunta rin sina Miki at Tsukiko.

16:17.914 --> 16:19.040
‎Mabuti naman.

16:20.208 --> 16:23.378
‎Hindi tayo gaanong nakapag-usap kanina
‎dahil sobrang layo ng mga upuan natin.

16:23.461 --> 16:24.963
‎Umaasa akong pupunta ka.

16:29.050 --> 16:34.556
<i>‎Sa puntong 'to,
‎masasabi kong sigurado na ako.</i>

16:34.639 --> 16:37.600
<i>‎Sandali, ano'ng gagawin ko?
‎Ano'ng gagawin ko, ano'ng gagawin ko?</i>

16:37.684 --> 16:38.685
‎LINGON

16:38.768 --> 16:40.020
‎Gano'n ba…

16:42.772 --> 16:44.107
‎Koyun! Nasaan ka?

16:44.190 --> 16:45.525
‎KABOG - WHOOSH

16:45.608 --> 16:46.609
‎Narito ako!

16:46.693 --> 16:49.612
‎MAG-ISA

16:55.869 --> 16:58.496
‎Hoy, bababa ka ba o hindi?

16:58.580 --> 17:01.041
‎Ayos lang ako.
‎Dito na lang ako manonood mula sa taas.

17:01.124 --> 17:03.334
‎Sinungaling! Hindi mo lang kayang bumaba!

17:04.586 --> 17:06.129
‎Kaya mo 'yan. O, tingnan mo.

17:06.212 --> 17:07.213
‎BUHAT

17:07.297 --> 17:08.465
‎-Ayan!
‎-Hoy!

17:08.548 --> 17:09.549
‎MATAAS

17:09.632 --> 17:10.842
‎Natatakot ako! Ibaba mo 'ko!

17:10.925 --> 17:12.385
‎Oo na, oo na. Sandali lang.

17:15.972 --> 17:17.432
<i>‎May sumigaw ba?</i>

17:18.016 --> 17:19.267
‎Hoy!

17:20.143 --> 17:22.896
‎Koyun at Yota at Tsukko!

17:22.979 --> 17:25.565
‎Yuki, may narinig ka bang
‎kakaibang boses ngayon lang?

17:25.648 --> 17:26.649
‎A, 'yon ba?

17:26.733 --> 17:28.443
‎Binabantayan ko kasi si Atagawa.

17:28.526 --> 17:30.653
<i>‎Mukhang galit na galit siya.</i>

17:31.237 --> 17:35.158
‎Hindi ba medyo maaga pa para sa sparklers?
‎Hindi ba karaniwang panghuli ito?

17:35.241 --> 17:36.242
‎HMPH

17:36.326 --> 17:38.161
‎Maganda ang sparklers sa kahit anong oras.

17:38.244 --> 17:39.537
‎Sabagay, totoo naman.

17:39.621 --> 17:40.747
‎Gusto n'yo bang sumama sa 'min?

17:40.830 --> 17:42.165
‎Siyempre naman!

17:48.254 --> 17:49.506
‎TITIG - NASA GITNA

17:49.589 --> 17:51.299
<i>‎Bakit ako nakapuwesto rito?</i>

17:51.382 --> 17:53.760
<i>‎Pakiramdam ko may nagmamasid sa 'kin.</i>

17:53.843 --> 17:54.928
‎Ayan, namatay na ang akin.

17:55.011 --> 17:56.513
‎Papatayin ko rin ang sa 'yo, Koyun.

17:56.596 --> 17:57.597
‎HINIPAN

17:57.680 --> 17:58.681
‎Tumigil ka nga.

18:08.274 --> 18:10.193
‎Puwede bang sumali?

18:14.030 --> 18:15.031
‎Puwede ba akong umupo rito?

18:15.115 --> 18:16.116
‎NAPAILAG

18:16.199 --> 18:17.534
‎May nagawa ba akong mali?

18:22.539 --> 18:24.958
‎KABOG KABOG KABOG

18:25.542 --> 18:27.085
<i>‎-Nakakatawa 'to.
‎-Nakakatawa 'to.</i>

18:27.168 --> 18:28.837
‎Ano'ng klaseng ekspresyon 'yan?

18:29.420 --> 18:31.840
‎KALABOG KALABOG
‎BANG

18:32.924 --> 18:35.343
‎-Wow!
‎-Ang astig!

18:36.386 --> 18:37.595
‎Ang galing!

18:46.437 --> 18:49.065
‎Tingnan natin kung kanino
‎ang pinakahuling magtatagal.

18:49.149 --> 18:50.233
‎Sige.

18:51.025 --> 18:53.069
<i>‎Ang lapit ng mga siko namin.</i>

18:54.571 --> 18:55.572
‎Umiilaw na ang akin.

19:02.662 --> 19:03.663
<i>‎Ngiti.</i>

19:03.746 --> 19:04.747
‎NGITI

19:04.831 --> 19:07.250
‎NANIGAS

19:12.255 --> 19:15.175
‎Para sa matagumpay na trabaho!

19:15.258 --> 19:16.759
‎-Cheers!
‎-Cheers!

19:21.181 --> 19:22.182
‎Miki.

19:23.433 --> 19:26.269
‎Sa 'yo 'to, di ba? Napulot ko sa lupa.

19:27.604 --> 19:30.398
‎Sandali, ano? Key chain ko 'yan.

19:30.899 --> 19:33.026
‎Tama ka nga.
‎Hindi na pala nakakabit sa mga susi ko.

19:33.109 --> 19:34.110
‎O, ito.

19:34.194 --> 19:35.320
‎Salamat.

19:35.403 --> 19:37.530
‎Buti nalaman mong akin 'to.

19:37.614 --> 19:40.158
‎Siyempre naman,
‎malalaman kong sa 'yo 'yan.

19:43.369 --> 19:45.914
‎Uy, Miki.
‎Naiilang ka ba pag kasama mo 'ko?

19:45.997 --> 19:46.998
‎Ano?

19:47.498 --> 19:49.167
‎Napakadali mong basahin.

19:49.751 --> 19:52.754
‎Hindi… hindi naman ako naiilang…

19:53.254 --> 19:54.672
‎Pasensya na.

19:55.465 --> 19:57.675
‎Puwede ka ba saglit pagkatapos nito?

20:00.511 --> 20:02.430
‎May kailangan akong sabihin sa 'yo.

20:18.780 --> 20:19.781
‎Miki.

20:20.281 --> 20:23.284
<i>‎Kung hindi lang sana niya sasabihin
‎ang sasabihin niya.</i>

20:23.368 --> 20:25.161
<i>‎Mananatili sana ang lahat gaya ng dati.</i>

20:28.706 --> 20:30.208
‎Gusto kita.

20:30.291 --> 20:31.376
‎Ano?

20:31.918 --> 20:34.212
‎Ay, talaga? Salamat.

20:39.634 --> 20:42.220
<i>‎Seryoso siya.</i>

20:43.471 --> 20:46.099
<i>‎Hindi 'yon biro,
‎at hindi rin basta pabigla-biglang sinabi.</i>

20:46.182 --> 20:47.976
<i>‎Seryoso talaga siya.</i>

20:48.893 --> 20:52.814
‎Matagal na kitang gusto.
‎Mula pa noong middle school.

20:53.314 --> 20:54.440
‎Ano?

20:54.524 --> 20:57.360
<i>‎Sa buong panahong ito? Gusto niya ako?</i>

20:57.944 --> 21:00.905
‎Hindi ko kailanman binalak
‎na sabihin sa 'yo.

21:01.489 --> 21:03.574
‎Pero hindi ko na ito kayang itago pa,

21:04.158 --> 21:05.952
‎kaya gusto ko nang harapin ito
‎nang diretsahan.

21:07.078 --> 21:08.746
‎Gusto ko nang tapusin 'to

21:09.414 --> 21:12.625
‎at bumalik tayo
‎sa pagiging magkaibigan lang.

21:13.501 --> 21:15.628
‎Pasensya na kung inilagay kita
‎sa ganitong sitwasyon.

21:17.046 --> 21:19.215
<i>‎Palagi siyang nakangiti at mabait.</i>

21:19.299 --> 21:21.634
<i>‎Hindi ko pa siya nakitang gumawa
‎ng ganitong ekspresyon.</i>

21:22.552 --> 21:26.222
<i>‎Paano siya nagkaroon
‎ng ganoong ekspresyon?</i>

21:27.223 --> 21:29.559
<i>‎Gusto ko rin siya.</i>

21:30.393 --> 21:31.811
<i>‎Mahal ko siya.</i>

21:32.353 --> 21:33.521
<i>‎Pero hindi…</i>

21:34.605 --> 21:35.773
<i>‎Hindi.</i>

21:35.857 --> 21:40.570
<i>‎Paano kung magsikap pa ako?
‎Baka magbago rin ang nararamdaman ko.</i>

21:41.779 --> 21:47.744
<i>‎Sino pa ba ang magmamahal sa 'kin at
‎tatanggapin ako sa kung sino talaga ako?</i>

21:48.619 --> 21:52.707
<i>‎Kung mai-inlove ako sa isang tao
‎na mahal din ako…</i>

21:54.625 --> 21:57.045
<i>‎Hindi ba ako magiging masaya roon?</i>

21:58.504 --> 21:59.505
‎Yota.

22:00.006 --> 22:01.299
<i>‎Pero…</i>

22:05.386 --> 22:06.721
‎Pasensya na.

22:06.804 --> 22:09.557
<i>‎Hindi ko kayang sabihin na oo…</i>

22:09.640 --> 22:12.560
‎Hindi dahil sa
‎wala rin akong gusto sa 'yo…

22:12.643 --> 22:14.062
<i>‎…kundi dahil
‎hindi pa sigurado ang puso ko.</i>

22:14.145 --> 22:17.857
‎Hindi lang talaga kita kailanman
‎naisip sa gano'ng paraan.

22:18.983 --> 22:19.984
‎Okay.

22:21.778 --> 22:24.030
‎Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

22:24.864 --> 22:26.616
‎Oo. Alam ko.

22:28.576 --> 22:31.579
‎Pasensya na kung iniiwasan kita
‎nitong mga nakaraan.

22:32.371 --> 22:34.707
‎Hindi ko intensyong saktan ka.

22:36.751 --> 22:38.878
‎Ayos lang. Alam ko.

22:40.671 --> 22:41.881
‎Pasensya na.

22:41.964 --> 22:43.007
‎Ayos lang.

22:45.051 --> 22:46.052
‎Salamat.

22:51.891 --> 22:53.810
‎Bakit ka umiiyak?

23:40.982 --> 23:45.987
‎Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann Malquisto
