WEBVTT

00:11.031 --> 00:13.200
‎GRADE 2 CLASS 2

00:14.035 --> 00:15.703
<i>‎Whoa… Whoa…</i>

00:15.786 --> 00:17.121
<i>‎Ang lupit ng pangyayaring 'yon!</i>

00:17.204 --> 00:18.414
‎KINAKABAHAN
‎KABOG KABOG

00:18.497 --> 00:21.375
<i>‎Paano kaya nila na-adapt sa pelikula
‎ang ganitong klaseng narrative trick?</i>

00:22.209 --> 00:25.212
‎May isa pang pelikula base sa libro ng
‎author na 'yan na ipapalabas na sa TV.

00:25.296 --> 00:28.591
<i>‎Naalala ko, napanood ko 'yon
‎noong middle school ako.</i>

00:29.508 --> 00:30.509
<i>‎Kasama si Igarashi.</i>

00:31.051 --> 00:32.845
<i>‎Ang ganda ng pelikula.</i>

00:33.345 --> 00:36.307
‎Naguluhan ako sa kalagitnaan
‎ng pelikulang 'yon.

00:38.017 --> 00:41.729
<i>‎Sandali… Naaliw naman ako rito,</i>

00:43.022 --> 00:44.982
<i>‎pero ano kaya ang tingin ng ibang tao?</i>

00:45.983 --> 00:47.234
<i>‎Ano na?</i>

00:47.318 --> 00:50.154
<i>‎Gusto ko talagang mabasa ni Amamiya
‎'yong original na libro.</i>

00:50.237 --> 00:51.989
<i>‎Mayabang.</i>

00:53.741 --> 00:54.742
‎SUMILIP

00:56.619 --> 00:57.620
‎Amamiya.

00:57.703 --> 01:00.247
‎Ginulat mo 'ko. Ano 'yon?

01:00.915 --> 01:02.208
‎E, kasi…

01:04.585 --> 01:06.670
‎'Yong pelikulang pinag-usapan natin
‎kaninang umaga…

01:06.754 --> 01:10.716
‎May libro ako no'n, kaya…

01:11.842 --> 01:14.678
‎Gusto mo bang basahin?

01:15.846 --> 01:17.181
‎NAUUTAL

01:17.264 --> 01:20.101
‎Kasi kung papanoorin mo rin naman 'yong
‎pelikula, malalaman mo rin ang kuwento.

01:20.184 --> 01:22.394
‎Pero medyo makapal kasi 'yong libro,
‎kaya hindi naman kita pipilitin–

01:22.478 --> 01:24.522
‎Babasahin ko. Gusto kong basahin.

01:28.275 --> 01:29.568
‎Wow…

01:30.778 --> 01:32.655
‎Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya.

01:36.951 --> 01:38.285
‎Ano?

01:38.369 --> 01:39.620
<i>‎Buti naman!</i>

01:39.703 --> 01:41.705
‎NAKAHINGA NANG MALUWAG
‎MASAYA DAHIL INTERESADO SIYA SA LIBRO

01:41.789 --> 01:43.791
‎MALAMBOT
‎MASAYA DAHIL NAALALA NIYA ANG USAPAN NILA

01:44.375 --> 01:45.417
‎Salamat.

01:47.545 --> 01:50.381
<i>‎Hindi ko akalaing
‎ganitong klaseng tao siya.</i>

01:50.881 --> 01:52.383
<i>‎Pero ngayon…</i>

01:54.635 --> 01:55.636
‎TEEHEE

01:55.719 --> 01:56.804
<i>‎Ang cute niya.</i>

01:57.346 --> 01:58.556
‎Ano'ng ginagawa mo?

02:10.151 --> 02:11.777
‎UNAT - SWISH

02:11.861 --> 02:15.573
<i>‎Sobra ko yatang na-hype ang librong 'yon
‎sa kanya. Sana hindi siya napilitan.</i>

02:16.157 --> 02:17.908
‎Babasahin ko. Gusto kong basahin.

02:17.992 --> 02:21.412
‎Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya.

02:38.888 --> 02:39.930
‎Morning.

02:40.014 --> 02:41.432
‎Morning.

02:42.016 --> 02:43.601
‎Aalis ka na?

02:43.684 --> 02:46.020
‎Oo. May meeting akong paghahandaan ngayon.

02:47.021 --> 02:48.105
‎Okay.

02:48.189 --> 02:50.733
‎May pera sa tabi ng whiteboard.

02:50.816 --> 02:51.901
‎Salamat.

02:51.984 --> 02:53.193
‎I-lock mo, ha.

02:53.277 --> 02:54.445
‎Sige, mauna na 'ko.

02:55.029 --> 02:56.196
‎Ingat po.

03:03.287 --> 03:05.915
<i>‎Maagang umaalis si Mama
‎papasok sa trabaho.</i>

03:06.790 --> 03:07.958
‎PERA PARA SA PAGKAIN

03:08.042 --> 03:11.420
<i>‎At simula nang maghiwalay sila,
‎lagi na siyang ginagabi sa pag-uwi.</i>

03:13.047 --> 03:15.841
<i>‎Madalas akong mag-isa sa bahay.</i>

03:18.928 --> 03:21.221
‎Minsan naiisip ko.

03:21.764 --> 03:23.933
‎Nag-e-exist ba talaga ako?

03:24.642 --> 03:25.643
<i>‎Wag kang magpakatanga.</i>

03:25.726 --> 03:27.937
<i>‎Wala naman akong magagawa sa sitwasyon ko.</i>

03:28.520 --> 03:29.688
<i>‎Oo.</i>

03:32.775 --> 03:35.861
<i>‎Normal na 'to para sa 'kin.</i>

05:07.578 --> 05:11.999
‎EPISODE 12
‎KULOG

05:12.875 --> 05:15.377
‎Wow, talaga?

05:15.461 --> 05:18.130
‎Paano mo napili 'yang trabaho mo?

05:18.213 --> 05:21.759
‎Wala akong makitang maayos
‎sa mga libreng dyaryo.

05:21.842 --> 05:23.135
‎E…

05:23.218 --> 05:26.013
‎-Nag-register pa nga ako sa app.
<i>‎-Ang daldal niya ngayon.</i>

05:26.096 --> 05:28.349
<i>‎Bakit? Bakit ngayon lang?</i>

05:29.224 --> 05:30.225
‎PISIL PISIL

05:30.309 --> 05:33.520
<i>‎Hoy, tigilan mo nga 'yan. Bastos.
‎Ginagawa mo na naman.</i>

05:33.604 --> 05:36.273
‎TITIG

05:39.109 --> 05:40.778
‎NGITI

05:42.738 --> 05:44.239
<i>‎Ang aesthetic talaga ng mukha niya…</i>

05:45.616 --> 05:49.161
‎Parang bigla na lang naging close si Koyun
‎sa mga first year.

05:49.745 --> 05:50.996
<i>‎Ang weird.</i>

05:51.080 --> 05:52.915
‎Oo nga. Kailan pa nangyari 'yon?

05:52.998 --> 05:54.166
<i>‎Ang weird.</i>

05:54.249 --> 05:55.417
‎REPLAY - NGITI

05:55.501 --> 05:57.419
‎At sobrang ganda pa niya!

05:57.503 --> 05:58.670
‎Ano ba siya?

06:01.673 --> 06:03.092
<i>‎Hindi ko inasahan 'yon.</i>

06:03.759 --> 06:05.511
‎Okay! Tapos na ang break.

06:05.594 --> 06:07.262
‎Mga first year!
‎Puwede bang lumapit kayo rito?

06:07.346 --> 06:08.680
‎-Okay.
‎-Okay.

06:09.306 --> 06:12.351
‎Tinatawag na kami ng mga third year.
‎Mauuna na ako.

06:12.434 --> 06:13.435
‎Sige.

06:13.519 --> 06:16.688
‎KAWAY KAWAY

06:23.529 --> 06:25.697
‎TAP TAP TAP
‎KABOG KABOG - WHACK

06:25.781 --> 06:27.199
<i>‎So ibig sabihin…</i>

06:33.747 --> 06:35.999
‎Tigilan mo 'yan, Hayato…

06:42.422 --> 06:43.423
‎NABIGLA

06:43.507 --> 06:44.508
‎Nagulat ka, 'no?

06:44.591 --> 06:46.343
‎GANTI 'TO PARA NO'NG ISANG ARAW
‎SOBRANG GULAT

06:46.426 --> 06:47.469
‎Oo…

06:47.553 --> 06:50.180
‎Nahiwalay ako kina Miki at Tsukiko.

06:50.264 --> 06:52.349
<i>‎Nakaupo lang siya.</i>

06:56.436 --> 06:57.855
‎-Minato.
‎-'Aye!

06:58.647 --> 07:00.023
‎"'Aye"?

07:00.107 --> 07:02.109
‎So, sa tournament ngayong Linggo,

07:02.192 --> 07:05.112
‎kulang tayo ng controllers,
‎kaya puwede bang dalhin mo 'yong sa 'yo?

07:05.195 --> 07:06.822
‎-Oo, sige.
<i>‎-Video games?</i>

07:06.905 --> 07:08.824
‎-Ilan ang pupunta?
‎-Tatlo.

07:08.907 --> 07:12.327
‎Imagine kung may racing wheel tayo.
‎Ang saya no'n.

07:12.411 --> 07:14.037
‎Bumili ka na kasi, Hayato.

07:14.121 --> 07:15.456
‎Ako pa talaga ang magbabayad?

07:17.749 --> 07:19.126
‎BUMAGSAK

07:19.209 --> 07:20.502
‎DEJA VU

07:20.586 --> 07:23.922
‎Hay. Hindi naman talaga ako
‎kailangan dito.

07:24.423 --> 07:26.508
‎Pasensya na.

07:27.259 --> 07:30.304
‎Wala akong pakialam kung sa tingin mo
‎hindi ka kailangan dito,

07:33.223 --> 07:35.601
‎Ang gusto ko lang, nandito ka kasama ko.

07:38.353 --> 07:39.855
‎Ibig kong sabihin… ayun lang naman…

07:40.939 --> 07:41.940
‎A…

07:49.698 --> 07:50.782
‎Ano bang gagawin ko…

07:50.866 --> 07:51.867
‎SWOOSH

07:51.950 --> 07:55.245
‎Si Daichi Midorikawa 'yong blond.
‎Tapos 'yong isa, ibang section.

07:55.329 --> 07:56.330
‎Ipakilala mo naman ako nang maayos!

07:56.413 --> 07:57.414
‎HAHAHA

07:57.498 --> 08:00.918
‎Ako si Haya-to Aka-hoshi!

08:01.001 --> 08:02.294
‎Oo na, oo na.

08:02.377 --> 08:05.797
‎"Aka" mula sa "Akahoshi."
‎"Hoshi" mula "Akahoshi." Kaya "Akahoshi"!

08:05.881 --> 08:07.508
‎Kumalma ka nga.

08:09.009 --> 08:11.428
‎201 - HIKAWA
‎401 - AZUMI

08:11.512 --> 08:12.721
‎BAHAY NINA MIKI

08:12.804 --> 08:15.724
‎Sigurado kang hindi ka sasama
‎mag-bike bukas, Koyun?

08:15.807 --> 08:18.519
‎Ayos lang ako.
‎Tsaka may trabaho pa ako mamayang gabi.

08:18.602 --> 08:19.686
‎Gano'n ba?

08:20.312 --> 08:22.773
<i>‎Sa totoo lang,
‎third wheel lang talaga ako roon.</i>

08:24.233 --> 08:26.693
<i>‎Ang cute siguro nilang dalawa magkasama!
‎Gusto ko silang makita!</i>

08:27.277 --> 08:28.904
‎TCH…

08:34.409 --> 08:36.954
‎Ang cool talaga ni Yota, 'no?

08:38.372 --> 08:39.957
<i>‎Ha?</i>

08:40.040 --> 08:42.251
‎Maaasahan siya, at lagi pang kalmado.

08:42.334 --> 08:43.544
‎DOON ANG DAAN

08:43.627 --> 08:44.878
<i>‎Talaga ba?</i>

08:44.962 --> 08:45.963
‎THUNK

08:46.046 --> 08:52.261
‎Sana maging kasing warm
‎at bait ko rin siya balang araw.

08:52.344 --> 08:55.264
<i>‎Ha? Ibig mong sabihin…</i>

08:56.098 --> 08:58.976
‎Koyun… "Magkaiba" ba para sa 'yo
‎sina Yota at Minato?

08:59.810 --> 09:01.812
‎Ha? Anong ibig mong sabihin sa "magkaiba"?

09:01.895 --> 09:03.522
<i>‎Bakit niya biglang nabanggit si Amamiya?</i>

09:04.106 --> 09:07.276
‎I mean, oo naman.
‎Magkaibang tao sila, kaya…

09:07.985 --> 09:09.945
‎Pero hindi 'yon
‎ang ibig mong sabihin, di ba?

09:10.487 --> 09:13.031
<i>‎Ano 'to? Parang sobrang kinakabahan siya.</i>

09:14.408 --> 09:18.078
‎Kinakabahan pa rin ako minsan
‎kapag kasama ko si Amamiya.

09:18.161 --> 09:20.038
‎Paminsan-minsan.

09:20.706 --> 09:23.292
<i>‎So hindi siya kinakabahan kay Yota?</i>

09:23.375 --> 09:24.376
‎NAUUTAL

09:24.459 --> 09:28.171
‎Hindi ko pa kasi gaanong kilala si Amamiya
‎kumpara kay Yota, kaya…

09:28.255 --> 09:32.634
‎Pero gusto ko rin naman
‎na mas makilala pa siya, kaya…

09:33.176 --> 09:38.348
<i>‎Ipinagmamalaki niyang
‎kilalang-kilala niya si Yota!</i>

09:46.690 --> 09:48.609
‎Dam!

09:48.692 --> 09:50.611
‎DITO!

09:51.194 --> 09:52.946
‎Ang astig nito!

09:53.947 --> 09:54.948
‎Oo nga, ang ganda.

09:55.032 --> 09:58.327
‎Sobrang ganda!
‎Parang lalabas na puso ko!

09:59.953 --> 10:02.372
‎Halika, Yota. Sama ka sa picture.

10:06.084 --> 10:08.128
‎Teka, paano ba 'to ayusin?

10:08.211 --> 10:10.339
‎Hindi kasya 'yong background.

10:11.214 --> 10:12.424
‎HINDI MAISIP ANG SALITANG "BRASO"

10:12.507 --> 10:15.218
‎Ikaw na lang kumuha, Yota.
‎Mahaba naman ang "biyas" mo.

10:15.302 --> 10:16.637
‎"Mahaba ang biyas"?

10:17.304 --> 10:18.305
‎Ganito ba?

10:18.388 --> 10:20.390
‎Oo, ganyan nga! Yay!

10:23.226 --> 10:25.395
‎ALAALA NG DAM CURRY

10:30.734 --> 10:31.902
‎HAHA

10:31.985 --> 10:34.655
‎SOFT-SERVE ICE CREAM

10:47.584 --> 10:49.920
‎Sobrang saya no'n.

10:50.504 --> 10:51.505
‎Oo nga.

10:52.172 --> 10:53.173
‎Yota.

10:53.757 --> 10:55.258
‎Saan tayo sunod?

10:56.635 --> 11:00.055
‎Sabi mo dati gusto mong pumunta
‎sa isang valley, di ba?

11:00.138 --> 11:02.140
‎Punta tayo sa summer?

11:06.019 --> 11:08.397
‎Puwede… puwede rin tayong pumunta
‎sa abandonadong riles?

11:08.480 --> 11:09.481
‎PLONK

11:09.564 --> 11:10.774
‎Ayos 'yan!

11:11.775 --> 11:12.776
‎-B!
‎-WB!

11:12.859 --> 11:14.194
‎PAGSASALIN: NAKAUWI NA AKO
‎PAGSASALIN: WELCOME BACK

11:14.861 --> 11:17.114
‎-Kumusta ang date mo?
‎-Date? Nagpapatawa ka.

11:17.197 --> 11:18.198
‎AB ROLLER

11:18.281 --> 11:21.034
‎Hindi gano'n si Yota para sa 'kin.

11:21.118 --> 11:23.120
‎Hindi kami "lalaki at babae" sa isa't isa.

11:23.203 --> 11:25.997
‎Grabe, sobrang saya talaga kanina!

11:26.081 --> 11:27.207
‎Buti naman.

11:27.290 --> 11:31.795
‎I mean, oo, gusto ko rin naman
‎magkaroon ng romance balang araw, pero…

11:31.878 --> 11:33.380
‎Pero iba si Yota.

11:33.463 --> 11:36.216
‎Hindi kami gano'n.
‎Hindi ko siya kayang i-date.

11:36.800 --> 11:37.884
‎Talaga?

11:37.968 --> 11:38.969
‎Oo naman!

11:39.052 --> 11:42.472
‎At saka, mga kaibigan muna bago lovelife!

11:44.099 --> 11:45.142
‎Tama ka diyan.

11:45.225 --> 11:46.226
‎Kita mo?

11:46.810 --> 11:48.395
<i>‎-Sobrang relate!
‎-Sobrang relate!</i>

11:48.478 --> 11:51.523
<i>‎-Mga kaibigan muna bago ang lovelife!
‎-Mga kaibigan muna bago ang lovelife!</i>

11:51.606 --> 11:53.150
<i>‎Kaya mo 'yan, bro!</i>

11:53.233 --> 11:54.818
<i>‎-Tumpak!
‎-Tumpak!</i>

11:54.901 --> 11:56.361
<i>‎-Siguradong-sigurado!
‎-Siguradong-sigurado!</i>

11:56.445 --> 11:57.737
<i>‎-Tama 'yan!
‎-Tama 'yan!</i>

12:09.916 --> 12:13.712
<i>‎Uy, nakakuha ka na ba ng libreng tickets
‎doon sa crepe shop malapit sa station?</i>

12:13.795 --> 12:15.505
‎Libreng tickets?

12:15.589 --> 12:17.716
<i>‎Eto. Ise-send ko sa 'yo 'yong link.</i>

12:17.799 --> 12:20.051
<i>‎Hanggang dalawa bawat tao.
‎Kumuha ka na rin.</i>

12:20.135 --> 12:21.386
‎Salamat.

12:25.599 --> 12:29.019
‎MARU: LINK PARA SA CREPES

12:34.441 --> 12:38.278
‎Hindi ka kukuha ng picture?

12:40.363 --> 12:42.741
‎Oo nga 'no. Medyo unique nga 'to.

12:42.824 --> 12:43.825
‎MAS MABUTING KUMUHA NG LITRATO

12:43.909 --> 12:45.410
‎Mukhang unique?

12:46.119 --> 12:48.038
<i>‎Ano bang nangyayari sa 'kin?</i>

12:49.247 --> 12:52.584
<i>‎Kahit paano, nahila ako ni Momoka
‎sa kaunting detour pauwi.</i>

12:53.084 --> 12:56.213
‎Ise-send ko sa 'yo 'yong pic,
‎kaya ibigay mo ang contact details mo.

12:57.172 --> 12:58.256
‎Okay.

12:59.090 --> 13:02.969
‎Koyun. May tickets ako para sa dalawang
‎libreng crepe. Gusto mong kunin ang isa?

13:03.053 --> 13:04.638
‎Sige.

13:05.472 --> 13:07.557
<i>‎Sigurado kang ako ang gusto mong isama?</i>

13:08.099 --> 13:13.939
‎Koyun, kaibigan mo ang mga lalaki, di ba?
‎Paano ba ako magiging mas close sa kanila?

13:14.022 --> 13:15.106
‎Ha?

13:15.649 --> 13:17.526
<i>‎Ako pa talaga tinatanong mo?</i>

13:17.609 --> 13:22.531
‎Pakiramdam ko nga mas magaling ka
‎makihalubilo kaysa sa 'kin, Momoka.

13:23.114 --> 13:25.158
‎Siguro nga.

13:25.242 --> 13:26.993
<i>‎Hindi niya itinatanggi?</i>

13:27.077 --> 13:31.790
‎Pero hindi pa talaga ako nagkaroon
‎ng totoong close na guy friend dati.

13:32.791 --> 13:35.210
‎Pakiramdam ko magiging popular ka
‎sa mga lalaki.

13:35.293 --> 13:36.461
‎Popular naman talaga ako.

13:38.630 --> 13:40.966
‎Iniisip mo bang, "Hindi niya itinatanggi"?

13:41.049 --> 13:42.050
‎EEK

13:43.718 --> 13:45.720
‎Ang cute mo talaga, Koyun.

13:46.221 --> 13:49.808
<i>‎Pakiramdam ko hindi papuri
‎'yong "cute" niya.</i>

13:50.392 --> 13:54.813
‎Pero siguro posible rin naman na
‎sobrang close kayo ng isang tao,

13:54.896 --> 13:57.232
‎tapos bigla mo na lang
‎ma-realize na may feelings ka na.

13:57.315 --> 13:59.067
‎Nangyari na ba 'yon sa 'yo?

13:59.150 --> 14:00.151
‎Ha?

14:01.278 --> 14:03.572
‎Hindi pa yata.

14:04.155 --> 14:07.158
‎Talaga?
‎So iba-iba ang pagtingin mo sa lahat?

14:07.242 --> 14:10.328
<i>‎Bakit parang biglang tumigil
‎ang isip ko roon?</i>

14:12.414 --> 14:14.416
‎Pakiramdam ko hindi ko kaya 'yon.

14:15.417 --> 14:20.130
‎Siguradong mahuhulog ako kay Amamiya.

14:21.339 --> 14:26.011
‎Isang lalaking kasing guwapo niya na
‎malapit sa 'kin? Siguradong mahuhulog ako.

14:27.053 --> 14:28.388
<i>‎Guwapo?</i>

14:29.139 --> 14:30.682
‎Sa tingin mo ba?

14:32.017 --> 14:35.520
<i>‎Ang dali kong purihin si Yota…</i>

14:38.356 --> 14:40.817
<i>‎Kaya bakit hirap akong magsalita
‎kapag si Amamiya na?</i>

14:41.651 --> 14:43.570
‎GRADE 2 CLASS 2

14:43.653 --> 14:46.072
‎Koyun. Salamat sa libro.

14:46.740 --> 14:48.408
‎Natapos mo na agad?

14:48.491 --> 14:50.869
‎Oo. Hindi ko nga mabitawan.

14:50.952 --> 14:53.079
‎At excited na akong
‎mapag-usapan natin 'yon.

14:53.747 --> 14:55.457
‎Talaga? Natutuwa akong marinig 'yan.

14:58.168 --> 15:01.212
<i>‎Amamiya… halatang-halata ang feelings mo.</i>

15:01.296 --> 15:03.298
<i>‎Paki-control naman ang feelings mo.</i>

15:03.965 --> 15:07.886
‎'Yong pagbabago ng mood sa huling chapter,
‎grabe, kinilabutan talaga ako.

15:07.969 --> 15:09.429
‎Ako rin. Gustong-gusto ko tal–

15:13.558 --> 15:14.935
‎WHOA

15:15.769 --> 15:20.523
‎Isang lalaking kasing guwapo niya na
‎malapit sa 'kin? Siguradong mahuhulog ako.

15:20.607 --> 15:23.526
<i>‎Hindi, hindi dahil guwapo siya.</i>

15:23.610 --> 15:25.528
<i>‎Dahil 'to sa mga sinasabi niya.</i>

15:25.612 --> 15:27.489
<i>‎Sa paraan ng pagkilos niya,
‎at ang mukha niya.</i>

15:27.572 --> 15:28.907
<i>‎Napapasaya niya ako.</i>

15:28.990 --> 15:31.409
<i>‎Kinikilig ako sa kanya…</i>

15:32.035 --> 15:33.536
<i>‎Ano 'to?</i>

15:34.955 --> 15:36.039
<i>‎Anong nangyari?</i>

15:37.415 --> 15:39.876
<i>‎Ayaw niya akong tingnan sa mata ngayon.</i>

15:41.002 --> 15:43.964
<i>‎Mukhang naiilang si Koyuki.</i>

15:44.464 --> 15:45.674
<i>‎Ayos lang kaya siya?</i>

15:46.257 --> 15:47.592
‎Anong libro 'yan?

15:47.676 --> 15:48.677
‎BA-BUMP

15:49.302 --> 15:52.681
‎Pinahiram ko 'to kay Amamiya,
‎at ibinabalik niya lang ngayon.

15:52.764 --> 15:53.932
‎Gusto mo rin bang basahin?

15:54.015 --> 15:55.016
‎NAGULAT

15:55.100 --> 15:56.184
<i>‎Ha?</i>

15:56.977 --> 15:58.561
‎Natapos ko 'yan sa loob lang
‎ng dalawang araw.

15:59.437 --> 16:01.356
‎Hindi naman ito paligsahan.

16:09.739 --> 16:10.824
‎Ha?

16:10.907 --> 16:11.908
‎KINAKABAHAN

16:11.992 --> 16:16.037
<i>‎Posible kayang one-sided lang 'to
‎mula kay Amamiya?</i>

16:16.121 --> 16:19.165
‎Ginagamit natin ang "is not" imbes na
‎"does not" sa negative sentence

16:19.249 --> 16:21.084
‎dahil ang subject
‎ay third-person singular…

16:21.167 --> 16:23.586
<i>‎Ano ba ang pakiramdam na 'to?</i>

16:24.295 --> 16:29.843
<i>‎Hay naku. Hindi naman ako gano’n ka tanga
‎para hindi malaman kung ano talaga 'to.</i>

16:30.552 --> 16:33.346
‎Ano'ng gagawin ko?

16:34.264 --> 16:37.559
<i>‎Napansin kong may pagbabago
‎sa nararamdaman ko.</i>

16:38.768 --> 16:39.769
<i>‎Pero…</i>

16:39.853 --> 16:40.854
‎Koyun! Good morning.

16:40.937 --> 16:42.188
‎WHOOSH

16:42.272 --> 16:43.857
<i>‎Sa kabila no'n,</i>

16:45.191 --> 16:46.943
<i>‎wala naman akong ginagawa tungkol doon.</i>

16:48.695 --> 16:50.613
<i>‎Hindi naman talaga ako nagbago.</i>

16:56.119 --> 16:58.121
<i>‎Namumuhay lang ako gaya ng dati.</i>

17:01.833 --> 17:05.628
<i>‎Pero itong nakakakilig
‎at parang may butterflies sa tiyan</i>

17:06.963 --> 17:08.423
<i>‎ay medyo masaya rin pala.</i>

17:10.133 --> 17:11.676
‎Sige, kita tayo bukas.

17:11.760 --> 17:13.136
‎-Ingat!
‎-Ingat!

17:14.596 --> 17:15.597
‎LUMITAW

17:15.680 --> 17:17.682
‎Teka, Koyun.
‎Hindi ka pupunta sa evening practice?

17:17.766 --> 17:19.142
<i>‎Ginagawa niya na!</i>

17:19.809 --> 17:24.481
‎Hindi. Kadalasan kasi, nagkukuwentuhan
‎lang ang mga tao sa evening practice.

17:24.564 --> 17:27.358
‎Hindi ko naman siguro maaabala ang iba
‎kung hindi ako sasama.

17:27.442 --> 17:29.402
‎Okay…

17:29.486 --> 17:31.905
<i>‎Koyuki.
‎Para talaga diyan ang evening practice.</i>

17:31.988 --> 17:33.865
‎KARANIWANG NAGKAKATULUYAN ANG MGA NASA
‎CHEER PAGKATAPOS NG SPORTS FESTIVAL

17:33.948 --> 17:36.910
<i>‎Masasabi mo ngang oras talaga 'yon
‎para magkausap at magkalapit ang mga tao.</i>

17:36.993 --> 17:39.704
<i>‎-Alam na 'yan ng lahat.</i>
‎-Kabisado ko na kasi ang galaw.

17:39.788 --> 17:42.916
<i>‎-Malinaw na pagyaya na 'to sa 'yo!</i>
‎-Wag kang mag-alala. Di ako magpapabaya.

17:43.583 --> 17:44.584
‎Mauna na 'ko.

17:47.754 --> 17:49.923
<i>‎Okay lang 'yan, Amamiya.</i>

17:50.507 --> 17:52.425
‎EVENING PRACTICE

17:52.509 --> 17:54.677
‎NANDITO PARA MAG-SOLO PRACTICE

17:54.761 --> 17:56.930
‎NANDITO PARA MAKIPAGHALUBILO

17:58.389 --> 18:01.101
<i>‎May mali na naman ba akong nasabi?</i>

18:02.685 --> 18:04.104
‎Amamiya!

18:05.396 --> 18:08.608
‎Salamat naman. Nakahinga na rin ako.

18:08.691 --> 18:09.692
‎Nakahinga ka na?

18:09.776 --> 18:13.696
‎Nahuli kasi ako,
‎kaya wala akong nasalihang grupo.

18:14.364 --> 18:16.574
‎Puwede ba tayong tumambay sandali?

18:20.453 --> 18:24.290
‎Parang may kanya-kanya
‎nang grupo ang lahat, ano?

18:24.374 --> 18:26.543
‎Oo, gano'n talaga.

18:27.544 --> 18:30.839
‎Sayang naman. Hindi na ako
‎makakahalubilo sa mga senior

18:30.922 --> 18:32.966
‎pagkatapos ng sports festival.

18:33.049 --> 18:35.677
‎Puwede ka pa rin namang makipag-usap
‎sa 'min kahit tapos na ang festival.

18:40.223 --> 18:43.852
‎Oo nga pala! Lumabas kami ni Koyun
‎no'ng isang araw. Kaming dalawa lang.

18:43.935 --> 18:44.936
‎Talaga?

18:45.019 --> 18:46.604
<i>‎Kailan pa naging gano'n ka-close
‎ang dalawang 'to?</i>

18:46.688 --> 18:47.689
‎MEDYO MAPAIT

18:48.523 --> 18:50.692
‎Kumain kami ng crepes.

18:50.775 --> 18:52.819
‎May ilan pa akong tickets nito.

18:52.902 --> 18:54.195
‎HEH

18:56.656 --> 18:59.951
‎Parang ang tigas ng kilos ni Koyun.

19:02.537 --> 19:06.499
‎Gusto mo bang isama rin kita
‎sa susunod na lalabas kami ni Koyun?

19:06.583 --> 19:08.459
‎Sigurado kang gusto mo akong isama?

19:08.543 --> 19:09.878
‎Siyempre naman!

19:09.961 --> 19:12.463
‎Aayain talaga kita,
‎kaya ibigay mo ang contact details mo.

19:12.547 --> 19:13.840
‎Sige.

19:16.634 --> 19:19.470
‎Magkakasundo talaga ang mga senior, 'no?

19:20.180 --> 19:22.432
‎Lagi kayong kinukuwento ni Koyun.

19:22.515 --> 19:25.977
‎Tungkol kay Miki, tungkol kay Yota…

19:27.437 --> 19:28.479
<i>‎Pa'no naman ako?</i>

19:28.563 --> 19:33.484
‎Naiinggit talaga ako sa samahan
‎nina Koyun at Yota.

19:34.360 --> 19:35.737
<i>‎Anong klaseng samahan?</i>

19:35.820 --> 19:39.616
‎Hindi ba bagay na bagay silang mag-date?

19:39.699 --> 19:41.242
‎DOOM

19:41.326 --> 19:42.410
‎NAGKIKIMKIM NG GALIT

19:42.493 --> 19:44.078
‎Bakit mo nasabi 'yan?

19:44.162 --> 19:46.497
‎Kasi! Bagay sila, di ba?

19:47.290 --> 19:51.628
‎Well, hindi naman natin alam kung ano
‎talaga ang nararamdaman nila sa isa't isa.

19:52.128 --> 19:54.797
<i>‎Malamang gusto pa rin ni Yota si Miki.</i>

19:54.881 --> 19:57.133
<i>‎At hindi ko rin alam kay Hikawa.</i>

19:57.717 --> 19:59.385
‎Oo nga, tama ka.

19:59.469 --> 20:02.222
‎-Pasensya na. Ang bastos ko ro'n.
‎-Hindi, ayos lang.

20:02.305 --> 20:03.640
‎HINDI NAMAN AKO NANINITA

20:04.224 --> 20:05.266
‎At tama ka rin.

20:05.350 --> 20:07.644
‎Isipin mo na lang kung malaman mong
‎may gusto pala sa 'yo

20:07.727 --> 20:11.147
‎ang taong akala mong kaibigan lang?

20:11.856 --> 20:14.150
‎Na iba pala ang tingin niya sa 'yo…

20:14.734 --> 20:16.903
‎Medyo nakakailang siguro 'yon. Hindi ba?

20:16.986 --> 20:18.154
‎CRACK

20:18.238 --> 20:21.658
‎Baka nakakatakot pa nga,
‎depende sa sitwasyon.

20:23.743 --> 20:25.662
‎-At higit pa ro'n…
<i>‎-Mayroon pa?</i>

20:26.246 --> 20:32.418
‎Sinabi rin ni Koyun na di niya ituturing
‎na romantic interest ang kaibigan niya.

20:33.169 --> 20:34.170
<i>‎Ano?</i>

20:40.510 --> 20:41.636
‎Naiinis ako sa 'yo.

20:48.434 --> 20:51.229
<i>‎Sumobra ba ako?</i>

22:26.949 --> 22:28.242
‎Umabot din tayo!

22:37.960 --> 22:39.879
<i>‎Grabe, ang awkward nito.</i>

22:39.962 --> 22:41.964
<i>‎Alam kong nasa cheer squad siya,</i>

22:42.048 --> 22:45.885
<i>‎pero sobrang awkward pa rin
‎na makisalamuha</i>

22:45.968 --> 22:47.804
<i>‎sa kapatid ng taong
‎nakasagutan ko nang malala.</i>

22:48.513 --> 22:50.473
‎Atagawa. Kumusta na ang kapatid mo?

22:52.141 --> 22:53.726
‎Wag ka ngang tumingin nang ganyan.

22:53.810 --> 22:56.104
‎Hindi ka ba curious sa dati mong kaklase?

22:56.646 --> 22:58.189
‎Hindi naman talaga…

23:00.691 --> 23:02.318
‎Gusto mo talagang malaman?

23:02.401 --> 23:03.402
‎EEK

23:05.154 --> 23:06.280
‎Wow, siksikan dito.

23:10.409 --> 23:12.120
‎Pasensya na rito.

23:12.203 --> 23:15.957
‎Hindi, ako dapat ang mag-sorry.
‎Hinaharangan ko kasi ang pader.

23:18.626 --> 23:19.710
‎Koyuki.

23:21.420 --> 23:23.756
‎Kaibigan mo si Amamiya, di ba?

23:24.382 --> 23:27.301
<i>‎Anong ibig niyang sabihin doon?</i>

23:27.385 --> 23:30.346
‎Oo, magkaibigan kami.

23:31.222 --> 23:35.601
‎Hindi pinapayagan ng soccer club ang
‎relasyon sa pagitan ng member at manager.

23:37.895 --> 23:42.316
‎Madalas kayong magkasama ni Momoka
‎kamakailan, di ba?

23:42.984 --> 23:45.319
‎Samantalang dati,
‎ako ang lagi niyang kasama.

23:46.112 --> 23:48.281
‎Alam mo naman kung bakit, di ba?

23:49.907 --> 23:52.243
‎Puwede bang suportahan mo siya?

23:52.326 --> 23:54.328
‎Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann Malquisto
