WEBVTT

00:11.031 --> 00:13.576
‎SPORTS FESTIVAL
‎MEITEN HIGH SCHOOL

00:13.659 --> 00:16.203
‎ANG ARAW NG SPORTS FESTIVAL
‎6:30 A.M.

00:16.287 --> 00:18.539
‎Ano'ng problema, Tsukko?

00:18.622 --> 00:19.957
‎A, wala naman, talaga…

00:20.541 --> 00:23.794
‎Sumali lang naman ako sa cheer squad
‎dahil nakisabay ako sa karamihan.

00:23.878 --> 00:29.300
‎Ngayon kinakabahan na ako, at nag-aalala
‎na baka magkamali ako sa mga galaw.

00:30.301 --> 00:33.179
‎Mas mahilig kasi ako
‎sa mga cultural activity kaysa sports.

00:33.262 --> 00:38.225
‎Medyo nag-aalala rin ako kung gugustuhin
‎ba talaga ng mga tao na i-cheer ko sila.

00:38.309 --> 00:40.436
‎Siyempre gusto nilang i-cheer mo sila!

00:40.519 --> 00:42.063
‎Kaya lakasan mo ang loob mo
‎at mag-cheer ka.

00:42.146 --> 00:43.230
<i>‎Naiintindihan ko ang nararamdaman mo.</i>

00:44.857 --> 00:47.985
‎Puwede bang suportahan mo si Momoka?

00:48.944 --> 00:50.196
<i>‎Gusto niyang suportahan ko siya.</i>

00:50.821 --> 00:53.282
<i>‎Hindi naman masamang tao si Momoka,</i>

00:53.783 --> 00:56.827
<i>‎at wala naman akong inaasahang
‎higit pa kay Amamiya.</i>

00:57.328 --> 01:01.290
<i>‎Sa totoo lang, mabait si Amamiya sa lahat.</i>

01:01.957 --> 01:04.502
<i>‎Kaya natural lang
‎na mabait din siya sa 'kin.</i>

01:05.127 --> 01:09.423
<i>‎At hindi naman talaga mahalaga
‎sa iba ang nararamdaman ko.</i>

01:10.424 --> 01:11.634
<i>‎Kaya wala namang problema…</i>

01:21.018 --> 01:22.436
<i>‎Wag mong masyadong isipin.</i>

01:22.978 --> 01:24.146
<i>‎Wag mong masyadong isipin.</i>

01:25.106 --> 01:26.232
<i>‎Kumilos ka lang nang normal.</i>

01:26.941 --> 01:28.025
<i>‎Kumilos ka lang nang normal.</i>

02:59.575 --> 03:03.996
‎EPISODE 13
‎PANANAW

03:04.079 --> 03:06.290
‎ANG ARAW NG SPORTS FESTIVAL 7:00 A.M.
‎HULING PRACTICE SA UMAGA

03:06.373 --> 03:08.751
‎-Ipanalo natin 'to!
‎-Oo!

03:08.834 --> 03:10.336
‎8:00 A.M. - NAG-AAYOS NG BUHOK
‎ANG MGA BABAE

03:10.419 --> 03:14.256
‎Marami akong blue accessories dito.
‎Kumuha kayo para sa mga buhok n'yo.

03:14.340 --> 03:16.258
‎MAY BAKANTENG ORAS
‎DAHIL MAIKLI ANG BUHOK NILA

03:16.342 --> 03:18.844
‎-Yota. Itodo ko kaya ang ayos ng buhok mo?
‎-Itodo?

03:18.928 --> 03:22.473
‎Sigurado kang ayos lang 'to?
‎Hindi ba magiging kakaiba?

03:22.556 --> 03:23.974
‎Ayos lang!

03:24.058 --> 03:25.184
‎Magtiwala ka sa 'kin.

03:25.267 --> 03:27.436
‎8:20 A.M.

03:28.103 --> 03:30.439
‎Ang gaganda ng mga ayos ng buhok ng lahat.

03:32.107 --> 03:33.692
‎Pati ng mga babae.

03:33.776 --> 03:35.611
‎20 MINS ANG NAKALIPAS - MALAMBOT NA BUHOK
‎MABABAIT NA SENIOR NA DI KAKILALA

03:35.694 --> 03:36.695
‎Ako na ang mag-aayos ng buhok mo.

03:38.739 --> 03:40.908
‎Koyun, ang galing nito.

03:40.991 --> 03:42.409
‎"Onion hair" daw ang tawag diyan.

03:42.493 --> 03:44.495
<i>‎-Tama na, Hino!</i>
‎-Sibuyas?

03:44.578 --> 03:45.955
<i>‎Nandoon lang si Amamiya–</i>

03:46.872 --> 03:48.707
<i>‎O, ayan na nga.</i>

03:49.500 --> 03:51.460
<i>‎Miki, ano namang expression 'yan?</i>

03:53.295 --> 03:54.838
‎SNAP

03:55.631 --> 03:57.841
‎Bagay sa 'yo.

03:57.925 --> 03:59.051
‎Ha?

04:00.261 --> 04:01.679
‎Sa inyong lahat.

04:02.388 --> 04:03.764
‎-Yeah!
‎-Yeah!

04:07.017 --> 04:09.186
‎SPORTS FESTIVAL
‎MORNING EDITION

04:09.270 --> 04:12.439
‎Go, Yota! Minato!

04:13.107 --> 04:16.694
‎Hindi! Masyadong mataas!
‎Nakakatakot talaga 'to!

04:22.408 --> 04:24.702
<i>‎Ang cute niya. Parang hamster.</i>

04:24.785 --> 04:26.412
‎Ang cute talaga!

04:26.912 --> 04:28.539
‎OBSTACLE COURSE

04:28.622 --> 04:29.999
‎MABILIS

04:30.082 --> 04:32.334
‎Koyun, ang bilis mo!
‎Anong klaseng takbo 'yan?

04:32.418 --> 04:33.669
‎HILAHAN NG LUBID NG MGA BABAE

04:33.752 --> 04:35.045
‎Yeah!

04:35.129 --> 04:37.589
‎Miki! Hindi pa kita nakitang mas
‎nagniningning gaya ngayon!

04:37.673 --> 04:39.091
‎ALL-IN RELAY (MGA FIRST YEAR)

04:40.801 --> 04:41.969
‎HAKBANG HAKBANG

04:44.722 --> 04:46.140
‎Nakakahiya naman ako…

04:46.223 --> 04:47.516
‎Ayos ka lang.

04:47.599 --> 04:49.018
‎CLUB VS CLUB RELAY

04:50.436 --> 04:53.022
‎Minato, ano'ng ginagawa mo?
‎Hindi ka naman ganyan.

04:54.106 --> 04:55.274
‎Mag-picture tayo?

05:00.654 --> 05:03.198
‎Astig ng mga outfit na 'to!

05:03.282 --> 05:04.283
‎Oo nga.

05:05.284 --> 05:08.162
<i>‎Perpektong-perpekto ang sukat ng
‎pantalon na ginawa ni Miki para sa 'kin.</i>

05:08.245 --> 05:10.706
‎Wow! Ang gaganda ng hitsura
‎ng lahat ng seniors.

05:10.789 --> 05:11.790
‎Momoka?

05:12.374 --> 05:14.168
‎Bagay na bagay sa 'yo ang suot mo.

05:14.251 --> 05:15.419
‎Ikaw rin, Momoka.

05:15.502 --> 05:17.713
‎Bihira kitang makitang
‎naka-updo ang buhok.

05:17.796 --> 05:20.299
‎Ang mga third year ang nag-ayos nito
‎para sa 'kin.

05:21.133 --> 05:23.135
‎-Ang ganda.
<i>‎-Ano 'to?</i>

05:23.218 --> 05:24.928
‎-Maganda ka rin.
‎-Salamat.

05:25.012 --> 05:27.681
<i>‎Kailan pa naging gano'n ka-close
‎sina Miki at Momoka?</i>

05:28.265 --> 05:30.476
‎At Tsukiko, ang cute-cute mo rin.

05:30.559 --> 05:31.685
‎Ha? Ha?

05:31.769 --> 05:34.772
‎Naku, paano naman ako
‎maikukumpara sa 'yo…

05:34.855 --> 05:35.939
‎MAINIT MAINIT

05:36.023 --> 05:38.942
‎-Para kang critter. Ang cute mo!
<i>‎-Ano'ng gagawin ko?</i>

05:39.026 --> 05:40.027
‎WHOOSH

05:40.110 --> 05:41.695
‎May nakalimutan ako sa locker ko.

05:41.779 --> 05:42.988
‎Gusto mong samahan kita?

05:43.072 --> 05:44.114
‎Ayos lang ako.

05:45.616 --> 05:47.785
<i>‎Hindi ko kaya 'to. Ano'ng gagawin ko?</i>

05:48.786 --> 05:51.872
<i>‎Ano'ng gagawin ko
‎sa nakakadiring pakiramdam na 'to?</i>

05:56.293 --> 05:57.336
‎WHOMP

05:57.419 --> 05:58.420
‎SALO

05:58.504 --> 05:59.671
‎Koyun?

06:00.923 --> 06:03.092
‎Bakit parang lagi tayong nagkakasalubong?

06:03.175 --> 06:05.344
‎Humihingi ako ng paumanhin
‎sa kakulangan ko ng pag-iingat.

06:05.427 --> 06:06.804
‎BUHAT

06:07.888 --> 06:10.808
‎Nandiyan ka pala, Yota. Nandoon si Hayato–

06:16.647 --> 06:18.065
‎BANG - WHOA

06:19.858 --> 06:21.693
‎Hindi, hindi 'yon–

06:21.777 --> 06:23.028
<i>‎Kung gano'n, ano 'yon?</i>

06:24.822 --> 06:26.198
<i>‎Ano'ng gagawin ko?</i>

06:27.991 --> 06:29.284
‎A…

06:29.785 --> 06:30.786
‎TAKBO

06:30.869 --> 06:32.454
‎Babalik na ako kina Miki at sa iba.

06:33.288 --> 06:34.289
‎HINGAL HINGAL

06:34.373 --> 06:36.458
<i>‎Ano'ng ginagawa ko?</i>

06:38.877 --> 06:40.212
‎Koyun?

06:41.338 --> 06:43.215
‎HAPON
‎CHEER COMPETITION

07:00.607 --> 07:02.985
‎MATAGUMPAY NA NAKATAPOS ANG LAHAT NG GRUPO

07:03.068 --> 07:06.488
‎ORAS NA PARA MAG-PICTURE
‎(HABANG BINIBILANG ANG MGA PUNTOS)

07:08.323 --> 07:09.533
‎MGA FIRST YEAR

07:09.616 --> 07:11.201
‎Maraming salamat!

07:11.285 --> 07:12.286
‎Ang guwapo niya.

07:12.369 --> 07:13.495
‎Ang ganda ng kuha.

07:13.579 --> 07:14.580
‎HAHAHA
‎KWENTUHAN

07:14.663 --> 07:16.832
‎Ipapa-print ko 'to
‎at gagawin kong poster sa kuwarto ko.

07:16.915 --> 07:19.209
‎Parang nadagdagan ng 100 taon
‎ang buhay ko.

07:19.293 --> 07:21.003
<i>‎Ang sarap maging bata ulit.</i>

07:23.088 --> 07:24.256
<i>‎Magpa-picture din kaya ako?</i>

07:25.966 --> 07:27.217
<i>‎Hindi, hindi ko kaya.</i>

07:27.301 --> 07:28.594
‎Hello, Amamiya.

07:29.094 --> 07:31.388
‎Puwede ba tayong mag-picture?

07:31.972 --> 07:33.640
‎Oo naman.

07:34.224 --> 07:35.476
<i>‎Siyempre.</i>

07:35.559 --> 07:38.395
<i>‎Kailangan mo lang magtanong.</i>

07:39.188 --> 07:41.899
<i>‎Pero natatakot akong gawin 'yon ngayon.</i>

07:43.650 --> 07:45.527
<i>‎Hindi ko na sila makita.</i>

07:45.611 --> 07:47.779
<i>‎Baka bumalik na sila sa mga changing room?</i>

07:53.994 --> 07:54.995
‎BA-BUMP

07:55.078 --> 07:56.288
‎Koyun!

07:56.371 --> 07:58.040
‎TALON TALON

07:58.123 --> 08:00.042
‎TINATAWAG NIYA AKO…

08:00.125 --> 08:03.253
‎Halika, Koyun. Sumama ka sa picture namin.

08:03.337 --> 08:04.338
‎LAKAD LAKAD

08:04.421 --> 08:05.839
<i>‎Sana hindi 'yon ang gusto niya.</i>

08:05.923 --> 08:07.382
<i>‎Pakiramdam ko
‎magiging third wheel lang ako.</i>

08:07.466 --> 08:08.550
‎Pasensya na sa abala.

08:08.634 --> 08:11.762
‎Puwede mo ba kaming kunan ng litrato?

08:15.432 --> 08:16.433
‎Sige.

08:17.392 --> 08:18.685
<i>‎Um…</i>

08:19.895 --> 08:22.523
<i>‎Ano namang ibig sabihin ng mukhang 'yan?</i>

08:25.526 --> 08:28.320
‎Salamat. Ngayon naman,
‎tayo ang magpa-picture.

08:28.403 --> 08:29.488
‎SWOOSH - CLICK

08:29.571 --> 08:30.572
‎SWOOSH

08:30.656 --> 08:32.533
‎Salamat! Kita tayo mamaya!

08:33.033 --> 08:34.826
‎HALOS NAKAPIKIT ANG MATA
‎AT BAHAGYANG NAKABUKA ANG BIBIG

08:34.910 --> 08:36.203
<i>‎Siguradong pangit ang hitsura ko
‎sa picture na 'yon.</i>

08:37.079 --> 08:38.372
‎Doon naman tayo magpa-picture.

08:38.455 --> 08:39.498
‎Halika na. Tara.

08:42.501 --> 08:43.794
<i>‎-Picture.
‎-Picture.</i>

08:45.087 --> 08:46.672
<i>‎Puwede ba tayong mag-picture?</i>

08:46.755 --> 08:48.048
<i>‎Puwede ko siyang tanungin…</i>

08:49.341 --> 08:51.802
<i>‎-Ito na lang ang pagkakataon namin.
‎-Ito na lang ang pagkakataon namin.</i>

08:52.302 --> 08:53.845
‎KABOG
‎HINDI KO UGALI - NAKAKADIRI BA?

08:53.929 --> 08:55.138
<i>‎Naghahanap ako ng dahilan
‎para wag magtanong.</i>

08:55.222 --> 08:56.306
‎AYOKO NAMAN TALAGANG MAGPA-PICTURE
‎MAHALATA KAYA NIYA ANG NARARAMDAMAN KO?

08:56.390 --> 08:57.391
‎HINDI NATURAL - MATATAKOT KO BA SIYA?

08:57.474 --> 08:58.976
<i>‎Puro negatibong iniisip.</i>

08:59.059 --> 09:00.519
‎Hmm…

09:03.855 --> 09:06.149
‎Kayong dalawa. Tumayo kayo riyan.

09:09.945 --> 09:12.239
‎Ayan. May alaala na tayo.

09:12.322 --> 09:14.408
‎Ngayon, Minato.
‎Hinihintay ka na ng soccer club.

09:14.491 --> 09:16.118
‎-Magpaalam ka na.
‎-Hoy, sandali!

09:16.201 --> 09:19.121
‎Sandali lang!
‎Kukuha pa ako ng mas maayos na picture.

09:19.204 --> 09:20.497
‎Ayoko ng mga candid shot.

09:20.581 --> 09:21.582
‎Ang arte naman.

09:22.791 --> 09:24.167
‎May alam ka bang astig na pose?

09:25.586 --> 09:26.670
‎E…

09:27.963 --> 09:30.132
‎NAHIHIYA

09:30.716 --> 09:31.717
‎SUNTOK

09:31.800 --> 09:33.635
‎-Hoy.
‎-Sige, kukunan ko na.

09:36.096 --> 09:37.556
‎Minato!

09:38.056 --> 09:40.225
‎Tinatawag ka ni Kenta.

09:40.309 --> 09:42.019
‎Paparating na!

09:47.149 --> 09:48.609
‎PLONK

09:52.613 --> 09:56.116
‎Sa tingin mo ba, ganito talaga ka-casual
‎ang soccer club sa mga miyembro nila?

09:56.199 --> 09:57.284
‎Hoy, Koyun.

09:57.367 --> 10:00.871
‎May tinatago ka ba sa 'kin?

10:04.541 --> 10:06.460
‎NGISI

10:08.253 --> 10:09.838
‎NAGLAHO

10:09.921 --> 10:11.173
‎Hoy.

10:13.133 --> 10:15.469
‎Wala. Wala akong itinatago sa 'yo.

10:19.514 --> 10:22.934
‎Parang naglilihim ka rin minsan, Koyun.

10:23.018 --> 10:25.312
‎-BIRTHDAY MO? DAPAT SINABI MO SA 'MIN.
‎-KAILANGAN BA?

10:25.395 --> 10:26.772
‎Tulad ng pagtatago mo
‎ng birthday mo sa 'min.

10:26.855 --> 10:30.359
‎-Medyo nalulungkot ako.
<i>‎-Uling, uling.</i>

10:30.442 --> 10:31.443
‎TINGIN

10:33.236 --> 10:37.574
‎Hindi ko naman talaga itinatago,
‎kaya lang…

10:39.201 --> 10:41.495
‎Kamakailan ko lang din napansin.

10:41.578 --> 10:42.788
‎Okay.

10:42.871 --> 10:45.540
‎Akala ko baka imahinasyon ko lang.

10:46.041 --> 10:48.627
‎Hindi pa kasi ako sigurado.

10:48.710 --> 10:49.711
‎Okay.

10:49.795 --> 10:55.842
‎Kaya hindi ko naisip na
‎dapat ko itong sabihin sa iba.

10:57.260 --> 11:01.973
‎Kung may bagay na paikot-ikot sa isip mo
‎at hindi mo maunawaan nang maayos

11:02.557 --> 11:06.061
‎baka makatulong
‎kung ilalabas mo na lang ito.

11:07.312 --> 11:10.607
‎Talagang gumaan ang pakiramdam ko
‎dahil sa 'yo.

11:15.195 --> 11:16.238
‎Yota.

11:17.697 --> 11:18.782
‎DAHAN-DAHAN

11:18.865 --> 11:19.866
‎BUKAS - KALABOG

11:19.950 --> 11:20.951
‎HALIKA RITO

11:21.701 --> 11:23.620
‎DAHAN-DAHAN

11:23.703 --> 11:26.123
‎SILIP SILIP

11:30.669 --> 11:33.213
‎Kasi, ako…

11:43.890 --> 11:45.434
‎Gano'n pala.

11:45.976 --> 11:49.396
‎Koyun, napakapangit ng taste mo.

11:50.188 --> 11:53.650
<i>‎Sinasabi niya 'yon,
‎pero mukhang masaya naman siya.</i>

11:55.193 --> 11:56.486
<i>‎Naiintindihan ko na.</i>

11:57.654 --> 11:59.281
<i>‎Pareho pala kami ng nararamdaman.</i>

12:02.284 --> 12:03.660
‎Kung magiging tapat talaga ako…

12:05.162 --> 12:09.583
‎Noong una, naiilang ako sa kanya.
‎Halos matakot pa nga ako sa kanya.

12:10.417 --> 12:12.335
‎Doon nagsimula ang lahat.

12:12.836 --> 12:15.088
‎Pero bakit?

12:15.839 --> 12:17.799
‎Paano ko hindi napansin
‎na nagbago na pala ang nararamdaman ko?

12:18.592 --> 12:24.014
‎Hindi ko nga maipaliwanag kung bakit,
‎o kung ano ba talaga ito, pero…

12:26.224 --> 12:27.809
‎Basta nangyari na lang talaga.

12:35.275 --> 12:37.569
‎Gusto mo bang gawan ko ng paraan
‎para magkasama kayong dalawa?

12:37.652 --> 12:39.029
‎Wag na wag mong gagawin 'yon!

12:39.654 --> 12:42.949
‎GINAWA NGA NIYA

12:43.533 --> 12:44.826
‎Pasensya na talaga.

12:44.910 --> 12:46.036
‎HAHA

12:46.995 --> 12:52.292
‎A… Ayoko namang maging higit pa
‎kami sa magkaibigan.

12:52.375 --> 12:53.502
‎MATSURI - ONDO NO MASTER

12:53.585 --> 12:55.670
<i>‎Masaya na ako na magkasama lang kami</i>

12:55.754 --> 12:58.256
<i>‎at magkasundo kami bilang magkaibigan.</i>

12:58.340 --> 13:00.800
<i>‎Pakiramdam ko, sapat na 'yon para sa 'kin.</i>

13:01.551 --> 13:04.137
‎Pinakakomportable ako
‎sa kung ano kami ngayon.

13:05.680 --> 13:06.973
‎Ayokong sirain 'yon.

13:09.976 --> 13:11.728
‎Pareho ka talaga sa 'kin.

13:12.938 --> 13:16.858
‎Matatakpan din kaya ng uling ang puso ko?

13:17.359 --> 13:18.485
‎Welcome sa club.

13:18.568 --> 13:20.111
‎Ayoko nito.

13:21.780 --> 13:24.533
<i>‎Nabilang na ang lahat ng puntos.</i>

13:24.616 --> 13:28.787
<i>‎Mangyaring pumunta sa school courtyard
‎para sa closing ceremony.</i>

13:28.870 --> 13:31.164
‎Pero si Minato ang pinag-uusapan natin.

13:31.665 --> 13:33.500
‎Magiging mahirap 'to.

13:33.583 --> 13:36.336
‎Oo nga, nai-imagine ko na.

13:38.672 --> 13:39.673
‎NANDITO LANG PALA KAYO!

13:39.756 --> 13:41.675
‎Koyun! Yota! Nandito lang pala kayo.

13:45.053 --> 13:47.389
‎Sakto! Nahanap namin kayo sa tamang oras.

13:47.472 --> 13:49.474
‎Wala pa tayong picture
‎na kumpleto tayong apat.

13:50.183 --> 13:51.226
<i>‎Ano'ng gagawin ko?</i>

13:51.309 --> 13:54.980
<i>‎Mas lalo tuloy akong nagiging conscious
‎dahil napag-usapan pa lang namin 'yon.</i>

13:56.856 --> 13:59.484
<i>‎Magkasama ba sina Yota at Koyun kanina?</i>

14:00.235 --> 14:02.988
<i>‎Silang dalawa lang?</i>

14:03.071 --> 14:04.698
‎TINGIN

14:05.323 --> 14:06.324
‎BUNDOL

14:06.408 --> 14:07.409
<i>‎Wag mo akong tingnan.</i>

14:07.492 --> 14:08.493
‎UMPOG

14:08.577 --> 14:09.744
<i>‎Ikaw rin.</i>

14:11.788 --> 14:12.789
‎HEH

14:14.374 --> 14:15.375
‎NABIGLA

14:15.458 --> 14:18.295
<i>‎Pinakakomportable ako
‎sa kung ano kami ngayon.</i>

14:22.299 --> 14:23.717
<i>‎Ayokong sirain 'yon.</i>

14:24.926 --> 14:26.177
<i>‎Gusto kong manatili itong…</i>

14:28.388 --> 14:29.639
‎Handa na?

14:30.140 --> 14:31.141
‎TULAK

14:31.224 --> 14:32.642
‎Lumapit pa kayo.

14:32.726 --> 14:33.727
‎CLICK

14:33.810 --> 14:38.523
<i>‎Sana talaga ay manatiling payapa
‎ang lahat tulad ngayon.</i>

14:40.025 --> 14:43.069
‎GRADE 2 CLASS 2

14:43.153 --> 14:44.362
‎PAGKATAPOS NG HOMEROOM

14:44.446 --> 14:47.824
‎Mas masaya ang sports festival
‎ngayong taon kaysa noong nakaraan.

14:47.908 --> 14:49.326
‎Gano'n din ang pakiramdam ko.

14:49.409 --> 14:50.410
‎KWENTUHAN

14:50.493 --> 14:54.623
‎Kinabahan ako sa pagche-cheer, pero
‎nang masimulan ko na, nag-enjoy naman ako.

14:54.706 --> 14:55.707
‎Oo nga.

14:55.790 --> 14:58.376
‎SPORTS FESTIVAL NOONG NAKARAANG TAON
‎KLASENG HINDI NAGKAKAISA

14:58.460 --> 15:01.963
‎Mukhang nakadepende rin talaga 'yon
‎sa kung sino ang kasama mo.

15:02.047 --> 15:04.841
‎'Yan din ang iniisip ko, pero di mo naman
‎kailangang sabihin nang malakas.

15:04.925 --> 15:07.218
‎Siya nga pala, nasaan si Miki?

15:07.302 --> 15:08.720
‎GRADE 2 CLASS 2
‎KASAPI SA PE COMMITTEE

15:08.803 --> 15:10.347
‎Tagalinis siya ngayon.

15:10.430 --> 15:11.431
‎HEH HEH

15:11.514 --> 15:12.849
<i>‎Good luck, Yota.</i>

15:12.933 --> 15:15.852
‎Sige! Tara na at mag-karaoke!

15:15.936 --> 15:17.354
‎NANDITO SA KUNG ANONG DAHILAN

15:17.437 --> 15:20.231
‎-Gutom na gutom na ako.
‎-Oorder ako ng gabundok na fries.

15:20.315 --> 15:21.566
‎-Yeah!
‎-Yay!

15:21.650 --> 15:22.817
‎Hintayin ba natin si Yota?

15:22.901 --> 15:25.028
‎-Ime-message ko siya.
‎-Okay.

15:25.111 --> 15:27.113
‎Mukhang masigla ang mga lalaki.

15:27.197 --> 15:28.698
‎Oo nga.

15:39.209 --> 15:40.210
‎PLONK

15:40.293 --> 15:42.462
‎-May maitutulong ba ako sa 'yo?
‎-Tiningnan mo ako.

15:43.296 --> 15:44.923
‎Hinihintay n'yo ba si Miki?

15:45.006 --> 15:47.384
‎Hindi. Pauwi na nga sana kami.

15:47.968 --> 15:50.261
‎Sinabi niyang mauna na kami.

15:50.345 --> 15:51.388
‎Gano'n ba?

15:52.263 --> 15:55.100
‎Kung gano'n, Amamiya, mauna na ako.

15:55.767 --> 15:57.143
‎Tara na, Tsukiko.

15:58.436 --> 16:00.897
<i>‎Talaga, Koyuki? Gano'n na lang?</i>

16:01.481 --> 16:04.359
<i>‎Malamang gusto kang makausap ni Amamiya.</i>

16:04.442 --> 16:07.195
<i>‎Pero hindi naman kita pipigilan.</i>

16:10.740 --> 16:13.785
‎Ise-send ko sa'yo mamaya
‎ang picture natin, okay?

16:14.369 --> 16:16.371
‎MAGME-MESSAGE SIYA MAMAYA

16:16.871 --> 16:18.790
<i>‎Suwerte mo, Amamiya!</i>

16:18.873 --> 16:20.667
‎Teka lang!

16:20.750 --> 16:22.919
‎'Yong wrap party sa Sabado.

16:23.003 --> 16:24.921
‎Pupunta ka ba?

16:26.840 --> 16:28.174
‎Anong party?

16:28.258 --> 16:30.301
‎'Yong wrap party para sa cheer squad.

16:30.385 --> 16:31.678
‎Magya-yakiniku tayo.

16:31.761 --> 16:33.179
‎-Kailan pa?
‎-Kailan pa?

16:33.763 --> 16:37.934
‎Kakatanggap lang natin ng message para
‎kumpirmahin ang attendance ng blue group.

16:38.727 --> 16:40.145
‎Oo nga, 'no.

16:40.645 --> 16:42.731
‎Naka-off ang notifications ko
‎kaya hindi ko narinig.

16:42.814 --> 16:43.815
‎Ako rin.

16:43.898 --> 16:46.401
‎Bakit naman naka-off
‎ang notifications n'yo?

16:46.484 --> 16:48.069
‎-Masyadong marami.
‎-Masyadong marami.

16:48.153 --> 16:50.155
‎BLUE GROUP - WALANG KATAPUSANG REPLY
‎NAKUHA KO - OKAY - SIGE - OO

16:50.238 --> 16:51.239
‎SUMABIT

16:51.322 --> 16:54.284
‎Hoy, Amamiya. Ano'ng ginagawa mo ngayon?

16:54.367 --> 16:57.954
‎At nandito ka na naman.
‎Sa klase ko. Gaya ng dati.

16:58.038 --> 16:59.873
‎Uy, ano'ng meron?

16:59.956 --> 17:01.041
‎'Yong wrap party.

17:02.167 --> 17:03.168
‎Pupunta ka ba?

17:03.251 --> 17:04.461
‎A…

17:04.961 --> 17:07.922
‎Hindi ko alam.
‎May trabaho kasi ako sa Sabado, kaya…

17:08.006 --> 17:09.424
‎Anong oras?

17:09.507 --> 17:11.926
‎Mula 11:00 hanggang 3:00.

17:12.010 --> 17:15.930
‎6:00 pa ang party. May oras ka pa.

17:16.014 --> 17:18.099
‎Hindi ka pupunta, Hikawa?

17:18.183 --> 17:21.478
‎Bakit hindi? Dapat nando'n tayong lahat.

17:21.561 --> 17:23.188
‎Ikaw pa talaga ang nagsasabi niyan.

17:23.271 --> 17:25.482
‎Halika na! Tara na.

17:25.565 --> 17:27.358
‎Hindi rin pupunta si Shimojima?
‎Nalulungkot ako.

17:27.442 --> 17:28.443
‎UM…

17:28.526 --> 17:30.987
‎Taga-Class 2 naman tayong lahat, di ba?

17:31.071 --> 17:32.363
‎TINGINAN

17:32.447 --> 17:33.448
‎TANGO

17:34.449 --> 17:35.950
‎Sige. Pupunta kami.

17:37.786 --> 17:38.995
‎-Paalam.
‎-Paalam.

17:39.079 --> 17:40.288
‎Kita tayo bukas.

17:40.872 --> 17:43.124
‎Nagkaroon sila
‎ng buong pag-uusap nang walang salita.

17:43.208 --> 17:44.209
‎SABADO

17:44.292 --> 17:47.170
‎Nakakatakot talaga ang mga babae
‎kapag ganyan.

17:47.253 --> 17:48.713
‎Ang bilis ng tibok ng puso ko.

17:49.297 --> 17:51.091
‎Pumayag tayong pumunta!

17:51.174 --> 17:52.300
‎Oo nga.

17:52.383 --> 17:57.013
‎Nakikita ko na ang sarili kong nagtatago
‎sa isang sulok at hirap makisabay.

17:57.097 --> 17:58.348
‎Ano'ng gagawin ko?

17:58.431 --> 18:00.183
‎Tabi ka na lang sa 'kin.

18:00.809 --> 18:02.477
‎MGA GAMIT
‎SCAVENGER HUNT

18:02.560 --> 18:06.064
‎Grabe, parang ang bilis lang
‎natapos ng sports festival.

18:06.147 --> 18:07.148
‎Oo nga.

18:07.232 --> 18:10.777
‎Nalulungkot na nga ako kakaisip na
‎di na tayo makakapag-practice ng cheering.

18:10.860 --> 18:13.738
‎-Pero excited ako sa wrap party.
‎-Ako rin.

18:13.822 --> 18:14.906
‎SUPPLIES ROOM

18:16.616 --> 18:20.161
‎Oo, may wrap party, pero dapat
‎lumabas ulit tayong apat minsan.

18:20.245 --> 18:21.788
‎Saan kaya tayo sunod na pupunta?

18:21.871 --> 18:23.414
‎Bumalik kaya tayo sa Uppi
‎para sa round two?

18:24.207 --> 18:27.335
‎Baka may iba silang event
‎depende sa season.

18:27.418 --> 18:28.419
‎UPPI

18:28.503 --> 18:30.421
‎Makikita natin ang Uppi
‎sa lahat ng apat na season.

18:30.505 --> 18:32.799
‎Gusto kong makita 'yon.
‎Magandang ideya 'yan.

18:33.758 --> 18:35.677
‎Pero dahil nabanggit ko na rin,

18:35.760 --> 18:39.055
‎hindi ko nakakalimutan ang pangako
‎nating lumabas na tayong dalawa lang.

18:39.139 --> 18:41.015
‎Wag mo ring kalilimutan 'yon.

18:43.351 --> 18:44.602
‎Hinding-hindi ko–

18:44.686 --> 18:46.062
‎Gawin na lang natin lahat!

18:47.522 --> 18:48.731
‎Miki!

19:02.537 --> 19:03.788
‎Aray…

19:04.289 --> 19:06.207
‎Yota, ayos ka lang ba?

19:07.417 --> 19:10.879
‎Pasensya na! Hindi, ibig kong sabihin–
‎May nahulog kasi.

19:10.962 --> 19:12.463
‎Naiintindihan ko.

19:12.547 --> 19:14.090
‎Salamat, Yota.

19:15.175 --> 19:17.844
‎Natamaan ang noo mo. Ayos ka lang ba?

19:19.679 --> 19:21.556
‎Ayos lang ako.

19:25.101 --> 19:26.811
‎Sandali.

19:26.895 --> 19:29.439
‎Kumikilos ka na parang batang
‎nahihiya sa mga babae.

19:29.522 --> 19:32.483
‎Tigil-tigilan mo nga 'yan. Ako lang 'to.

19:33.484 --> 19:36.696
‎Hindi naman ito tungkol
‎sa pagiging lalaki at babae…

19:39.073 --> 19:42.243
‎Para sa 'kin… Ikaw ay si Miki lang.

19:47.207 --> 19:48.333
<i>‎Ano'ng ibig sabihin no'n?</i>

19:48.833 --> 19:52.754
‎Siyempre ako si Miki!
‎Hindi naman ako ibang tao.

20:11.648 --> 20:14.150
‎Mabuti na lang
‎at magaang bagay lang ang nasa loob.

20:15.193 --> 20:17.820
‎Oo nga. Ayos ka lang ba
‎mula sa pagkakahulog?

20:17.904 --> 20:19.072
‎Ayos ba ang ulo mo? Ang likod mo?

20:19.155 --> 20:20.907
‎Ayos lang ako.

20:20.990 --> 20:23.785
<i>‎Ano'ng nangyari kanina?</i>

20:24.369 --> 20:25.411
<i>‎Parang…</i>

20:30.458 --> 20:31.668
‎Halika rito.

20:36.172 --> 20:38.549
<i>‎Hindi, teka…</i>

20:39.050 --> 20:40.677
<i>‎Hindi maaari, hindi maaari…</i>

20:43.096 --> 20:45.390
<i>‎Pero… Ako?</i>

20:45.890 --> 20:48.101
<i>‎Hindi naman siguro gano'n
‎ang tingin niya sa 'kin, di ba?</i>

20:57.652 --> 20:59.070
‎SWOOSH

20:59.153 --> 21:00.822
‎Kung gano'n…

21:00.905 --> 21:02.615
‎Ayan. Tapos na!

21:03.157 --> 21:05.576
‎Aalis na ako!
‎Ila-lock ko na ang mga pinto!

21:05.660 --> 21:07.662
‎Ako na ang bahala sa mga susi!

21:07.745 --> 21:09.747
‎Ba-bye. Kita tayo!

21:09.831 --> 21:10.832
‎Ang bilis.

21:12.208 --> 21:13.376
‎Miki…

21:17.755 --> 21:22.510
<i>‎Kung gano'n nga ang nararamdaman ni Yota…</i>

21:23.344 --> 21:25.596
<i>‎gaano na kaya katagal niya
‎itong nararamdaman?</i>

21:35.398 --> 21:37.066
‎CLICK CLICK
‎WHOOSH WOOSH

21:37.150 --> 21:39.193
<i>‎Akala ko ba magkaibigan lang kami?</i>

21:41.279 --> 21:42.947
<i>‎Ano'ng gagawin ko?</i>

21:43.031 --> 21:45.325
<i>‎Ganito ba ka one-sided
‎ang pagkakaibigan namin</i>

21:45.408 --> 21:48.119
<i>‎sa buong panahong ito?</i>

21:48.202 --> 21:51.331
<i>‎Kung pagpapanggap lang pala ang lahat…</i>

21:52.665 --> 21:53.666
‎Mahal kita.

21:55.501 --> 21:56.794
‎Oo.

21:56.878 --> 21:58.171
‎Mahal din kita.

22:00.298 --> 22:01.716
<i>‎Ano'ng gagawin ko?</i>

22:03.301 --> 22:05.219
<i>‎Lahat ng alaala namin hanggang ngayon…</i>

22:05.928 --> 22:07.263
<i>‎Lahat ng sinabi niya sa 'kin…</i>

22:09.515 --> 22:11.434
<i>‎Lahat ng kabutihan niya sa 'kin…</i>

22:11.517 --> 22:13.895
<i>‎Binabago nito ang lahat.</i>

23:50.283 --> 23:55.288
‎Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann Malquisto
