﻿1
00:00:15,453 --> 00:00:17,079
A, Minato…

2
00:00:21,417 --> 00:00:23,836
Ano ang tingin mo kay Koyun?

3
00:00:31,010 --> 00:00:32,386
Nakikita ko siya paminsan-minsan.

4
00:00:33,262 --> 00:00:36,807
Napag-alaman kong iba siya
sa ibang mga babae sa school.

5
00:00:38,059 --> 00:00:39,351
Kaya natandaan ko ang mukha niya.

6
00:00:40,728 --> 00:00:41,854
Tapos…

7
00:00:46,776 --> 00:00:48,152
<i>Mag-isa na naman siya.</i>

8
00:00:49,028 --> 00:00:52,031
<i>Lagi ko siyang sinusundan ng tingin
tuwing nagkakasalubong kami.</i>

9
00:00:52,531 --> 00:00:54,033
<i>Lagi kong iniisip…</i>

10
00:00:55,284 --> 00:00:58,204
Siguro naaawa ako sa kanya.

11
00:01:00,289 --> 00:01:01,290
Minato.

12
00:01:02,374 --> 00:01:05,336
Ganyan ka naman palagi. Di ba, Minato?

13
00:01:05,419 --> 00:01:08,172
Lagi kang naaawa sa iba.
"Kaawa-awa ka," o "Mag-isa siya."

14
00:01:08,672 --> 00:01:11,717
Ang self-righteous mo naman.

15
00:01:12,301 --> 00:01:13,344
Self-righteous?

16
00:01:14,553 --> 00:01:15,763
Oo.

17
00:01:16,889 --> 00:01:19,558
<i>Nilalagyan mo sila
ng label na "kaawa-awa"…</i>

18
00:01:20,142 --> 00:01:23,813
<i>Alam mo ba kung gaano 'yon
nagpaparamdam ng lungkot sa isang tao?</i>

19
00:01:24,563 --> 00:01:27,983
Ginagawa mo lang 'yan
para mapansin ka ng iba.

20
00:01:28,067 --> 00:01:29,902
Gusto mong umasa sila sa 'yo.

21
00:01:30,903 --> 00:01:33,697
Wag mong lapitan si Koyun
gamit ang ganyang paraan.

22
00:03:07,583 --> 00:03:12,004
EPISODE 4
IMPENETRABLE

23
00:03:13,005 --> 00:03:16,592
Sino ka para magdesisyon
kung dapat "kaawaan" ang isang tao?

24
00:03:17,593 --> 00:03:21,221
Wag mong ipilit si Koyun
sa kung anong ideya mo lang.

25
00:03:22,848 --> 00:03:24,391
Siguro tama ka.

26
00:03:25,726 --> 00:03:27,227
Pero sa simula lang 'yon.

27
00:03:27,728 --> 00:03:29,146
Si Hikawa,

28
00:03:29,229 --> 00:03:32,399
lagi kong iniisip,
"Kawawa naman siya." Pero…

29
00:03:33,442 --> 00:03:35,486
<i>maling akala lang pala 'yon.</i>

30
00:03:36,487 --> 00:03:37,488
<i>Ngayon…</i>

31
00:03:39,323 --> 00:03:41,617
iba na ang dahilan ko.

32
00:03:41,700 --> 00:03:42,743
Kaya wag kang mag-alala.

33
00:03:44,036 --> 00:03:47,081
Sa tingin ko,
hindi ikaw ang type niya, Minato.

34
00:03:47,164 --> 00:03:48,207
Hindi sa gano'n.

35
00:03:48,290 --> 00:03:51,210
At kahit na gano'n,
puwede mo namang i-sugarcoat nang konti.

36
00:03:51,710 --> 00:03:55,965
Basta! Wag kang lalapit kay Koyun
nang may kakaibang dahilan.

37
00:03:56,048 --> 00:03:58,884
Puwede naman kaming mag-usap, di ba?

38
00:03:59,468 --> 00:04:01,512
Bakit, ikaw ba ang guardian?

39
00:04:02,554 --> 00:04:04,640
Pag hindi dinisiplina,
magiging spoiled ang bata.

40
00:04:06,350 --> 00:04:10,646
Ayoko lang masaktan pa si Koyun.

41
00:04:11,355 --> 00:04:13,899
<i>Hindi ba dapat, "Ayokong masaktan siya?"</i>

42
00:04:15,776 --> 00:04:18,153
Pero teka, ang pangalang "Hikawa"…

43
00:04:18,737 --> 00:04:19,989
Nasa basketball club ba siya?

44
00:04:20,072 --> 00:04:20,906
EEK

45
00:04:21,490 --> 00:04:22,741
Sabi ko na nga ba.

46
00:04:22,825 --> 00:04:25,077
Kaya pala galit na galit ka.

47
00:04:25,160 --> 00:04:26,161
KINAKABAHAN

48
00:04:30,165 --> 00:04:35,087
Kaya ayoko talagang
magkalapit kayo ni Koyun!

49
00:04:35,170 --> 00:04:38,173
Bakit si Yota puwede, pero ako hindi?

50
00:04:38,257 --> 00:04:40,801
Kasi napapansin mo ang mga bagay-bagay!

51
00:04:40,884 --> 00:04:43,095
Ano, wala bang kaalam-alam si Yota?

52
00:04:43,178 --> 00:04:44,263
Hindi naman sa gano'n…

53
00:04:44,346 --> 00:04:45,597
Medyo sobra na 'yon.

54
00:04:45,681 --> 00:04:46,682
Di ko naman sinasadya…

55
00:04:50,602 --> 00:04:51,687
Wow.

56
00:04:51,770 --> 00:04:53,314
Ang laki ng pagkakaiba.

57
00:04:53,397 --> 00:04:55,316
Parang kamay
ng sumo wrestler 'yong sa 'yo.

58
00:04:55,399 --> 00:04:57,318
Anong klaseng pagkukumpara 'yan?

59
00:04:57,401 --> 00:04:58,444
Ang suwerte mo naman…

60
00:04:58,527 --> 00:04:59,695
Suwerte?

61
00:05:00,279 --> 00:05:04,158
Gusto ko dating mahawakan ang bola nang
ganito noong nasa basketball club pa ako.

62
00:05:04,658 --> 00:05:06,702
Pero hindi ko talaga magawa.

63
00:05:06,785 --> 00:05:08,829
E kasi 'yang kamay mo…

64
00:05:11,290 --> 00:05:13,417
Teka, ha? Basketball club?

65
00:05:13,500 --> 00:05:16,754
Nasa basketball club ka?
Bakit hindi mo sinabi?

66
00:05:17,755 --> 00:05:20,382
Hindi naman ako naglalaro tulad mo.

67
00:05:21,091 --> 00:05:23,010
Huminto ako sa kalagitnaan.

68
00:05:33,604 --> 00:05:36,482
Nabanggit mo na nalulungkot ka
kapag kinakaawaan ka ng iba.

69
00:05:37,858 --> 00:05:42,780
Gano'n ba ang naramdaman mo
simula nang lapitan kita?

70
00:05:42,863 --> 00:05:44,156
EEK

71
00:05:44,239 --> 00:05:45,240
KINAKABAHAN

72
00:05:45,324 --> 00:05:46,909
Kasi…

73
00:05:48,660 --> 00:05:49,995
Pasensya na.

74
00:05:50,079 --> 00:05:51,914
Tama ka. Malamang naaawa nga ako sa 'yo.

75
00:05:54,124 --> 00:05:56,001
GARANTISADO ANG MATAAS NA GRADE
CRAM SCHOOL

76
00:06:00,130 --> 00:06:03,592
<i>Nilapitan kita dahil akala ko
nabo-bore ka mag-isa.</i>

77
00:06:04,593 --> 00:06:07,221
Pero ngayong magkaibigan na tayo,

78
00:06:07,304 --> 00:06:09,973
hindi na gano'n ang tingin ko sa 'yo.

79
00:06:10,599 --> 00:06:16,271
Naging magkaibigan tayo, sumali si Yota,
at ang dami nating masasayang sandali,

80
00:06:17,189 --> 00:06:20,192
kaya hindi ko napansin
na ganito pala ang nararamdaman mo.

81
00:06:21,527 --> 00:06:23,445
Pasensya na kung nasaktan kita.

82
00:06:26,490 --> 00:06:27,908
Minato…

83
00:06:31,078 --> 00:06:33,413
Ano ba 'yan? Personal space naman!

84
00:06:33,997 --> 00:06:36,500
Nag-enjoy din ako
habang magkasama tayo, alam mo?

85
00:06:36,583 --> 00:06:38,627
At ang dami mo ring naitulong sa 'kin.

86
00:06:38,710 --> 00:06:40,170
Grabe ka!

87
00:06:40,754 --> 00:06:43,173
Kaya dapat magkaibigan pa rin tayo, okay?

88
00:06:48,011 --> 00:06:49,221
Oo. Magkaibigan.

89
00:06:49,930 --> 00:06:51,306
Madudumihan ang sweater mo…

90
00:06:51,390 --> 00:06:53,559
Okay lang. Hindi naman 'to malinis.

91
00:06:53,642 --> 00:06:55,227
KUSKOS KUSKOS

92
00:06:55,310 --> 00:06:56,311
Ano?

93
00:06:58,313 --> 00:07:00,315
<i>Ngayon naiintindihan ko na.</i>

94
00:07:01,233 --> 00:07:03,694
<i>Siguro ang gusto ko lang</i>

95
00:07:03,777 --> 00:07:07,948
<i>ay maging kaibigan niya
nang pantay ang tingin sa isa't isa.</i>

96
00:07:11,285 --> 00:07:13,078
<i>Grabe, parang bata talaga ako!</i>

97
00:07:15,247 --> 00:07:16,331
Miki?

98
00:07:17,207 --> 00:07:19,668
Sandali! Hintayin mo 'ko!

99
00:07:20,502 --> 00:07:22,963
Lumabas sila para bumili ng inumin, di ba?

100
00:07:23,046 --> 00:07:24,047
NAKAYUKO

101
00:07:24,131 --> 00:07:25,632
Ang tagal naman nila.

102
00:07:25,716 --> 00:07:28,135
Tingin mo kaya
nagtatanim na sila ng cacao beans?

103
00:07:28,218 --> 00:07:29,219
COCOA

104
00:07:29,303 --> 00:07:30,554
Mula sa umpisa?

105
00:07:32,306 --> 00:07:34,725
Pasensya na sa paghihintay.

106
00:07:34,808 --> 00:07:36,268
{\an8}DOUBLE EXTRA RED BEAN SOUP RICH

107
00:07:36,351 --> 00:07:39,688
{\an8}Tingnan niyo 'to. Mga bagong product!
"Double Extra Red Bean Soup Rich!"

108
00:07:39,771 --> 00:07:40,856
{\an8}Puwede nating pagsaluhan!

109
00:07:41,440 --> 00:07:42,858
Mukhang required nga daw.

110
00:07:49,198 --> 00:07:51,867
Parang menu ng ramen!
Siguradong lilinaw ang isip ko dito.

111
00:07:51,950 --> 00:07:53,035
Di ba?

112
00:07:53,118 --> 00:07:55,954
Kailangan natin 'to
para makayanan ang exams.

113
00:07:56,038 --> 00:07:58,749
<i>May nangyari ba kay Miki?</i>

114
00:08:02,586 --> 00:08:05,005
<i>Dapat ko pa bang itanong 'to sa kanya?</i>

115
00:08:07,090 --> 00:08:08,258
Miki…

116
00:08:09,343 --> 00:08:13,764
May nangyari ba sa inyo ni Amamiya
noong bumili kayo ng inumin?

117
00:08:15,682 --> 00:08:17,017
A…

118
00:08:17,100 --> 00:08:18,644
<i>Maraming nangyari.</i>

119
00:08:19,561 --> 00:08:22,689
Napag-usapan namin
no'ng bumili ka ng curry drink.

120
00:08:22,773 --> 00:08:23,899
Bakit?

121
00:08:24,483 --> 00:08:28,320
Sabi niya napabili ka no'n nang hindi
sinasadya, kaya binilhan ka niya ngayon.

122
00:08:28,403 --> 00:08:29,404
{\an8}WALA SIYANG SINABI

123
00:08:29,488 --> 00:08:31,156
{\an8}Ano? Hindi naman niya
kailangang isipin 'yon.

124
00:08:31,240 --> 00:08:34,743
Kita mo? Hindi siya nagsabi
kasi alam niyang makokonsensya ka.

125
00:08:34,826 --> 00:08:35,869
<i>- Bye-bye.
- See you.</i>

126
00:08:35,953 --> 00:08:38,163
Naku! Parang nawawala ang mga inaral ko!

127
00:08:38,247 --> 00:08:40,415
Teka… Notebook… Kailangan kong mag-review…

128
00:08:40,499 --> 00:08:43,085
Sandali! Wag kayong umalis sa utak ko!

129
00:08:43,919 --> 00:08:48,090
<i>Pero kahit gano'n, parang hindi naman
sapat 'yong sinabi niya para umiyak siya?</i>

130
00:08:51,885 --> 00:08:54,012
<i>Tapos na ang cramming para sa exams.</i>

131
00:08:54,096 --> 00:08:55,180
SECOND SEMESTER FINAL EXAMS

132
00:08:55,264 --> 00:08:57,182
FIRST PERIOD: ENGLISH COMMUNICATION I
SECOND PERIOD: PUBLIC STUDIES

133
00:08:57,266 --> 00:08:58,809
<i>Unang araw ng exams.</i>

134
00:09:01,436 --> 00:09:02,437
Simulan na.

135
00:09:08,610 --> 00:09:10,445
<i>Parehong-pareho nga talaga.</i>

136
00:09:10,529 --> 00:09:11,697
<i>Salamat, nakaraang exams.</i>

137
00:09:13,699 --> 00:09:16,451
<i>Ito 'yong natalakay namin
sa seminar ni Yota!</i>

138
00:09:16,535 --> 00:09:18,203
FIRST PERIOD:
ENGLISH COMMUNICATION I

139
00:09:18,287 --> 00:09:19,913
SECOND PERIOD: PUBLIC STUDIES

140
00:09:19,997 --> 00:09:21,957
THIRD PERIOD:
FUNDAMENTALS OF CHEMISTRY

141
00:09:24,293 --> 00:09:26,712
<i>Magandang simula! Yay!</i>

142
00:09:29,047 --> 00:09:30,966
SECOND SEMESTER
FINAL EXAMS - DAY TWO

143
00:09:31,049 --> 00:09:33,969
<i>Nakuha ko! Nakuha ko na ngayon!</i>

144
00:09:43,270 --> 00:09:44,688
Okay. Tapos na ang oras.

145
00:10:05,042 --> 00:10:06,126
<i>Mga Message.</i>

146
00:10:06,209 --> 00:10:07,210
{\an8}SIYAM
DI PA NABABASA: 9

147
00:10:07,294 --> 00:10:08,503
{\an8}<i>Grabe, ang dami…</i>

148
00:10:09,129 --> 00:10:12,591
<i>Koyun! Kain tayo bago umuwi.</i>

149
00:10:12,674 --> 00:10:14,801
<i>Ay, group chat pala 'to.
Sasama ka ba, Yota?</i>

150
00:10:14,885 --> 00:10:16,511
<i>Ay, hindi 'yon pahabol lang.</i>

151
00:10:16,595 --> 00:10:18,055
<i>Sumama ka na please. Hikbi…</i>

152
00:10:18,138 --> 00:10:19,139
{\an8}LOL

153
00:10:19,222 --> 00:10:21,224
{\an8}<i>-Sasama ako.
- Koyun! Tara na!</i>

154
00:10:22,225 --> 00:10:24,227
Nandito ka pala, Koyun!

155
00:10:26,730 --> 00:10:29,775
Mukhang tayo ang unang nagkita.

156
00:10:30,359 --> 00:10:32,319
Sa tingin mo ba,
nasa classroom pa si Miki?

157
00:10:37,032 --> 00:10:38,075
Anong sadya mo, Miki?

158
00:10:38,158 --> 00:10:40,369
Uy, Minato. Nasaan si Yota?

159
00:10:40,452 --> 00:10:41,620
Nasa baba na siya.

160
00:10:41,703 --> 00:10:44,039
Talaga?

161
00:10:44,122 --> 00:10:46,249
- May kailangan ka ba sa kanya?
- Wala naman…

162
00:10:46,333 --> 00:10:49,419
Kakain sana kami ni Koyun kasama siya.

163
00:10:51,254 --> 00:10:53,924
- Ano 'to, Miki?
- Nanginginig ka!

164
00:10:54,007 --> 00:10:56,968
Iiwan mo ba ako sa ere?

165
00:10:57,052 --> 00:10:58,679
Hindi! Hindi, a!

166
00:11:01,264 --> 00:11:03,183
Tinitigan…

167
00:11:03,934 --> 00:11:07,020
Grabe, wala talaga akong maisip.
May lima pa bang pagkakaiba?

168
00:11:07,104 --> 00:11:09,189
- Bilang ng ubas?
- Na-check ko na.

169
00:11:09,272 --> 00:11:10,691
May nakita ako.

170
00:11:10,774 --> 00:11:11,817
Eto pa isa.

171
00:11:12,859 --> 00:11:14,945
Uy, teka! Minato, ang bilis mo naman.

172
00:11:15,028 --> 00:11:17,823
Kailangan natin mahanap lahat,
kundi, walang darating na doria.

173
00:11:17,906 --> 00:11:19,199
Gano'n ba 'yon?

174
00:11:21,326 --> 00:11:24,496
<i>Mukhang okay naman sila.</i>

175
00:11:25,080 --> 00:11:26,456
<i>Buti naman.</i>

176
00:11:27,332 --> 00:11:28,959
<i>Baka nag-o-overthink lang ako.</i>

177
00:11:29,042 --> 00:11:31,962
LUTANG

178
00:11:32,045 --> 00:11:34,089
Nakapunta ka na ba dito, Hikawa?

179
00:11:35,549 --> 00:11:37,551
A, hindi pa. First time ko dito.

180
00:11:38,385 --> 00:11:40,804
Diretso uwi lang kasi ako
pagkatapos ng school.

181
00:11:45,392 --> 00:11:47,727
<i>Tigilan mo 'yang naaawang tingin mo!</i>

182
00:11:47,811 --> 00:11:49,229
HA?

183
00:11:49,813 --> 00:11:50,939
<i>Hindi 'yon.</i>

184
00:11:52,190 --> 00:11:54,359
{\an8}- Salamat sa pagkain.
- Salamat sa pagkain.

185
00:11:54,943 --> 00:11:57,070
<i>Masarap na rin kahit na mura.</i>

186
00:12:00,907 --> 00:12:03,910
Wala kang sinalihang club, 'no, Hikawa?

187
00:12:04,453 --> 00:12:05,704
May part-time job ka ba?

188
00:12:07,330 --> 00:12:10,250
Oo. Pero konti lang ang shift ko.

189
00:12:10,333 --> 00:12:11,626
Saan ka nagtatrabaho?

190
00:12:11,710 --> 00:12:12,711
MGA REGULAR CUSTOMER

191
00:12:12,794 --> 00:12:14,004
Sa isang local restaurant.

192
00:12:14,087 --> 00:12:17,132
Mga matatanda lang ang pumupunta.
Chill lang ang atmosphere.

193
00:12:17,215 --> 00:12:19,384
Ano'ng ginagawa mo kapag day off mo?

194
00:12:19,468 --> 00:12:21,595
Hoy, Minato…

195
00:12:22,929 --> 00:12:24,514
Ano nga ba ang ginagawa ko?

196
00:12:25,557 --> 00:12:27,017
<i>Nagbabasa ako…</i>

197
00:12:30,270 --> 00:12:31,980
Ano 'to? Parang ang corny.

198
00:12:32,939 --> 00:12:34,191
<i>Nanonood ako ng pelikula…</i>

199
00:12:34,691 --> 00:12:36,485
Gusto mo 'yang mga ganyan?

200
00:12:36,985 --> 00:12:38,862
<i>Nag-aaral ako…</i>

201
00:12:38,945 --> 00:12:40,113
<i>Ang nerd mo naman!</i>

202
00:12:42,240 --> 00:12:43,700
Wala naman akong ginagawa.

203
00:12:44,826 --> 00:12:47,204
Parang wala lang talaga akong
ginagawa madalas.

204
00:12:47,704 --> 00:12:50,874
A, gano'n ba? Sayang naman.

205
00:12:50,957 --> 00:12:51,958
{\an8}TUMITIG NANG MASAMA

206
00:12:52,042 --> 00:12:55,170
Sobrang busy si Koyun
kasi palagi niya 'kong kasama!

207
00:12:55,253 --> 00:12:56,505
Gano'n ba?

208
00:13:01,801 --> 00:13:04,137
- Hiwa-hiwalay ba kayo ng bayad?
- Opo.

209
00:13:04,721 --> 00:13:06,848
Uy, Minato. Ano bang iniisip mo?

210
00:13:06,932 --> 00:13:09,893
{\an8}Bakit ang kulit mo?
Sinabi ko naman na, di ba?

211
00:13:09,976 --> 00:13:12,103
{\an8}Oo, pero…

212
00:13:12,187 --> 00:13:14,773
{\an8}<i>Hindi ba ang boring
kung tayo lang ang nag-uusap?</i>

213
00:13:14,856 --> 00:13:15,857
{\an8}KUSKOS KUSKOS

214
00:13:17,108 --> 00:13:18,860
- Tama ka!
- Kita mo?

215
00:13:22,864 --> 00:13:26,368
<i>Medyo napapagod ako sa dami ng tanong.</i>

216
00:13:28,954 --> 00:13:30,413
Busog na busog ako!

217
00:13:30,497 --> 00:13:34,334
<i>Iba na ang mga kasama ko ngayon,
at ibang-iba na ang sitwasyon,</i>

218
00:13:34,960 --> 00:13:37,879
<i>pero hindi pa rin ako magaling
magkuwento tungkol sa sarili ko.</i>

219
00:13:39,381 --> 00:13:40,882
<i>Hindi naman sa ayoko.</i>

220
00:13:41,550 --> 00:13:44,511
<i>Natatakot lang ako na makita nila
kung sino talaga ako.</i>

221
00:13:45,220 --> 00:13:47,347
<i>Ayokong ma-reject.</i>

222
00:13:47,847 --> 00:13:50,976
<i>Ayokong lalo pang kamuhian ang sarili ko.</i>

223
00:13:52,352 --> 00:13:55,397
<i>Kaya kapag may lumalapit,
iniiwasan ko sila.</i>

224
00:13:56,106 --> 00:13:57,941
Ang weird mo.

225
00:14:00,151 --> 00:14:01,778
<i>Ano ba talaga ang "normal"?</i>

226
00:14:05,490 --> 00:14:07,659
{\an8}FINISH! SECOND SEMESTER
FINAL EXAMS DAY 3

227
00:14:07,742 --> 00:14:10,662
{\an8}- Good job sa exams!
- Yay!

228
00:14:10,745 --> 00:14:12,664
{\an8}EXAM AFTER-PARTY
NG GRADE 1 CLASS 5

229
00:14:12,747 --> 00:14:14,874
Gusto mo? Strawberry flavor 'to.

230
00:14:14,958 --> 00:14:16,084
Salamat!

231
00:14:17,752 --> 00:14:20,964
Nagniningning na naman si Azumi.

232
00:14:23,508 --> 00:14:24,926
KALABOG

233
00:14:25,010 --> 00:14:26,761
<i>Ang sama ng pakiramdam ko…</i>

234
00:14:27,262 --> 00:14:30,348
<i>Naitawid ko naman ang exams,</i>

235
00:14:30,432 --> 00:14:33,184
<i>pero parang bumabaligtad ang sikmura ko.</i>

236
00:14:33,268 --> 00:14:35,186
NURSE'S OFFICE

237
00:14:35,770 --> 00:14:37,314
Noriko…

238
00:14:37,397 --> 00:14:38,815
Tulungan mo 'ko…

239
00:14:38,899 --> 00:14:41,318
Nandito ka na naman para magpahinga lang.

240
00:14:41,401 --> 00:14:43,904
Hindi mo 'to personal na pahingahan.

241
00:14:43,987 --> 00:14:46,489
Hindi… may sakit talaga ako ngayon…

242
00:14:46,990 --> 00:14:48,325
Ay, naku.

243
00:14:53,496 --> 00:14:54,664
Masakit ang tiyan ko.

244
00:14:55,665 --> 00:14:57,125
Naku. Stress ba 'yan?

245
00:14:57,208 --> 00:14:59,252
O may nakain kang hindi maganda?

246
00:14:59,336 --> 00:15:01,796
Wala pa akong kinakain ngayon.

247
00:15:02,422 --> 00:15:04,382
Pero nakatatlong kape ako.

248
00:15:04,925 --> 00:15:06,468
Ay, kaya pala.

249
00:15:06,551 --> 00:15:08,720
Dito ka muna
hanggang gumaan ang pakiramdam mo.

250
00:15:09,304 --> 00:15:11,806
Ayokong nakahiga ng naka-uniform.

251
00:15:11,890 --> 00:15:13,725
Wala kang choice.

252
00:15:19,105 --> 00:15:21,274
Uy, may mga kaklase ka ba dito
noong middle school?

253
00:15:21,358 --> 00:15:23,860
Oo, may isa. Super nerd niya.

254
00:15:23,944 --> 00:15:24,945
MEITEN HIGH SCHOOL

255
00:15:25,028 --> 00:15:27,197
Dapat matalino ka
para makapasok sa Meiten.

256
00:15:28,448 --> 00:15:30,617
Ikaw, Igarashi? May kakilala ka bang
galing sa middle school?

257
00:15:33,203 --> 00:15:34,579
Hindi ko alam.

258
00:15:34,663 --> 00:15:36,957
Sa tingin ko wala.
Sino ba ang pupunta dito…

259
00:15:37,958 --> 00:15:40,710
Ang dami pa nating natirang snacks.

260
00:15:40,794 --> 00:15:42,087
Sobra ba ang nabili natin?

261
00:15:42,170 --> 00:15:43,463
Oo, sobra nga.

262
00:15:43,546 --> 00:15:45,006
Uy, tingnan n'yo.
Mga estudyante galing West High.

263
00:15:48,218 --> 00:15:49,344
Igarashi?

264
00:15:52,889 --> 00:15:54,099
- Ano?
- Ano?

265
00:15:58,853 --> 00:16:00,146
Ano?

266
00:16:00,230 --> 00:16:01,439
Sorry, guys!

267
00:16:01,523 --> 00:16:04,359
Mauna na kayo.
May nakita akong dating kaklase.

268
00:16:04,442 --> 00:16:05,485
Sige.

269
00:16:05,986 --> 00:16:06,987
Bye-bye!

270
00:16:07,737 --> 00:16:09,239
Ano'ng ginagawa mo rito?

271
00:16:11,658 --> 00:16:14,452
Azumi. Ikaw…

272
00:16:16,705 --> 00:16:19,416
Grabe, sobrang nagbago ka na.

273
00:16:19,499 --> 00:16:20,709
Nasaan na 'yong gorilla?

274
00:16:22,043 --> 00:16:23,545
Tumahimik ka nga!

275
00:16:26,339 --> 00:16:27,424
Halika rito.

276
00:16:28,633 --> 00:16:30,677
Bakit ka nandito?

277
00:16:31,386 --> 00:16:33,304
Para sa club. Club activities.

278
00:16:33,388 --> 00:16:35,724
May joint practice kami.

279
00:16:37,392 --> 00:16:40,103
At saka, hindi ko alam
na nakapasok ka pala sa Meiten.

280
00:16:40,603 --> 00:16:43,898
Siguro ikaw lang ang bumibiyahe
nang ganito kalayo araw-araw.

281
00:16:44,399 --> 00:16:45,692
Bakit mo pa ginagawa 'yon?

282
00:16:46,276 --> 00:16:49,320
<i>Hindi ba niya alam
na dito rin nag-aaral si Koyun?</i>

283
00:16:51,406 --> 00:16:54,325
Uy, Igarashi! Ano na?

284
00:16:56,786 --> 00:16:58,705
- Sorry.
- Sige, mauna na ako.

285
00:17:02,167 --> 00:17:04,586
Sino 'yon? Ang ganda niya.

286
00:17:04,669 --> 00:17:06,337
Bulag ka ba?

287
00:17:06,421 --> 00:17:07,422
Ano?

288
00:17:08,131 --> 00:17:11,718
<i>Koyun… Sana, sana umuwi ka na…</i>

289
00:17:17,057 --> 00:17:18,183
<i>Ang dilim!</i>

290
00:17:19,059 --> 00:17:20,060
<i>Anong oras na ba?</i>

291
00:17:21,561 --> 00:17:23,313
<i>Dahil ba nakasara ang kurtina?</i>

292
00:17:23,813 --> 00:17:25,231
<i>Salamat, Noriko.</i>

293
00:17:25,815 --> 00:17:29,944
<i>Maliwanag pa sa labas, kaya
hindi pa ako gano'n katagal nakatulog…</i>

294
00:17:35,575 --> 00:17:36,826
<i>Igarashi!</i>

295
00:17:38,161 --> 00:17:39,496
<i>Tama. Ngayon pala 'yon.</i>

296
00:17:40,080 --> 00:17:43,666
Pupunta siya sa school natin, pero
baka hindi kayo magkakakilala no'n.

297
00:17:43,750 --> 00:17:44,793
Kailan?

298
00:17:44,876 --> 00:17:47,670
Sa hapon ng huling araw ng exams,
may club activities kami.

299
00:17:48,588 --> 00:17:50,090
<i>Sabi ko na nga ba…</i>

300
00:17:51,257 --> 00:17:52,425
Uy, siya nga pala…

301
00:17:52,509 --> 00:17:55,011
Nakita ko si Azumi kanina.

302
00:17:55,095 --> 00:17:57,430
Kilala mo ba siya? Kaklase mo ba siya?

303
00:17:57,514 --> 00:18:00,391
Si Miki? Magkaiba kami ng klase,
pero magkaibigan kami.

304
00:18:01,017 --> 00:18:04,604
Nanggugulo rin ba siya dito?
Wala namang nabasag na bintana?

305
00:18:05,855 --> 00:18:07,190
Maayos naman siya.

306
00:18:07,816 --> 00:18:09,818
Nakita ko si Azumi kanina.

307
00:18:10,568 --> 00:18:12,445
<i>Si Miki ang pinag-uusapan nila.</i>

308
00:18:13,029 --> 00:18:14,030
<i>Bakit?</i>

309
00:18:15,323 --> 00:18:17,200
<i>Hindi 'to maganda. Hindi ko marinig.</i>

310
00:18:19,035 --> 00:18:21,204
Hikawa? Ano'ng ginagawa mo?

311
00:18:24,332 --> 00:18:26,084
Okay na ba ang pakiramdam mo?

312
00:18:26,167 --> 00:18:27,377
Oo.

313
00:18:27,460 --> 00:18:28,670
Uuwi ka na?

314
00:18:28,753 --> 00:18:29,963
Oo.

315
00:18:32,549 --> 00:18:34,926
<i>Kailangan kong umalis agad
para di niya ako mapansin.</i>

316
00:18:38,304 --> 00:18:41,891
<i>Hindi ko masyadong narinig,
pero si Miki ang pinag-uusapan nila.</i>

317
00:18:41,975 --> 00:18:44,269
<i>Hindi naman nila ako pag-uusapan, 'no?</i>

318
00:18:47,647 --> 00:18:51,818
<i>Hindi naman babanggitin
ni Amamiya ang pangalan ko… Di ba?</i>

319
00:18:52,819 --> 00:18:54,529
Kilala mo ba si Igarashi?

320
00:18:54,612 --> 00:18:55,822
{\an8}Saan ka nagtatrabaho?

321
00:18:55,905 --> 00:18:57,615
{\an8}Ano ang ginagawa mo kapag day off mo?

322
00:18:57,699 --> 00:18:58,700
OBSESSED SA IBA

323
00:18:58,783 --> 00:19:00,243
<i>Sa tingin ko, oo.</i>

324
00:19:02,328 --> 00:19:03,496
<i>Ayoko nito.</i>

325
00:19:04,747 --> 00:19:07,167
<i>Ayokong pag-interesan ako ng iba.</i>

326
00:19:12,839 --> 00:19:16,259
<i>Ayokong malaman nila kung sino talaga ako.</i>

327
00:19:18,928 --> 00:19:20,388
Uy. Igarashi?

328
00:19:20,471 --> 00:19:22,640
Naaalala mo si Hikawa?

329
00:19:29,480 --> 00:19:30,857
Magandang umaga.

330
00:19:36,905 --> 00:19:38,031
Uy, Hikawa.

331
00:19:39,490 --> 00:19:40,575
Magandang umaga!

332
00:19:40,658 --> 00:19:41,659
MAINIT AT KOMPORTABLE

333
00:19:42,911 --> 00:19:45,163
<i>Mukhang mainit at komportable siya,
ewan ko kung bakit.</i>

334
00:19:45,788 --> 00:19:48,166
Amamiya… Tumakbo ka ba papunta dito?

335
00:19:48,833 --> 00:19:50,877
Katatapos lang ng morning practice namin.

336
00:19:50,960 --> 00:19:52,670
Siguro nag-i-steam pa ako sa lamig.

337
00:19:52,754 --> 00:19:54,589
<i>Morning practice…</i>

338
00:19:54,672 --> 00:19:56,424
<i>Naaalala ko 'yong mga araw na 'yon…</i>

339
00:19:57,967 --> 00:20:00,053
Nga pala, nandito si Igarashi kahapon.

340
00:20:02,555 --> 00:20:05,808
Pero hindi ka naman
interesado sa kanya, di ba?

341
00:20:06,601 --> 00:20:08,728
I mean, hindi naman kayo
gano'n ka-close, di ba?

342
00:20:11,940 --> 00:20:13,399
<i>Bakit siya ganito?</i>

343
00:20:13,900 --> 00:20:17,403
Sikat ba si Igarashi noong middle school?

344
00:20:18,279 --> 00:20:20,823
Oo… sikat nga siguro siya…

345
00:20:21,491 --> 00:20:24,118
<i>Lagi siyang napapansin ng lahat.</i>

346
00:20:24,202 --> 00:20:26,329
<i>Palagi siyang napapalibutan ng tao.</i>

347
00:20:26,913 --> 00:20:29,457
Talaga? Gano'n din ang kutob ko.

348
00:20:30,041 --> 00:20:35,546
<i>Siya 'yong tipong pumapasok sa buhay mo
nang hindi iniisip ang nararamdaman mo.</i>

349
00:20:37,215 --> 00:20:38,216
Pasensya na.

350
00:20:38,800 --> 00:20:40,718
Siguro wag na muna nating
pag-usapan ang middle school.

351
00:20:44,305 --> 00:20:48,226
Marami pa tayong bagong alaala
na puwedeng buuin dito sa high school.

352
00:20:48,309 --> 00:20:51,521
Ang daming bagong mangyayari,
kaya doon na lang tayo mag-focus, di ba?

353
00:20:53,815 --> 00:20:57,735
<i>Hindi ko pa nasabi kay Amamiya
ang tungkol sa middle school ko.</i>

354
00:20:58,569 --> 00:21:00,571
<i>Kaya bakit niya binanggit ngayon?</i>

355
00:21:02,907 --> 00:21:05,785
<i>May sinabi ba si Igarashi sa kanya?</i>

356
00:21:06,828 --> 00:21:08,997
<i>Ano ang sinabi niya?</i>

357
00:21:09,580 --> 00:21:13,126
Uy, kayo ba ni Igarashi?

358
00:21:13,209 --> 00:21:15,920
Uy, anong level na kayo?

359
00:21:16,713 --> 00:21:17,922
GIRLS BASKETBALL CLUB

360
00:21:18,006 --> 00:21:20,133
Ang landi niya, 'no?

361
00:21:20,216 --> 00:21:21,342
Naiinis ako sa kanya.

362
00:21:22,510 --> 00:21:24,012
- Narinig n'yo ba?
- Tungkol kay Igarashi…

363
00:21:24,095 --> 00:21:26,180
- Sa bahay niya…
- Ha? Talaga?

364
00:21:26,264 --> 00:21:28,891
- Totoo pala 'yon?
- Hindi nga!

365
00:21:29,475 --> 00:21:32,061
<i>Bakit ba ang hilig ng mga tao sa tsismis?</i>

366
00:21:32,770 --> 00:21:34,731
<i>Di ba puwedeng hayaan na lang nila ako?</i>

367
00:21:34,814 --> 00:21:36,274
<i>Uy, Koyuki.</i>

368
00:21:37,692 --> 00:21:40,236
<i>Masaya ba talagang pakialaman ang iba?</i>

369
00:21:40,820 --> 00:21:42,947
<i>Sabihin mo na kasi ang totoo.</i>

370
00:21:43,614 --> 00:21:45,408
<i>Wala naman kayong pakialam sa totoo.</i>

371
00:21:45,491 --> 00:21:47,910
<i>Gusto n'yo lang 'yong nakakaaliw.</i>

372
00:21:52,999 --> 00:21:54,250
<i>Ayoko na…</i>

373
00:21:56,753 --> 00:21:58,504
<i>Ayoko nang magpapapasok ng ibang tao…</i>

374
00:21:59,797 --> 00:22:00,798
Bakit?

375
00:22:02,133 --> 00:22:03,634
MAINIT AT KOMPORTABLE

376
00:22:03,718 --> 00:22:05,386
Ang sarap ng malamig na hangin.

377
00:22:07,055 --> 00:22:08,056
Koyun–

378
00:22:08,139 --> 00:22:10,516
Bakit ba kailangan mong manghimasok
sa buhay ng iba?

379
00:22:14,979 --> 00:22:16,564
Hindi ko maintindihan…

380
00:22:19,859 --> 00:22:21,027
Naiinis ako sa 'yo.

381
00:23:50,366 --> 00:23:55,371
Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann Malquisto

