WEBVTT

00:19.790 --> 00:24.295
<i>Hanggang ngayon, akala ko ako 'yong tipong
nakakasundo ang lahat.</i>

00:24.962 --> 00:25.963
<i>Minato.</i>

00:26.046 --> 00:27.381
<i>Pero…</i>

00:27.465 --> 00:28.716
Uy, Hikawa.

00:29.842 --> 00:33.220
<i>Laging medyo awkward
ang usapan namin.</i>

00:33.304 --> 00:35.556
Katatapos lang namin ng morning practice.

00:36.265 --> 00:38.267
<i>Ano nga bang puwedeng pag-usapan?</i>

00:38.809 --> 00:40.978
Nga pala, nandito si Igarashi kahapon.

00:41.062 --> 00:42.063
CRACK

00:42.146 --> 00:44.982
<i>Grabe, ang mukhang 'yan.
Parang nakatapak yata ako ng land mine.</i>

00:45.066 --> 00:46.442
WALA KAMING KAHIT ANONG KONEKSYON

00:46.525 --> 00:49.487
<i>Tama, mukhang hindi naman sila gano’n
ka-close at medyo intense si Igarashi.</i>

00:49.570 --> 00:51.655
DI KO INASAHANG DITO MAG-AARAL
'YONG GORILLA NA ‘YON - PALAMURA?

00:51.739 --> 00:54.909
<i>Baka hindi niya ka-vibe si Igarashi…
Nagkamali ako.</i>

00:55.493 --> 00:59.663
<i>O baka middle school ang topic
na dapat kong iwasan.</i>

00:59.747 --> 01:00.915
<i>Dapat mas naging maingat ako.</i>

01:02.083 --> 01:03.167
Pasensya na.

01:03.751 --> 01:06.504
Siguro wag na muna nating
pag-usapan ang middle school.

01:07.505 --> 01:09.048
<i>Hindi, ang awkward no'n.</i>

01:09.131 --> 01:11.967
<i>Hindi ito umaayon sa inaasahan ko.</i>

01:12.051 --> 01:13.511
<i>Wala kaming patutunguhan.</i>

01:14.011 --> 01:17.139
<i>Parang habang nagsasalita ako,
lalo lang akong lumulubog…</i>

01:17.890 --> 01:19.141
<i>Ha?</i>

01:19.225 --> 01:21.435
<i>Ganito na ba talaga ako noon pa?</i>

01:26.524 --> 01:27.525
MAINIT AT KOMPORTABLE

01:27.608 --> 01:29.276
Ang sarap ng malamig na hangin.

01:30.861 --> 01:31.862
Koyun–

01:31.946 --> 01:34.532
Bakit ba kailangan mong mangialam
sa buhay ng iba?

01:37.243 --> 01:38.702
Hindi ko maintindihan…

01:39.578 --> 01:41.497
<i>Parang may narinig ako…</i>

01:41.997 --> 01:43.040
Naiinis ako sa 'yo.

01:44.708 --> 01:46.418
<i>…na parang ikinandado
ang puso niya laban sa 'kin.</i>

01:50.714 --> 01:53.134
Minato, ano bang…

01:53.217 --> 01:54.468
Teka, ano'ng nangyari?

01:54.552 --> 01:56.470
Yota, sa tingin ko…

01:56.554 --> 01:59.223
Wag kang lumapit kay Koyun
nang may kakaibang dahilan.

02:00.349 --> 02:02.226
…baka patayin ako ni Miki.

02:04.395 --> 02:05.396
Ano?

03:36.528 --> 03:40.950
EPISODE 5
PAGBABAGO

03:41.033 --> 03:43.452
NURSE'S OFFICE

03:43.535 --> 03:44.870
LUGMOK

03:44.954 --> 03:45.955
Naku po.

03:46.038 --> 03:47.456
KOYUKI SA NURSE'S OFFICE

03:47.539 --> 03:50.084
Ayan ka na naman, tinapay na matamis
ang tinuturing mong pagkain…

03:50.167 --> 03:54.421
Noriko, paano ba hindi magalit?

03:54.505 --> 03:57.675
- Teka, kahit ikaw nagagalit din?
<i>- Mainit… Malamig…</i>

03:57.758 --> 03:59.051
Oo.

03:59.134 --> 04:00.511
Nag-away ba kayo?

04:02.554 --> 04:06.475
Well, lahat naman nagagalit minsan.

04:06.558 --> 04:09.311
Di mo kailangang solohin lahat.

04:10.896 --> 04:14.566
Mas madali siguro kung kaya kong
maglabas ng galit at ilabas na lang lahat,

04:15.067 --> 04:17.736
pero hindi ako gano'n.

04:18.570 --> 04:20.823
Alam ko naman 'yon sa sarili ko, pero…

04:21.865 --> 04:24.660
Sa totoo lang, nagsisisi pa nga ako
na may sinabi ako.

04:24.743 --> 04:25.744
NAIINIS AKO SA SARILI KO

04:25.828 --> 04:27.329
<i>Ang hirap niyang intindihin.</i>

04:27.830 --> 04:30.332
Di ko man alam ang nangyari,

04:30.416 --> 04:33.252
pero mahalagang nasasabi mo
ang nararamdaman mo.

04:33.335 --> 04:36.005
Kailangan mong magsalita
kapag may ayaw ka.

04:36.088 --> 04:37.381
<i>Magsalita?</i>

04:37.965 --> 04:38.799
<i>Hindi.</i>

04:39.717 --> 04:43.262
<i>Noong sandaling 'yon,
nawalan ako ng kontrol…</i>

04:43.345 --> 04:44.596
Naiinis ako sa 'yo.

04:45.597 --> 04:47.099
<i>…at gusto ko talaga siyang saktan.</i>

04:48.100 --> 04:52.354
<i>Hindi lang 'yon, sinugod ko siya
nang hindi ko man lang pinapakinggan.</i>

04:53.355 --> 04:55.274
<i>Paulit-ulit sa isip ko</i>

04:55.357 --> 04:58.777
<i>ang pagkainis at pagsisisi sa ginawa ko.</i>

05:00.863 --> 05:01.864
YUM-MELON

05:01.947 --> 05:02.948
Gusto ko lang ng kapayapaan.

05:03.032 --> 05:04.033
BUNTONG-HININGA

05:04.116 --> 05:06.035
Ano ba'ng sinasabi mo?
Teenager ka pa lang.

05:07.995 --> 05:09.038
Nandiyan ka pala.

05:10.831 --> 05:14.043
Koyun! Dito na rin ako kakain.

05:14.126 --> 05:17.338
Naku, kailan pa naging café
ang opisina ko?

05:17.421 --> 05:18.714
Gusto mo, Koyun?

05:18.797 --> 05:20.674
- Hindi na, salamat…
- Hay naku.

05:21.216 --> 05:22.801
Ano'ng sadya mo rito?

05:22.885 --> 05:26.555
Kasi ngayong umaga,

05:26.638 --> 05:30.476
narinig ko ang usapan n'yong dalawa
malapit sa entrance.

05:38.150 --> 05:39.610
NANDITO AKO
KAILANGAN KO ANG PANGALAN AT KLASE MO

05:39.693 --> 05:41.612
Linisin n'yo ang kalat n'yo
bago kayo umalis.

05:41.695 --> 05:42.821
- Sige po.
- Okay.

05:42.905 --> 05:45.574
NAG-IINSPEKSYON -
PUMUNTA SA TEACHER'S ROOM

05:46.200 --> 05:47.201
Uy, Koyun.

05:47.743 --> 05:52.206
Si Minato, hindi marunong
sa personal space, makulit, mayabang,

05:52.289 --> 05:53.916
- at nakakagulat na isip-bata.
- Uy…

05:53.999 --> 05:56.168
Akala niya umiikot sa kanya ang mundo,

05:56.251 --> 05:58.170
pero hindi siya masamang tao.

06:00.672 --> 06:02.966
At may aaminin din ako.

06:03.550 --> 06:06.845
Kilalang-kilala ka na namin ni Minato
mula pa noong middle school.

06:07.596 --> 06:08.597
Ano?

06:09.181 --> 06:11.600
<i>Pero hindi namin alam
ang pangalan mo noon.</i>

06:11.683 --> 06:15.521
<i>Naalala ko lang nang sabihin mong
nasa basketball club ka.</i>

06:16.522 --> 06:18.982
Basketball club? Paano…

06:20.859 --> 06:25.197
Kinuwento ni Miki sa 'min
na bina-bully ka noon.

06:28.700 --> 06:30.452
Morning, Koyun.

06:30.536 --> 06:33.789
Ngayon lang ako nakarating nang maaga…

06:35.958 --> 06:39.128
Ano… ba 'to?

06:39.211 --> 06:40.337
Kalimutan mong may nakita ka.

06:40.420 --> 06:42.506
Ano'ng ibig mong sabihin na
"Kalimutan mo"?

06:43.006 --> 06:44.299
Mula kailan pa?

06:44.383 --> 06:46.802
Magandang tanong. Simula't sapul?

06:49.179 --> 06:51.306
Di na ako makapaghintay
na matapos na 'to.

06:52.808 --> 06:55.602
Sinabi pala sa inyo ni Miki…

06:55.686 --> 06:58.021
Pakiusap, wag kang magalit sa kanya.

06:58.105 --> 07:01.400
Sobrang nag-alala siya para sa 'yo noon.

07:01.483 --> 07:02.985
Oo, naiintindihan ko.

07:03.068 --> 07:07.865
<i>Sinabi sa 'min ni Miki na di niya napansin
na nahihirapan pala ang kaibigan niya.</i>

07:07.948 --> 07:10.784
<i>Na wala siyang naitulong sa kaibigan niya.</i>

07:11.285 --> 07:14.329
Paulit-ulit kong naiisip,
"Bakit di niya sinabi sa 'kin?

07:14.830 --> 07:17.458
Hindi ba ako mapagkakatiwalaan?"

07:18.250 --> 07:20.127
Medyo nalulungkot ako dahil doon.

07:20.836 --> 07:23.172
Hindi dahil hindi ka mapagkakatiwalaan.

07:23.255 --> 07:26.467
Baka ayaw ka lang talaga
ng kaibigan mo na mag-alala ka.

07:27.468 --> 07:29.386
Sa tingin mo?

07:29.470 --> 07:30.471
HIKBI

07:30.554 --> 07:32.556
Pero sana naging open siya sa 'kin!

07:32.639 --> 07:33.640
Miki!

07:34.266 --> 07:35.434
Kaya…

07:35.517 --> 07:37.644
Gano'n pala ang naramdaman niya…

07:38.604 --> 07:40.647
<i>Hindi ako nagsabi kay Miki kasi…</i>

07:40.731 --> 07:42.441
Go, Miki!

07:43.734 --> 07:45.068
Ayos!

07:45.152 --> 07:46.195
Gimme five!

07:46.278 --> 07:48.780
<i>…Sineseryoso ni Miki ang club activities,</i>

07:49.281 --> 07:52.075
<i>samantalang ako,
uma-attend lang ng practice</i>

07:52.159 --> 07:56.163
<i>dahil natatakot akong mag-quit.
Pakiramdam ko noon, sobrang magkaiba kami.</i>

07:56.997 --> 08:02.002
<i>Hindi 'yon tungkol sa tiwala o
sa dahil di siya maaasahan.</i>

08:04.463 --> 08:09.551
Siguro napagdugtong-dugtong ni Minato
noong nakita niya kayong dalawa.

08:09.635 --> 08:12.638
Na ikaw 'yong babaeng nasa basketball club
na nabanggit dati ni Miki.

08:13.138 --> 08:16.892
Kaya siguro nag-alala
si Minato para sa 'yo.

08:17.893 --> 08:18.936
<i>Kaya pala.</i>

08:20.479 --> 08:21.605
Pasensya na.

08:21.688 --> 08:23.941
Siguro wag na muna nating pag-usapan
ang middle school.

08:24.525 --> 08:26.944
<i>Kaya pala sinabi 'yon ni Amamiya…</i>

08:27.903 --> 08:31.031
<i>Sobrang mali pala
ang pagkakaintindi ko sa kanya, at ako…</i>

08:31.114 --> 08:32.449
PARANOID - CONSCIOUS SA SARILI

08:34.326 --> 08:35.327
Nakakahiya!

08:35.410 --> 08:36.411
Koyun?

08:37.204 --> 08:40.082
Hindi, kailangan kong taos-pusong
humingi ng tawad sa kanya.

08:40.582 --> 08:43.168
Taos-pusong humingi ng tawad?
Medyo mabigat naman 'yon.

08:43.252 --> 08:45.212
Gusto mo, ako na ang magsabi sa kanya?

08:45.295 --> 08:47.881
Hindi. Kailangan ako mismo
ang humingi ng tawad.

08:47.965 --> 08:49.216
Humingi ng tawad?

08:49.841 --> 08:52.719
Mukhang hindi naman siya
gaanong naapektuhan.

08:53.303 --> 08:55.722
Wag mo nang isipin.
At saka, si Minato lang naman 'yon.

08:56.848 --> 08:58.433
Uy, Amamiya!

09:00.561 --> 09:02.437
Sorry. Dito.

09:04.314 --> 09:06.233
Hello?

09:07.693 --> 09:11.488
Ano? Galit ka ba, Amamiya?

09:12.072 --> 09:14.157
Sorry, lutang lang ako.

09:14.241 --> 09:15.242
Ano?

09:15.325 --> 09:17.327
Ginulat mo 'ko.

09:17.411 --> 09:19.663
Akala ko tuloy galit ka.

09:19.746 --> 09:23.584
Tanga. Mukha lang talagang
laging suplado si Minato.

09:25.586 --> 09:28.505
Bakit ba kailangan mong mangialam
sa buhay ng iba?

09:28.589 --> 09:33.552
<i>Sinabi ba niya 'yon
dahil kausap ko si Igarashi?</i>

09:34.052 --> 09:36.763
<i>Pero gano’n ba talaga ka-big deal 'yon?</i>

09:37.764 --> 09:41.852
<i>Sabi nila, "Wag mong gawin sa iba
ang ayaw mong gawin nila sa 'yo."</i>

09:42.352 --> 09:44.521
<i>Pero hindi ibig sabihin na
okay na ang kabaligtaran nito, di ba?</i>

09:45.314 --> 09:46.607
<i>Hindi ko maintindihan.</i>

09:47.107 --> 09:48.525
<i>O baka…</i>

09:48.609 --> 09:50.902
<i>sobrang magkaiba lang kami.</i>

09:50.986 --> 09:53.572
<i>Magkaibang-magkaiba ang values namin
at pananaw sa buhay.</i>

09:54.364 --> 09:56.533
<i>Ang tama para sa 'kin…</i>

09:57.868 --> 10:00.329
<i>at ang tama para sa kanya
ay sobrang magkaiba.</i>

10:01.121 --> 10:04.541
<i>Kaya kahit ano pa ang gawin ko para sa
kanya, ikagagalit lang niya.</i>

10:07.127 --> 10:11.298
<i>Kaya pag sinusubukan kong tumulong,
nagmumukha akong self-righteous?</i>

10:11.381 --> 10:13.050
Gano'n ba, Miki?

10:14.509 --> 10:17.554
<i>Kung usapang self-righteous din lang,
gano'n din naman siya.</i>

10:17.638 --> 10:21.808
<i>Naglalagay siya ng hangganan sa pagitan ng
mga taong gusto at ayaw niya.</i>

10:21.892 --> 10:24.478
<i>Tinatanggap niya sina Yota at Miki.</i>

10:24.561 --> 10:27.064
<i>Samantalang ako, hindi.</i>

10:28.565 --> 10:29.566
NABUBUWISIT

10:29.650 --> 10:32.569
<i>Naiinis na tuloy ako.</i>

10:32.653 --> 10:34.363
BOINK
WHOA - BAM

10:34.446 --> 10:35.947
Ano'ng problema?

10:36.531 --> 10:39.451
<i>Sige. Hindi ko na siya guguluhin.</i>

10:39.534 --> 10:42.621
<i>Wala namang pakinabang sa amin pareho,
at hindi na rin dapat pinoproblema pa.</i>

10:42.704 --> 10:43.705
GRADE 1 CLASS 5

10:44.956 --> 10:45.957
Yota.

10:46.041 --> 10:48.752
Nasaan ka noong lunch?

10:50.545 --> 10:51.588
Sa banyo?

10:51.672 --> 10:52.714
Ang tagal naman.

10:56.551 --> 11:00.472
<i>Tapos na ang araw, pero di ako nakahanap
ng tamang oras para humingi ng tawad.</i>

11:01.056 --> 11:04.017
<i>Teka, may tamang oras ba talaga
para humingi ng tawad?</i>

11:04.101 --> 11:05.227
TAMANG ORAS PARA HUMINGI NG TAWAD

11:06.895 --> 11:09.272
<i>Sana maabutan ko siya bukas.</i>

11:09.356 --> 11:10.732
Kita tayo, Minato.

11:10.816 --> 11:12.150
Bye.

11:31.044 --> 11:34.506
<i>Sa buong panahong ito, kahit minsan,</i>

11:34.589 --> 11:38.301
<i>hindi ko siya binigyan
ng patas na pagkakataon.</i>

11:39.344 --> 11:42.097
<i>Nag-assume ako base sa nangyari noon</i>

11:42.180 --> 11:44.766
<i>at agad kong napagdesisyunan
na hindi kami magkakasundo.</i>

11:45.517 --> 11:47.769
<i>Ni-reject ko siya
nang hindi ko man lang siya nakilala.</i>

11:48.353 --> 11:52.524
<i>Nagawa ko sa iba nang hindi iniisip
ang bagay na ayokong maranasan mismo.</i>

11:58.864 --> 12:00.824
<i>Ang expression na 'yon…</i>

12:00.907 --> 12:04.286
<i>'Yan ang mukha na ginagawa niya
kapag nag-aalangan siya.</i>

12:04.870 --> 12:08.081
<i>Akala ko
magiging magkaibigan din kami kalaunan,</i>

12:08.582 --> 12:11.042
<i>pero ego ko lang pala 'yon.</i>

12:11.626 --> 12:12.878
<i>Mayabang ako.</i>

12:13.378 --> 12:15.380
<i>Para sa kanya, istorbo lang ako.</i>

12:16.006 --> 12:19.176
<i>Siguro mas mabuti pang hindi ko
na lang siya ginulo simula pa lang.</i>

12:19.259 --> 12:20.677
Amamiya!

12:21.261 --> 12:22.262
Ha?

12:24.723 --> 12:25.932
Pasensya na.

12:28.810 --> 12:32.439
Puwede ba kitang makausap sandali?

12:38.528 --> 12:40.906
May oras ka ba ngayon?

12:40.989 --> 12:43.992
Oo. May oras pa ako
bago magsimula ang club ko.

12:46.161 --> 12:47.954
A…

12:48.538 --> 12:53.126
<i>Ano bang dapat kong sabihin? Nahihiya ako.
Nahihiya ako sa lahat.</i>

12:53.210 --> 12:55.212
HINDI PAGKAKAINTINDIHAN
PARANOID - CONSCIOUS SA SARILI

12:56.671 --> 12:58.965
Pasensya na kung
ang sama ng trato ko sa 'yo.

12:59.466 --> 13:00.467
Okay.

13:00.550 --> 13:02.385
Noong nabanggit mo ang middle school,

13:02.469 --> 13:06.431
nag-alala ako kung paano mo nalaman
ang nangyari noon.

13:06.932 --> 13:11.811
Nang isipin kong baka si Igarashi ang
nagsabi sa 'yo, sumama ang pakiramdam ko.

13:12.646 --> 13:16.816
<i>Pero sinabi sa 'kin ni Yota kanina na
misunderstanding lang pala ang lahat.</i>

13:17.400 --> 13:18.401
Sinabi ni Yota?

13:21.947 --> 13:22.989
Sa banyo?

13:23.073 --> 13:24.324
Ang lalaking 'yon…

13:25.116 --> 13:26.326
Naunahan ako…

13:26.910 --> 13:30.413
ng emosyon, at hindi maganda
ang naging ugali ko sa 'yo.

13:30.914 --> 13:31.915
Kasi…

13:32.958 --> 13:35.585
Kasi… Kasi…

13:35.669 --> 13:38.088
<i>Umaapaw ang mga salita sa isip ko,</i>

13:38.588 --> 13:40.632
<i>pero hindi ko mahanap
kung paano ko sila mailalabas nang tama.</i>

13:40.715 --> 13:42.342
GUSTO KONG HUMINGI NG TAWAD
GUSTO KONG MAGBAGO

13:42.425 --> 13:43.843
PARA SA SARILI KONG SATISFACTION?
PARA KANINO BA?

13:43.927 --> 13:45.345
GUSTO KONG SABIHIN SA KANYA
SABIHIN ANG ANO?

13:45.428 --> 13:48.390
<i>Pag nag-uunahan ang mga salita sa isip ko,
pag sinusubukan kong ilabas,</i>

13:49.015 --> 13:51.476
<i>nagkakagulo sila sa lalamunan ko.</i>

13:51.560 --> 13:53.728
<i>Lahat ng damdaming hindi ko masabi,</i>

13:54.396 --> 13:56.439
<i>gustong kumawala sa pamamagitan ng luha.</i>

13:57.482 --> 13:59.109
WHOA…!

13:59.192 --> 14:02.070
<i>Wag kang umiyak,
wag kang umiyak, wag kang umiyak!</i>

14:02.153 --> 14:03.196
<i>Bakit ba lagi akong…</i>

14:03.280 --> 14:04.948
<i>Kailangan kong mag-sorry.
Di ako puwedeng umiyak.</i>

14:05.031 --> 14:06.032
NALULUHA LANG ANG MGA MATA

14:06.116 --> 14:08.326
<i>Pigilan mo, pigilan mo, pigilan mo!</i>

14:08.410 --> 14:09.411
Hikawa.

14:10.036 --> 14:11.288
Ayos lang.

14:12.872 --> 14:15.208
Hindi mo kailangang
sobra-sobrang humingi ng tawad,

14:15.292 --> 14:17.419
at saka, ako naman ang nakaabala sa 'yo.

14:17.502 --> 14:20.797
<i>Di nga? Naiinis pa nga ako kanina lang.</i>

14:20.880 --> 14:22.549
<i>Bakit ako ang nagpapalakas ng loob niya?</i>

14:22.632 --> 14:24.926
Puwede mong ilabas. Ano…

14:25.010 --> 14:26.928
PUMAPATAK ANG LUHA

14:29.014 --> 14:31.558
<i>Kapag may mabait sa 'kin
habang pinipigilan ko ang pag-iyak,</i>

14:32.309 --> 14:33.852
<i>bigla na lang lumalabas lahat…</i>

14:34.519 --> 14:36.688
UMAAGOS ANG LUHA

14:37.272 --> 14:38.315
<i>Umiiyak siya.</i>

14:39.900 --> 14:41.192
HIMULMOL - NAGBUBUHOL-BUHOL

14:41.276 --> 14:42.277
ITAGO…

14:42.861 --> 14:44.195
Kasi…

14:44.279 --> 14:45.780
BIGLANG BUMABAHA LAHAT
HAGULGOL

14:45.864 --> 14:48.450
Nagsinungaling ako nang sabihin kong
wala akong koneksyon kay Igarashi.

14:48.533 --> 14:50.911
- Ano?
- Sa halip, kabaligtaran.

14:51.661 --> 14:53.955
Hindi na kami magkasundo ngayon.

14:55.874 --> 14:58.001
Saan nga ba ulit natin dadalhin 'to?

14:58.084 --> 14:59.961
Kaliwa ka, tapos diretso lang.

15:02.047 --> 15:03.465
SILA LANG DALAWA - UMIIYAK

15:03.548 --> 15:04.716
SIGURADONG MAMI-MISUNDERSTAND

15:05.800 --> 15:06.885
Hikawa.

15:09.304 --> 15:10.972
Mabigat.

15:11.681 --> 15:14.476
Tingnan mo 'to. Ano sa tingin mo?

15:14.976 --> 15:17.103
Ano'ng ginagawa nila?

15:17.187 --> 15:19.564
Baka may nakita silang
pambihirang halimaw.

15:20.565 --> 15:21.942
Ang mga magulang ko ay…

15:27.405 --> 15:28.740
Salamat.

15:31.409 --> 15:32.410
Sino 'to?

15:34.955 --> 15:36.331
Pomeranian ko 'yan.

15:38.333 --> 15:39.751
<i>Tumawa siya.</i>

15:42.087 --> 15:43.505
Ang cute.

15:48.176 --> 15:49.970
Sige, kailangan ko nang umalis.

15:50.053 --> 15:51.179
Pasensya na.

15:51.262 --> 15:52.263
Bye.

15:55.392 --> 15:56.768
Kita tayo bukas.

15:57.394 --> 16:00.271
Okay. Kita tayo.

16:15.412 --> 16:18.039
<i>Sandali nga.</i>

16:18.623 --> 16:21.543
<i>Sabi ni Hikawa,
hindi raw sila magkasundo ni Igarashi…</i>

16:21.626 --> 16:23.420
<i>Pero noon…</i>

16:24.004 --> 16:26.297
Uy. Igarashi?

16:26.381 --> 16:28.049
Naaalala mo si Hikawa?

16:32.178 --> 16:33.805
Hikawa?

16:33.888 --> 16:36.933
Wala akong naaalalang may ganyang
pangalan noong middle school.

16:37.517 --> 16:38.518
<i>Teka…</i>

16:39.185 --> 16:40.645
<i>Ano bang ibig sabihin ng lahat ng 'to?</i>

16:41.146 --> 16:43.314
REKOMENDASYON NGAYONG ARAW
RAMEN FAIR

16:43.398 --> 16:45.316
RICE - BOWLS

16:45.400 --> 16:47.068
LUTANG

16:47.736 --> 16:50.155
<i>Mukhang hindi naman sila nagsisinungaling.</i>

16:50.238 --> 16:51.781
Sa halip, kabaligtaran.

16:51.865 --> 16:52.991
Sino 'yon?

16:53.074 --> 16:55.076
<i>Ano bang nangyari
sa pagitan nilang dalawa?</i>

16:55.160 --> 16:57.495
Bakit ba kailangan mong mangialam
sa buhay ng iba?

16:57.579 --> 16:58.580
NATAUHAN

16:59.330 --> 17:00.749
NANLUMO

17:01.875 --> 17:03.543
May problema ba, Amamiya?

17:04.669 --> 17:05.712
Wala.

17:05.795 --> 17:06.796
GRR!

17:06.880 --> 17:09.966
Sinungaling! Lutang ka kanina pa.

17:10.050 --> 17:11.051
Nakikinig ako.

17:11.134 --> 17:13.511
Talaga? E ano nga ang sinasabi ko?
Sabihin mo nga!

17:13.595 --> 17:14.971
Ang needy mong girlfriend.

17:15.055 --> 17:16.139
'YONG SINABI MO NGAYON

17:16.222 --> 17:19.517
Minato, lalambot ang noodles mo
kung mananatili kang lutang.

17:20.018 --> 17:23.104
- Saan mo nakuha ang kombinasyong 'yan?
- Hindi bagay, di ba?

17:23.188 --> 17:24.564
Masarap naman.

17:24.647 --> 17:26.524
- Puro gluten.
- Ano?

17:26.608 --> 17:27.609
<i>Yota.</i>

17:27.692 --> 17:30.695
Sinabi sa 'kin ni Yota kanina
na misunderstanding lang pala ang lahat.

17:31.654 --> 17:34.282
<i>Tinatawag niya siya sa pangalan.</i>

17:34.783 --> 17:37.786
<i>Ngayong tapos na ang exams,
winter break na ang kasunod.</i>

17:38.286 --> 17:39.954
<i>Wala na kaming magiging common…</i>

17:45.293 --> 17:46.294
SLURP

17:46.377 --> 17:48.963
<i>- E, ano naman?</i>
- Ang bilis naman? Natatakot ako sa 'yo!

17:51.299 --> 17:55.220
<i>Paano kaya siya magre-react pag nilapitan
ko siya sa susunod naming pagkikita?</i>

17:55.887 --> 17:59.891
<i>Magiging awkward ba siya?
O lalayo ulit, gaya ng dati?</i>

17:59.974 --> 18:00.975
EPISODE ONE

18:02.769 --> 18:04.229
<i>Wala na akong maisip.</i>

18:07.315 --> 18:08.733
BA-BUMP

18:09.359 --> 18:10.819
Amamiya.

18:10.902 --> 18:11.986
NAMULA

18:17.575 --> 18:18.743
<i>Ano?</i>

18:18.827 --> 18:21.079
Kahapon,

18:21.830 --> 18:24.749
pasensya na at nauwi sa pag-iyak
'yong paghingi ko sana ng tawad.

18:24.833 --> 18:27.085
Siguro ang gulo-gulo ko tingnan.

18:27.919 --> 18:29.254
LUTANG

18:29.337 --> 18:32.841
Hindi dahil inisip kong
papatawarin mo ako kapag umiyak ako.

18:32.924 --> 18:33.925
HINDI

18:34.008 --> 18:35.009
Wag kang mag-alala.

18:35.593 --> 18:38.555
Well, minsan naman, nao-overwhelm tayo

18:38.638 --> 18:42.267
at napapaiyak
kahit walang malinaw na dahilan, di ba?

18:42.350 --> 18:43.351
NATULALA

18:43.434 --> 18:45.645
Nangyayari rin sa 'yo 'yon?

18:46.813 --> 18:48.148
- E, ano naman?
- Ano?

18:48.731 --> 18:51.401
Akala mo ba hindi ko
maiintindihan 'yon?

18:51.484 --> 18:54.654
- Ano?
- Ang sama naman no'n.

18:54.737 --> 18:55.738
HIKBI

18:55.822 --> 18:56.906
NATATARANTA

18:56.990 --> 18:58.324
Sa totoo lang, hindi ko rin inasahan.

18:58.408 --> 18:59.409
AH

18:59.993 --> 19:04.247
Hindi man halata,
pero sensitive akong tao.

19:06.374 --> 19:07.417
Anong klaseng mukha 'yan?

19:12.380 --> 19:13.631
Ang rude mo.

19:19.095 --> 19:21.598
Sige, dito na ako dadaan.

19:21.681 --> 19:23.683
- Para sa club mo?
- Nahulaan mo.

19:25.310 --> 19:26.436
Good luck.

19:27.687 --> 19:28.688
Okay.

19:43.494 --> 19:47.457
<i>Hindi ko dapat laging i-assume
na hindi ako naiintindihan ng mga tao</i>

19:47.540 --> 19:50.126
<i>o na ire-reject nila ako.</i>

19:53.296 --> 19:55.590
MIKI - PUMUNTA KA SA TRABAHO KO
SA WINTER BREAK - KITA TAYO

19:55.673 --> 19:59.427
<i>Parang may bahagyang nagbago…
o baka hindi rin.</i>

19:59.510 --> 20:00.720
IIMBITAHAN KO RIN SI YOTA

20:02.013 --> 20:03.306
<i>Parang gano'n ang vibe.</i>

20:03.806 --> 20:07.393
<i>Bukas na ang simula ng winter break.</i>

21:39.027 --> 21:41.195
KAWAII CAFE - WELCOME
WINTER BREAK FAIR

21:41.779 --> 21:45.950
Miharu! Sora! Ang tagal na, a. Yay!

21:46.034 --> 21:47.243
Yay!

21:47.327 --> 21:48.453
Kamusta na kayo?

21:48.536 --> 21:49.871
KUMUSTAHAN KASAMA ANG MGA DATING KAIBIGAN

21:49.954 --> 21:52.707
Hindi ko na kayo nakita mula noong
graduation. Kumusta ang high school?

21:52.790 --> 21:54.542
Tahimik at maayos naman.

21:54.625 --> 21:57.545
O, kayo? May dine-date ba kayo?

21:57.628 --> 21:59.380
- Wala.
- Ako din.

21:59.464 --> 22:00.715
<i>Walang kaabog-abog niyang sinabi.</i>

22:00.798 --> 22:04.344
Marami kang naka-date noong middle school.

22:04.427 --> 22:07.972
Tulad no'ng guwapong upperclassman
at volleyball player mula sa ibang school.

22:08.931 --> 22:10.725
A, 'yon kasi…

22:10.808 --> 22:12.352
ISANG UPPERCLASSMAN
NA WALA TALAGANG KONEKSYON SA AKIN

22:12.435 --> 22:14.062
Bigla na lang niya akong niyaya.

22:14.145 --> 22:15.146
SIGE NA NGA!

22:15.229 --> 22:17.982
Nagustuhan ko rin siya kalaunan,
kaya umoo ako.

22:18.066 --> 22:21.235
Sa tuwing may dini-date akong lalaki,
sila rin ang nakikipaghiwalay

22:21.319 --> 22:23.488
kasi hindi pala ako
'yong inakala nilang ako.

22:24.572 --> 22:25.573
GRRR!

22:25.656 --> 22:29.202
Wag kayong gumawa ng ideal version ko
tapos madi-disappoint kayo!

22:29.285 --> 22:31.412
Full gorilla mode na naman siya.

22:31.496 --> 22:32.997
Uy, sorry.

22:33.081 --> 22:37.001
Ang sinasabi ko lang,
hindi 'yon matatawag na totoong relasyon.

22:37.085 --> 22:40.505
Sa susunod
na seryoso akong makipagrelasyon,

22:41.130 --> 22:46.094
gusto ko ako ang unang mag-aaya.

22:46.177 --> 22:47.804
May nagugustuhan ka ba ngayon?

22:47.887 --> 22:48.888
Wala.

22:49.847 --> 22:51.474
<i>Paano si Amamiya?</i>

22:51.557 --> 22:54.393
<i>Kapag binanggit ko siya ngayon,
lalo lang gugulo ang lahat.</i>

22:54.894 --> 22:56.270
Ikaw naman, Koyuki?

22:56.354 --> 22:58.022
May lalaki ba sa buhay mo, Koyuki?

22:59.232 --> 23:00.316
Ako?

23:04.278 --> 23:05.279
Pass na lang.

23:06.572 --> 23:09.700
Sa tingin ko hindi talaga para sa 'kin
ang mga relasyon.

23:10.368 --> 23:14.288
Bilib ako sa inyong dalawa
na nagtatagal kayo sa mga boyfriend n'yo.

23:15.957 --> 23:17.625
Hindi naman gano'n ka-big deal.

23:18.626 --> 23:20.044
May pictures ka ba?

23:20.128 --> 23:21.420
HEE HEE

23:21.504 --> 23:22.797
Puwede ko bang ipakita sa 'yo?

23:24.423 --> 23:26.634
Kailangan ko nang pumasok
sa trabaho. Kita tayo.

23:26.717 --> 23:27.802
- Kita tayo!
- Bye bye.

23:27.885 --> 23:29.220
Mag-hang out ulit tayo.

23:31.389 --> 23:34.183
Ang hirap ng pinagdadaanan ni Koyuki.

23:34.684 --> 23:38.312
Ano bang magagawa niya? Nandiyan pa 'yong
nangyari sa kanila ni Igarashi.

23:39.355 --> 23:43.276
Sa simula pa lang,
bakit ba siya pumatol kay Igarashi

23:43.359 --> 23:46.112
noong middle school?

23:47.113 --> 23:48.948
Akala ko galit na galit siya roon.

23:49.031 --> 23:51.242
Oo nga, nagulat din ako.

23:51.325 --> 23:53.870
<i>Sa tingin ko, ako ang may kasalanan.</i>

23:53.953 --> 23:55.955
Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann Malquisto
