WEBVTT

00:12.533 --> 00:14.535
Kukuha lang ako ng inumin.

00:14.618 --> 00:16.871
Amamiya. Sasama ako.

00:24.545 --> 00:26.005
<i>Nang hindi nag-uusap…</i>

00:26.547 --> 00:28.048
<i>Nakarating na kami.</i>

00:38.851 --> 00:45.357
Uy, sa tingin mo magugulat sila
pagbalik nila na wala na tayo dito?

00:45.441 --> 00:47.109
Tara?

00:47.193 --> 00:48.360
NA-DISTRACT NA TALAGA ANG DALAWANG 'TO

00:50.571 --> 00:51.906
<i>- Ang lamig…
- Ang init…</i>

00:51.989 --> 00:52.990
KABOG KABOG

00:53.073 --> 00:54.116
Minato!

00:55.951 --> 00:57.244
Kenta. Hello.

00:57.745 --> 00:59.747
Ginagawa mo ba 'yong
mga tanong na binigay ko?

01:01.207 --> 01:02.416
<i>Mga senior.</i>

01:03.084 --> 01:05.753
<i>- Alis, alis.</i>
- Kakagawa ko lang kanina.

01:05.836 --> 01:07.129
Sigurado ka ba diyan?

01:08.881 --> 01:10.049
Junior mo ba 'to?

01:10.132 --> 01:11.592
Oo. Cute, di ba?

01:11.675 --> 01:13.844
Inaalagaan ka ba ni Kenta nang maayos?

01:13.928 --> 01:16.889
Mahilig 'yan magyabang, pero
malayo siya sa iniisip niyang "astig."

01:16.972 --> 01:18.432
Ha? Ano 'yon?

01:18.516 --> 01:20.267
NAGLAHO

01:20.351 --> 01:21.811
- Sige, una na kami.
- Bye-bye.

01:21.894 --> 01:22.895
Ingat.

01:23.729 --> 01:24.730
SUMISILIP

01:24.814 --> 01:26.649
- Tapos na kayo?
- Hikawa?

01:27.483 --> 01:30.110
Puwede mo namang ipakita
ang totoong ikaw, alam mo.

01:30.611 --> 01:31.862
Hindi 'yon.

01:32.446 --> 01:33.948
Hindi sa hindi ako nagpapakatotoo,

01:34.031 --> 01:35.950
hindi ko lang kilala 'yong
mga nakatatanda.

01:36.951 --> 01:38.202
Natakot ka ba?

01:38.285 --> 01:39.578
ALAALA NG MIDDLE SCHOOL

01:39.662 --> 01:40.663
Medyo.

01:40.746 --> 01:42.414
<i>Mahiyain pala siya
sa mga di niya kakilala…</i>

01:48.379 --> 01:49.713
Hikawa.

01:51.215 --> 01:54.301
Natatakot ka rin ba sa 'kin?

01:54.385 --> 01:55.386
Ha?

01:57.763 --> 01:58.973
Hindi.

01:59.056 --> 02:00.182
<i>Hindi na.</i>

02:00.683 --> 02:02.059
Hindi ako natatakot sa 'yo.

02:08.858 --> 02:10.568
Salamat naman.

02:15.281 --> 02:18.701
<i>Oo nga. Tao rin si Amamiya.</i>

02:18.784 --> 02:21.287
<i>Nasasaktan din siya, at nag-aalala rin.</i>

02:21.912 --> 02:24.165
<i>Ang halata nito, pero…</i>

02:25.291 --> 02:28.794
<i>Paano ko ba siya tinatrato
sa buong panahong ito?</i>

02:31.797 --> 02:33.215
Amamiya.

02:33.799 --> 02:36.468
<i>Hay naku, ano'ng gagawin ko?
Hindi ko siya matingnan.</i>

02:39.805 --> 02:40.806
Ha?

02:44.018 --> 02:45.936
- Ip-ip-ip–
- Ip?

02:46.020 --> 02:48.105
Doon! Sa baba! Sa likod mo!

02:48.189 --> 02:50.649
Tingnan mo! Doon! Doon!

02:50.733 --> 02:52.276
Ha? Ano?

03:00.034 --> 03:01.785
HEH - HAH

03:03.871 --> 03:05.080
Grabe naman…

03:06.999 --> 03:08.542
Akala ko nababaliw ka na!

03:08.626 --> 03:11.545
E kasi… Sorry na.

03:12.922 --> 03:16.050
<i>Ayokong maging magkaibigan tayo
dahil pinilit ko.</i>

03:16.884 --> 03:18.802
<i>Gusto kitang makilala kung sino ka talaga.</i>

03:18.886 --> 03:20.304
<i>Gusto kong maging
tunay tayong magkaibigan.</i>

03:20.888 --> 03:22.139
<i>Gusto kitang makitang ngumiti.</i>

03:22.932 --> 03:24.224
<i>'Yon lang.</i>

03:26.143 --> 03:27.561
<i>'Yon lang naman.</i>

03:28.437 --> 03:29.855
<i>At kahit gano'n…</i>

05:01.572 --> 05:05.993
EPISODE 9
KAMALAYAN SA SARILI

05:06.827 --> 05:08.495
Ang tagal nila.

05:10.831 --> 05:12.666
Di ba parang ang tagal naman nila
para sa simpleng break?

05:12.750 --> 05:14.293
Gusto pa ba nilang mag-aral?

05:14.376 --> 05:15.669
Papalapit na ang exams.

05:15.753 --> 05:18.047
- Ikaw nga, e.
- Ikaw din!

05:18.130 --> 05:20.174
OPERATION
"GULATIN SILA PAGBALIK NILA"

05:21.800 --> 05:23.177
So, Yota.

05:23.844 --> 05:25.095
Sino ang gusto mo?

05:26.764 --> 05:28.265
Bakit mo tinatanong?

05:28.349 --> 05:33.187
Hindi ka kasi nagsasabi tungkol diyan.
Curious lang ako.

05:38.817 --> 05:39.818
Miki.

05:39.902 --> 05:40.903
Ha?

05:46.867 --> 05:48.952
- Koyun.
- Ha?

05:49.036 --> 05:51.705
Hayato, Daichi, Gin.

05:51.789 --> 05:54.625
Mama, Papa, Haruto, Sakura.

05:54.708 --> 05:56.293
Uy, hinay-hinay lang.

05:56.376 --> 05:57.961
Isama mo rin naman si Minato.

06:02.132 --> 06:03.717
Uy, Yota.

06:03.801 --> 06:09.056
Kung sakaling magka-crush ka man,
nandito lang ako para suportahan ka.

06:09.556 --> 06:12.351
Sa dami ng ginawa mo para sa 'kin.

06:17.856 --> 06:20.234
- Alam kong maaasahan kita.
- Oo!

06:21.819 --> 06:23.320
Uy, bumalik na sila.

06:24.822 --> 06:26.532
Ha? Nasaan sila?

06:26.615 --> 06:29.159
Nandito pa ang mga gamit nila.
Baka nag-CR lang?

06:31.578 --> 06:33.747
Kung nasaan man sila, babalik din 'yon.

06:34.248 --> 06:35.249
Siguro nga.

06:38.377 --> 06:43.507
<i>'Yong pagpigil ni Yota sa feelings niya
para manatiling magkaibigan sila ni Miki…</i>

06:44.174 --> 06:46.260
<i>Ramdam kong napapagod na siya.</i>

06:47.094 --> 06:51.265
<i>At kung mahulog si Hikawa kay Yota,</i>

06:51.765 --> 06:54.017
<i>hindi niya rin 'yon masusuklian.</i>

06:54.852 --> 06:56.520
<i>Hindi niya dapat tahakin 'yon…</i>

06:57.312 --> 06:59.022
<i>Gano'n ang iniisip ko.</i>

07:00.023 --> 07:04.361
<i>Pero ang totoo, hindi mo naman mapipigilan
ang ganitong bagay.</i>

07:07.739 --> 07:09.533
<i>Sana hindi ko na lang napansin 'to.</i>

07:10.617 --> 07:13.829
<i>Parang ngayon lang siya
medyo nag-open up sa 'kin.</i>

07:14.621 --> 07:17.416
<i>- Kaya hindi ako puwedeng basta makialam–</i>
- Amamiya.

07:21.170 --> 07:22.296
Eto.

07:22.379 --> 07:24.882
Dalawa na lang 'to. Kaya kunin mo na.

07:29.178 --> 07:30.429
Salamat.

07:33.056 --> 07:34.183
<i>Ang hirap nito…</i>

07:34.266 --> 07:35.267
LUMALABAS

07:35.350 --> 07:37.519
- "Kunin mo na?" Aray!
- Nandito ka pala?

07:43.233 --> 07:44.234
ART ROOM

07:44.318 --> 07:46.778
Dito ka ba laging kumakain
sa Art Room, Tsukiko?

07:46.862 --> 07:51.158
Oo. Para mabilis akong makakain dito
at makabalik agad ako sa ginagawa ko.

07:52.910 --> 07:54.286
Napaka-practical.

07:54.369 --> 07:56.371
LUMABAS SA EP 6
GRADE 1 CLASS 2 - LIBRARY REP

07:56.455 --> 07:57.789
Ako si Tsukiko Shimojima.

07:58.457 --> 08:02.544
Kumakain ako dati
kasama sila sa classroom.

08:02.628 --> 08:05.881
<i>Pero ang dami namin,
at hindi naman kami sobrang close lahat.</i>

08:05.964 --> 08:07.674
NABUONG GRUPO
PAREHONG MIDDLE SCHOOL - MAGKAKAIBIGAN

08:07.758 --> 08:09.051
PAREHONG CLUB - MAGKAKATABI
PALAGING NAG-UUSAP

08:09.134 --> 08:15.807
<i>May parang unspoken rule din
na kailangan sabay-sabay kaming kumain.</i>

08:15.891 --> 08:20.312
Napaisip ako, "Ganito ba talaga
ang close na magkakaibigan?"

08:20.395 --> 08:24.316
Kaya unti-unti akong lumayo
at humiwalay sa grupo.

08:24.399 --> 08:25.817
HAHA

08:27.653 --> 08:30.864
Pero hindi naman ako umalis
dahil may nakaaway ako o ano.

08:30.948 --> 08:33.033
Nakakasama ko pa rin sila, paisa-isa.

08:33.534 --> 08:37.162
<i>Ay, naku!
Baka isipin niya ang sama kong tao.</i>

08:37.246 --> 08:38.580
Gets ko.

08:39.164 --> 08:41.833
Sobrang gets ko na parang nasusuka na ako.

08:41.917 --> 08:43.502
<i>Empathy.</i>

08:43.585 --> 08:45.254
Ayos ka lang?

08:45.754 --> 08:49.091
Hindi rin kasi ako magaling
makisama sa grupo.

08:49.591 --> 08:51.843
<i>Oo nga, halata naman.</i>

08:51.927 --> 08:54.096
TUMITINGIN SA MALAYO

08:56.181 --> 08:57.349
Grabe.

08:57.432 --> 09:00.852
Kung napaaga lang sana
ang pag-uusap natin.

09:02.938 --> 09:04.064
YAY

09:04.147 --> 09:05.482
May strawberries ako ngayon.

09:05.566 --> 09:06.942
Gusto mo?

09:07.025 --> 09:08.360
Sigurado ka?

09:08.443 --> 09:11.363
GRADE 1 CLASS 6

09:11.446 --> 09:13.073
AFTER SCHOOL STUDY SESSION

09:13.156 --> 09:14.866
So, curry…

09:15.951 --> 09:17.119
May gusto ba ng curry?

09:17.202 --> 09:18.620
- Ha?
- Ano?

09:18.704 --> 09:21.498
I mean, kailan ba kami tumanggi sa curry?

09:21.582 --> 09:23.625
Game ka! Gusto ko 'yan.

09:24.418 --> 09:28.130
May sikat daw na curry place
sa bagong mall.

09:28.213 --> 09:29.339
DAAN MUNA TAYO

09:29.423 --> 09:30.549
- Puwede ba?
- Sige.

09:30.632 --> 09:31.925
SAKOP NG COMMUTER PASS

09:32.009 --> 09:34.303
Pero sasabay kayo sa 'min sa train.

09:34.386 --> 09:35.429
Okay lang.

09:35.512 --> 09:36.513
Ako rin.

09:36.597 --> 09:38.432
E, 'yong dinner n'yo sa bahay?

09:38.515 --> 09:42.060
Koyun, lagi ka na lang nag-aalala.
Ayos lang ako.

09:42.144 --> 09:43.145
"Lagi"?

09:43.228 --> 09:47.149
Sige! Outing na 'to!

09:47.232 --> 09:49.651
STATION - SCHOOL
TROT TROT TROT

09:50.569 --> 09:51.653
Wow.

09:51.737 --> 09:54.948
- Diyan ka humahawak?
- Oo?

09:55.032 --> 09:56.074
- Sana all.
- Sana all?

09:56.158 --> 09:57.159
SPARKLE SPARKLE

09:57.743 --> 09:59.786
Hindi ko kailangang humawak.
Kaya kong tumayo.

10:00.287 --> 10:01.330
<i>Core! Strength!</i>

10:01.413 --> 10:02.998
A, paligsahan pala 'to?

10:06.084 --> 10:07.127
Ang bigat mo.

10:07.210 --> 10:08.670
Hindi 'yan counted.

10:08.754 --> 10:10.672
Hindi ko ginagamit ang kamay ko,
so counted pa rin.

10:10.756 --> 10:12.174
Hindi talaga counted 'yan.

10:25.812 --> 10:29.816
<i>Ang dami nang nagbago kumpara dati.</i>

10:33.070 --> 10:38.909
<i>Parang fish tank ang middle school,
at ako 'yong hindi makahinga.</i>

10:39.910 --> 10:42.829
<i>Hindi ako kagaya ng iba,
at masakit 'yon.</i>

10:43.830 --> 10:46.166
<i>Na-realize ko
na hindi ako nababagay doon.</i>

10:47.209 --> 10:50.170
<i>Pero kahit umalis ako,
wala pa rin akong mapuntahan.</i>

10:50.754 --> 10:53.548
<i>Pakiramdam ko kasalanan ko
dahil hindi ako maka-adapt.</i>

10:54.341 --> 10:56.760
<i>Masakit… Sobrang sakit…</i>

10:57.844 --> 10:58.845
<i>Pero…</i>

11:00.514 --> 11:02.933
<i>Nakawala rin ako sa fish tank na 'yon</i>

11:03.850 --> 11:07.354
<i>at na-realize ko na hindi ko kailangang
magtiis sa maliit na mundo.</i>

11:07.437 --> 11:10.607
<i>No'ng naisip kong
hindi ko kailangang mag-settle,</i>

11:12.025 --> 11:14.444
<i>parang naging trivial na lang ang lahat.</i>

11:17.531 --> 11:18.532
STUDENT COUNCIL NEWSLETTER

11:18.615 --> 11:20.033
MAHAL NA MGA ESTUDYANTE, CONGRATULATIONS
SA PAGPASOK SA HIGH SCHOOL

11:20.117 --> 11:21.952
<i>Clubs, school events, pati mga kaibigan…</i>

11:22.035 --> 11:24.454
<i>Kung mapayapa ko lang
na malampasan ang tatlong taon na 'to,</i>

11:25.080 --> 11:26.873
<i>wala nang iba pang mahalaga.</i>

11:31.336 --> 11:33.547
<i>Ang dami na talagang nagbago.</i>

11:34.548 --> 11:38.093
Ang ganda na ng paligid ng station ngayon.

11:39.094 --> 11:41.513
<i>O baka nagbago na rin ako?</i>

11:42.431 --> 11:45.142
Ibang-iba na kumpara dati
no'ng nandito pa ang mall.

11:45.225 --> 11:47.352
Siguradong ang mahal na ng renta dito.

11:47.436 --> 11:48.645
Sino ka ba para manghusga?

11:49.146 --> 11:51.189
<i>Oo. Magiging maayos ang lahat.</i>

11:52.190 --> 11:56.027
<i>Puwede ko namang kalimutan na lang
'yong masasamang alaala.</i>

11:56.695 --> 12:00.615
GRAND OPENING SALE

12:01.741 --> 12:06.037
Tingnan natin. Nandito tayo,
tapos nando'n 'yong food court…

12:06.121 --> 12:07.122
FOOD COURT

12:07.205 --> 12:08.206
Dito.

12:08.290 --> 12:09.499
MABILIS MAGLAKAD - GAH

12:09.583 --> 12:12.544
Kilala kita. Baliktad 'yong direksyon.

12:12.627 --> 12:13.628
HAY NAKU

12:13.712 --> 12:15.422
Dito. Dito ang daan.

12:15.505 --> 12:17.591
Sigurado ka? Baka niloloko mo ako?

12:17.674 --> 12:19.134
Sigurado ako.

12:19.217 --> 12:21.720
<i>Hoy, ano 'yong
"kilala kita" vibes mo kanina?</i>

12:21.803 --> 12:22.804
<i>Game ako diyan!</i>

12:22.888 --> 12:23.889
FLASH
POWERED BY FAN LOVE

12:30.145 --> 12:31.229
Talaga?

12:34.483 --> 12:35.775
Naku po…

12:36.485 --> 12:38.820
- Miki.
- Hoy! Personal space naman! Ano 'yon?

12:38.904 --> 12:41.281
- Nandito si Igarashi.
- Ano?

12:42.324 --> 12:44.367
Hindi na kami okay ngayon.

12:44.951 --> 12:47.370
Iwasan na lang natin siyang
mapalapit kay Hikawa, okay?

12:49.706 --> 12:51.291
Sinabi sa 'yo ni Koyun?

12:51.791 --> 12:53.376
<i>Na naging sila dati.</i>

12:53.460 --> 12:55.795
Oo, pero sandali lang naman.

12:56.296 --> 12:57.881
<i>Na hindi sila okay ngayon.</i>

12:58.465 --> 13:01.343
Sa tingin mo mag-aaway sila
pag nagkita sila?

13:01.426 --> 13:04.179
Hindi naman siguro aabot sa gano'n.

13:04.262 --> 13:07.390
Kahit na, ayokong masaktan si Hikawa.

13:07.474 --> 13:08.642
Paglayuin na lang natin sila.

13:09.226 --> 13:10.435
Sige.

13:16.566 --> 13:17.859
Ano'ng meron, Koyun?

13:18.693 --> 13:19.778
<i>Hindi niya puwedeng makita.</i>

13:20.278 --> 13:21.905
- Yota, tingnan mo! May aso.
- Ha?

13:21.988 --> 13:23.323
Tara, lapitan natin.

13:23.406 --> 13:26.117
Pero baka wala naman talagang mangyari.

13:26.201 --> 13:29.412
Baka naka-move on na rin siya.

13:29.496 --> 13:31.915
Oo nga, sa tingin ko tama ka.

13:32.541 --> 13:34.167
Hikawa?

13:34.251 --> 13:37.045
Wala akong maalalang
ganyang pangalan noong middle school.

13:39.631 --> 13:43.176
<i>Pero 'yong parang nakalimutan niya
na nag-e-exist siya…</i>

13:43.760 --> 13:48.223
Well, sana maging okay siya
sa susunod niyang girlfriend.

13:48.807 --> 13:50.183
Ano?

13:50.267 --> 13:53.019
Ay, wala. Kung anu-ano lang
ang sinasabi ko.

13:53.103 --> 13:56.690
Wala akong alam sa love life
ni Igarashi simula high school.

13:56.773 --> 13:58.567
Baka single pa siya?

13:58.650 --> 14:01.152
- O baka may girlfriend na? Ewan.
- <i>Girlfriend?</i>

14:02.779 --> 14:03.780
<i>Ano?</i>

14:05.740 --> 14:07.659
- Salamat sa pagkain.
- Salamat sa pagkain.

14:07.742 --> 14:10.203
Ayos! Tabi!

14:10.287 --> 14:11.288
Tumahimik ka nga.

14:13.873 --> 14:17.961
- Hindi ako papatalo!
- Ay, may gumagamit na.

14:18.044 --> 14:19.546
- Hoy, bumalik ka!
- Sa iba na lang tayo.

14:19.629 --> 14:20.755
MATSURI - ONDO NO MASTER

14:20.839 --> 14:22.007
Ayan! Ayan! Ayan!

14:22.090 --> 14:23.091
Aray!

14:23.174 --> 14:24.551
Sorry, Yota!

14:24.634 --> 14:25.635
UPPI PURI

14:25.719 --> 14:26.845
Mag-picture tayo dito!

14:26.928 --> 14:28.430
Puwede ba ako dito?

14:28.513 --> 14:29.639
Bakit naman hindi?

14:29.723 --> 14:31.141
Kinakabahan lang ako.

14:31.641 --> 14:34.811
<i>Ready? Three, two, one…</i>

14:34.895 --> 14:35.896
Yay!

14:37.314 --> 14:40.567
Grabe, ang saya.

14:40.650 --> 14:43.320
Ang sarap palang magliwaliw
bago ang exams.

14:43.403 --> 14:44.779
Nakakaadik.

14:44.863 --> 14:46.907
Wag kang maadik.

14:46.990 --> 14:48.825
Mag-aaral ulit tayo bukas.

14:49.951 --> 14:51.828
Yota!

14:52.704 --> 14:53.830
Ingat!

14:54.414 --> 14:55.665
- Ingat.
- Bye-bye.

15:00.962 --> 15:02.964
ANG CUTE
NAMIN

15:03.757 --> 15:05.634
- Ayos ka, a.
- Ano? Hindi ko gets.

15:05.717 --> 15:06.718
NAKANGISI - NAIIRITA

15:10.013 --> 15:13.725
<i>Sana maging okay siya
sa susunod niyang girlfriend.</i>

15:14.309 --> 15:17.312
<i>Ano ka ba? Normal lang naman
na may past relationships siya.</i>

15:17.979 --> 15:21.816
<i>Pero totoo ba? Kay Igarashi?
Parang ang labo.</i>

15:22.817 --> 15:29.240
<i>Medyo gets ko pa kung…
kay Yota siya magkagusto, pero…</i>

15:29.950 --> 15:31.910
<i>Hindi. Ayokong isipin 'yon.</i>

15:34.454 --> 15:35.455
BINUNGGO

15:35.538 --> 15:37.499
- Ay grabe.
- Hoy, anong meron?

15:37.582 --> 15:40.251
<i>Hindi ko talaga gets.</i>

15:44.506 --> 15:46.508
Sabi ko na sa 'yo. 'Vator ang the best.

15:46.591 --> 15:50.971
Kayo lang na mga Azumi ang kilala kong
tumatawag sa elevator na "vator."

15:59.729 --> 16:01.189
<i>Noong middle school…</i>

16:02.273 --> 16:04.526
<i>Ayoko kay Tsubasa Igarashi.</i>

16:05.110 --> 16:06.778
- Ang lamya naman.
<i>- Magkaiba ang personality namin.</i>

16:06.861 --> 16:09.030
- Seryoso, pare.
- <i>Gusto niya ako, pero di ko siya gusto.</i>

16:10.365 --> 16:13.034
- Ano ba. May Igarashi na siya.
- <i>Walang pakialam ang iba sa feelings ko.</i>

16:13.118 --> 16:15.662
- Wag mong paghintayin si Igarashi.
<i>- Gusto lang nilang magsaya.</i>

16:15.745 --> 16:18.289
<i>Kinamuhian ko ang lahat. Lahat.</i>

16:19.791 --> 16:23.461
<i>Pero hindi 'yon ang dahilan
kung bakit ayokong pag-usapan siya.</i>

16:24.838 --> 16:27.799
<i>Dahil 'yon sa ginawa ko sa kanya.</i>

16:30.427 --> 16:31.428
Ikaw.

16:34.639 --> 16:36.182
Ano 'yang buhok mo?

16:36.266 --> 16:37.267
WHOA

16:37.350 --> 16:38.852
A-Ako?

16:38.935 --> 16:41.438
Kakaibang kulay din 'yan
no'ng nakita kita dati.

16:41.521 --> 16:43.273
SUMAKAY SA VIBES NIYA NGAYON
NATATARANTA

16:43.356 --> 16:45.775
Ano naman?
Kahit ano naman bagay sa 'kin, di ba?

16:45.859 --> 16:47.193
Ang weird ng kinikilos mo.

16:47.819 --> 16:50.697
<i>Parang wala lang ako sa kanya.</i>

16:52.490 --> 16:54.492
<i>Nakalabas na ako sa fish tank na 'yon,</i>

16:55.535 --> 16:59.289
<i>Pero habang mas nakikilala ko ang
sarili ko, mas nainis ako sa sarili ko.</i>

17:02.625 --> 17:03.668
<i>Kasi…</i>

17:04.169 --> 17:08.089
Hindi kita nagustuhan. Kahit kailan.

17:08.673 --> 17:13.595
<i>Natakot akong harapin
ang taong sinaktan ko.</i>

17:14.512 --> 17:15.930
<i>Duwag lang ako.</i>

17:18.183 --> 17:19.184
Ingat.

17:24.439 --> 17:25.440
Igarashi.

17:31.112 --> 17:32.113
Ano 'yon?

17:33.990 --> 17:36.117
Masaya ka ba sa high school?

17:38.119 --> 17:41.623
Ha? Ano ako,
kamag-anak mo na biglang nagpakita?

17:41.706 --> 17:42.749
GONG

17:42.832 --> 17:44.250
<i>Naku po… Anong gagawin ko?</i>

17:44.334 --> 17:46.377
<i>Ang lupet no'ng banat mo,
nakakatuwa talaga.</i>

17:47.087 --> 17:49.422
<i>Sabi ko na.
Hindi talaga kami nagkakaintindihan.</i>

17:49.923 --> 17:51.049
Ayos lang ako.

17:52.175 --> 17:54.969
At hindi ko rin kailangan
ng pag-aalala mo.

18:00.850 --> 18:04.437
Grabe, nagulat ako do'n
no'ng pinatigil mo si Igarashi.

18:04.521 --> 18:06.523
EPISODE: MARAMI PANG PINAG-UUSAPAN
BAGO KAMI UMUWI

18:06.606 --> 18:07.607
Salamat.

18:08.775 --> 18:09.943
Bakit ko nga ba ginawa 'yon?

18:10.026 --> 18:13.780
Ang saya ko kasi kasama ko kayo kanina,
kumain tayo ng dinner at nag-hang out.

18:13.863 --> 18:15.073
Siguro dahil do'n?

18:15.573 --> 18:17.117
Hindi talaga ako gano'n umasta.

18:17.700 --> 18:18.785
Koyun.

18:26.376 --> 18:28.378
Eto. Salamat dito.

18:28.461 --> 18:31.005
Ha? Anong meron sa bag?

18:31.089 --> 18:35.885
Ano naman?
Wala ka namang makakasalubong pauwi.

18:37.554 --> 18:40.140
<i>Meron. At siya pa, sa lahat ng tao…</i>

18:40.723 --> 18:42.892
Masaya ka ba sa high school?

18:43.518 --> 18:45.061
Ikaw pa talaga ang nagtatanong.

18:47.647 --> 18:48.648
Ang hassle naman.

18:52.902 --> 18:53.903
Sabihin mo nga…

18:54.487 --> 18:57.824
Nakipag-date ka lang
kay Igarashi dahil sa 'kin, di ba?

18:58.449 --> 19:02.871
Pasensya na. Nagsalita ako nang
hindi iniisip 'yong mararamdaman mo.

19:04.831 --> 19:05.832
Ha?

19:05.915 --> 19:07.333
Ha?

19:07.417 --> 19:09.919
Nagsalita ka nang padalos-dalos?

19:10.003 --> 19:12.380
Oo, hindi ba?

19:12.463 --> 19:14.090
Naalala mo, dito tayo dati nag-usap,

19:14.174 --> 19:16.843
no'ng sinabi kong
"okay na 'yan" at "ang greedy mo."

19:16.926 --> 19:19.762
Talaga? Baka…

19:19.846 --> 19:22.056
Ha? 'Yon lang?

19:22.140 --> 19:24.225
Pasensya na, medyo di ko na maalala.

19:24.309 --> 19:25.310
NALILITO

19:25.393 --> 19:28.313
Ha? E, bakit kayo nag-date?

19:31.566 --> 19:32.901
- Secret.
- Ano?

19:32.984 --> 19:33.985
NAGULAT

19:34.611 --> 19:38.573
Kapag sinabi ko, baka maliitin mo ako.

19:38.656 --> 19:39.741
Uy, sandali…

19:41.492 --> 19:43.661
Hindi puwedeng palampasin 'yang sinabi mo.

19:43.745 --> 19:44.746
Ang intense mo naman…

19:46.789 --> 19:47.832
Kasi…

19:48.958 --> 19:52.712
Akala ko gagaan ang pakiramdam ko
kung mai-in love ako

19:52.795 --> 19:54.255
sa taong mahal talaga ako.

19:55.506 --> 19:58.509
Pero, hindi. Sa katunayan,
mas lalo lang akong nasaktan.

19:59.552 --> 20:01.679
At sa huli, nasaktan ko lang si Igarashi.

20:02.889 --> 20:05.225
<i>Sa totoo lang, sinadya ko siyang saktan.</i>

20:06.559 --> 20:08.728
Kumilos ako laban sa nararamdaman ko.

20:08.811 --> 20:10.980
Sarili ko lang ang iniisip ko noon.

20:11.856 --> 20:15.276
At, Miki… ayaw mo sa mga taong gano'n.

20:17.528 --> 20:19.030
Wala akong masasabi diyan.

20:19.614 --> 20:24.619
I mean, kahit ano pang ginawa mo,
masasaktan din naman si Igarashi, di ba?

20:24.702 --> 20:27.288
At hindi mo kasalanan 'yon.

20:27.872 --> 20:32.919
At saka… hindi ko kayang magalit sa 'yo.

20:33.002 --> 20:35.255
Hindi kita kayang kamuhian,
lalo na sa bagay na 'yan.

20:35.338 --> 20:36.339
NAHIHIYA

20:36.422 --> 20:37.423
OH?

20:37.507 --> 20:39.008
Sige!

20:39.092 --> 20:42.136
Palitan na lang natin 'tong pangit na
alaala ng mas masasayang relasyon!

20:42.220 --> 20:44.389
Hindi, wag na.

20:44.472 --> 20:46.140
Ikaw na lang gumawa no'n
para sa 'ting dalawa.

20:46.224 --> 20:48.810
- Sino ba ang bagay sa 'yo?
- Ano?

20:48.893 --> 20:49.936
(BINABALEWALA)
ANONG KLASENG TAO KAYA…

20:50.520 --> 20:53.189
Gusto ko para sa 'yo
'yong kabaligtaran ni Igarashi.

20:53.273 --> 20:55.441
'Yong mabait, medyo lutang.

20:55.525 --> 20:58.444
'Yong kayang sumabay sa pace mo.

20:59.028 --> 21:03.074
'Yong magmamahal sa 'yo
sa kung sino ka talaga.

21:03.157 --> 21:06.202
'Yong mabait at mabuti ang puso.

21:07.412 --> 21:09.664
- Wag mo akong alalahanin.
- Wag mo akong alalahanin.

21:09.747 --> 21:11.708
JINX

21:14.794 --> 21:17.922
Hindi naman lahat umiikot sa pag-ibig.

21:18.006 --> 21:20.049
Masaya na ako sa ganito.

21:20.133 --> 21:23.678
Pero siyempre, bonus na rin
'yong konting romance, di ba?

21:23.761 --> 21:25.805
Parang cherry sa ibabaw ng cake.

21:27.432 --> 21:29.225
Tama ba 'yon?

21:29.309 --> 21:30.685
Ewan ko.

21:31.561 --> 21:32.770
<i>Pag-ibig.</i>

21:32.854 --> 21:36.691
Koyuki, gusto mo ba si Igarashi?

21:38.359 --> 21:39.610
Hindi.

21:40.111 --> 21:41.904
Tsismis lang 'yon.

21:42.613 --> 21:43.698
Gano'n ba…

21:46.034 --> 21:47.285
Alam mo?

21:47.368 --> 21:50.371
Kinukulit talaga ako ni Atagawa.

21:51.539 --> 21:54.751
Hindi ako interesado sa iba
maliban sa taong gusto ko talaga.

21:54.834 --> 21:56.836
Nakakairita na nga e.

22:04.594 --> 22:05.845
<i>Uy, Miki.</i>

22:06.554 --> 22:09.640
<i>Hindi kasing linis ng puso mo
'yong sa 'kin.</i>

22:09.724 --> 22:11.809
- Sige, mauna na ako.
- Aabangan ko 'yong cherry report mo.

22:11.893 --> 22:13.603
<i>Sa totoo lang…</i>

22:13.686 --> 22:14.896
Cherry report! Gusto ko 'yon.

22:14.979 --> 22:16.689
<i>Hindi ko kayang i-recommend ang sarili ko
sa kahit kanino.</i>

22:18.358 --> 22:19.525
<i>Kaya…</i>

22:22.862 --> 22:24.864
<i>Ikaw na lang ang maging masaya, Miki.</i>

23:50.366 --> 23:55.371
Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann Malquisto
